“Don't be shocked. He's my younger brother, Ethan Pascual right? I'm he's older sister, Nika Pascual” Nakangiting pag papakilala ng nasabing kapatid raw ni Ethan.
Did i heard it wrong? Kapatid niya si Ethan? Hindi ako makapaniwala.
Lumingon ako sa tatlo kong kasama.
Gulat ang mga mukha nila sa nalaman. Pati rin naman ako gulat rin. Hindi ko aakalaing may kapatid si Ethan. Mukha kasi siyang only child. Dahil wala siyang kamag anak na nag aaral sa UST.
As expected, maganda ang ate niya... Mag kapatid nga naman.
“Haha, what's that expression guys” natatawang sabi ng ate ni Ethan.
“By the way Sir... Are you two are dating?” pangunguna ni Liam habang tinuturo silang dalawa na nakaupo. Inirapan ko na lang sila. Nakita ko pang ngumisi ng nakakaloko si Nicholas. Tss.
“No—” sasagot pa sana si Nicholas ng sumabat si Nika.
“Yes, we're dating. Nag gagala ba kayo?” sabat niya saka nag tanong.
‘It's none of your business’ Inis na sabi sa aking isipan. Nanggagalaiti na ako sa loob loob ko pero hindi ako nagpahalata. Tss. Wala na akong pakealam kung sino ang paniniwalaan ko.
“Yes,we are!... Ahhmm actually we have to go, baka kasi na aabala namin ang pag-d-date niyo, diba gurls?” Nag aayang sabi ni Liam saka binalingan kami ng tingin. Tumango na lang ako at umiwas ng tingin kay Nicholas.
Tumango si Maria. Tsaka nag salita si Yna.
“Ahh, o-oo tama haha, Tara na guys... Alis na kami” natatarantang sabi ni Yna. Anong problema niya bakit siya natataranta? Diba dapat ako ang mataranta? Tss. Bahala nga siya.
“Enjoy your day” huling sabi ni Liam. Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang kila Yna.
‘Why should I care about them, tss.’ Inis na sabi ko sa aking isipan.
Parang may bumara na kung ano sa aking lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Ang kaninang kirot na nararamdaman ko ay mas lalong lumala. Sa bawat hakbang ko ay nasasaktan ako kahit hindi naman dapat.
Hindi ako makahinga na parang may sumasakal sa akin, kahit na pantay pa rin ang pag hinga ko.
Ang sakit sa pakiramdam.
Bakit ko ba ito nararamdaman? Hindi ko dapat ito nararamdaman.
Sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasang masaktan, ngayon palang simula ng dumating si Nicholas sa buhay ko.
Kahit nakalayo na kami sa kanila ay mas pinili kong hilain silang tatlo at patakbong umalis sa lugar iyon. Nasusuffocate ako sa nararamdaman ko. I hate to admit it pero nasasaktan ako.
Nakalabas na kami ng mall. Andoon lang kami kanina sa cafe ang bilis ko sigurong mag lakad kaya andito agad kami sa labas.
“Makahila wagas ahh! Bakit ka ba kasi nag mamadali? Wala namang humahabol sa atin?” sunod sunod na tanong ni Liam na palinga linga pa kung may humahabol ba talaga sa amin.
“Sumama kasi pakiramdam ko. Ayaw kong makagawa ng eksena sa loob ng mall kaya nag mamadali akong lumabas Hila Hila kayong tatlo” palusot ko rito. Ayaw ko talagang makita si Nicholas, dahil sa tuwing nakikita ko ito ay parang kumikirot ang puso ko.
“Iuwi kana namin” Suhestiyon ni Yna. Tumango na lang ako, ayaw ko ng mag tagal rito at baka mag tagpo nanaman kami ni Nicholas.
‘Bahala siyang mag hintay sa wala’
Pwede namang ihatid na lang niya yung ate ni Ethan...
“Wait, doon na lang tayo sa bench. Tatawagan ko na lang si kuyang driver para sunduin tayo rito.” pag kasabi niya no'n ay pumunta kami sa nasabing bench.
BINABASA MO ANG
My Professor, Is My Husband
RomanceSamantha Vergara, a first year college in UST (University of Santo Tomas) she took a course of Bachelor of Secondary Education Major in English. At the age of 18 she got married to a man named Nicholas Afarro. Nicholas Afarro, a teacher, cold hearte...