"I want you as my meal" he then bite my earlobe and licked it hungrily. Pinigilan ko ang mapaungol dahil sa sensasyong ibinibigay niya sa akin. Hindi nakakakiliti pero nagbibigay ito ng kung anong pakiramdam sa buong katawan ko. Nag iinit ang buo kong katawan, hindi ako mapakali.
It makes me shiver the way he moves... Shete tangina!!! B-bakit parang gusto pa ng katawan ko ang ginagawa niya???
Habang ang puso ko ay kumakalabog na para bang gustong kumawala sa aking katawan. Rinig na rinig ko ang mabilis at maingay na pagtibok ng puso ko hindi ko alam kung naririnig o nararamdaman niya ba iyon.
Hindi ako makapag isip ng tama, para akong nawawalan ng katinuan. Pero.... Bakit hindi ako makawala, parang ayaw kong huminto siya sa pagkagat sa aking tenga?
Bumaba ang labi niya sa leeg ko. Kinagat niya ito at saka sinipsip. "Mmhpp-"napatakip ako ng bibig dahil mas diniinan niya ang pagkakakagat sa leeg ko.
"S-stop..." nauutal kong sabi kay Nicholas na patuloy pa rin sa paghalik sa leeg ko.
Tumaas ang paghalik niya sa may pisngi ko papuntang noo ko at bumaba sa ilong ko at dinampian iyon ng halik na nagpamula lalo sa aking mukha bago ulit bumaba ng kaunti. Naramdaman kong ang mainit niyang paghinga, naamoy ko ang mababango niyang hininga kahit kagigising lang nito.
Akmang hahalikan niya ako sa labi ng itulak ko ito dahilan kung bakit siya napahinto sa paghalik sa akin. Napatingin ako sa kaniya at kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.
"I-i'm..." umiwas ako ng tingin sa kaniya. "I-i'm... not r-ready..." namula ang mukha ko pero nasabi ko ang gusto kong sabihin kahit na pautal utal ako.
Mamaya pa'y nabalot ng katahimikan ang buong kusina at tanging paghinga naming dalawa at ang simoy ng hangin na dumadapo sa aming mga balat lamang ang bumabalot sa katahimikan.
“I'm sorry” sabi niya at nabalot na naman ng katahimikan ang buong kusina. Tanging ang puso ko lang ang nagwawala. Naririnig niya kaya iyon???
Nagulat ako ng yakapin niya ako sa kaniyang bisig. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napakabilis... Gaya ng bilis ng akin... Is he saying the fact na gusto niya rin ako? O delusional lang talaga ako? His heartbeat makes me calm. It's like a lullaby that make me sleep in any moment.
Ilang segundo na ang nakalipas ay di ko na kinaya pa ang namumuong tensyon sa pagitan namin ay ako na mismo ang naunang gumalaw. Umalis ako sa pagkakayakap niya sa akin at hindi siya binigyan ng tingin ng pumunta ako sa banggeraan para manguha ng tubig.
Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom iyon.
Hanggang ngayon wala pa rin sa aking dalawa ang nagtangkang magsalita. Kaya ang ginawa ko ay pumanhik na lang ako sa itaas at pumunta sa kwarto para itulog na lang ang nangyari kanina.
Pagkapasok sa loob ng kwarto ay walang pasabi sabi'y isinalampak ko ang sarili ko sa kama dahil sa hiyang kanina ko pa nararamdaman kahit pa naitago ko iyon sa harapan niya.
Kinuha ko ang isang unan at itinalukbong sa mukha ko saka tumili ng napakalakas. Mas gugustuhin ko pang hilahin ako ng lupa dahil sa hiya pero ayos na rin na itili o isigaw ko na lang ang kanina ko pang tinatagong hiya.
Matapos tumili ng napakalakas sa unan ay tumingala ako sa kisame habang hinahabol ang hininga dahil sa pagod.
Nagtulala na lang ako sa kisame at inantay na lamunin ng antok...
*15 minutes later...*
Bumangon ako sa inis, napakamot ako ng ulo ko. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng pumapasok sa isipan ko lalo na't hindi ko pa nakalilimutan ang nangyari sa amin ni Nicholas.
BINABASA MO ANG
My Professor, Is My Husband
RomanceSamantha Vergara, a first year college in UST (University of Santo Tomas) she took a course of Bachelor of Secondary Education Major in English. At the age of 18 she got married to a man named Nicholas Afarro. Nicholas Afarro, a teacher, cold hearte...