Ngayon na sa harap nako ng hapagkain sa mahabang lamesa. Kasama ang mag asawa na magulang ko raw rito, pati narin ang isang binata. Nandito rin ang prinsipe at apat pang babae na nasa gilid nya, kaharap ko sya. Kahilera ko ang mag asawa na matanda at ang binata.
"Kung maayos na ang lagay ng anak ko zayus maglalakbay na kami matapos kumain. Nais ko pa sana magtagal rito ngunit hindi na kaya ng akin oras dahil may kailangan pa akong asikasuhin." Pagbukas ng usapin ng mahal na hari. Seryoso ang tindig nya may balbas pero kita sa kasuotan ang kapangyarihan. Kakaiba kasi ang mga kasuotan nila.
It's heavy but looks expensive.
Tumingin naman sila sakin ngunit hindi ko sila pinansin. Tutok lang ang mata ko sa mga nakalatag na pagkain. Kahit hindi ko gusto ang nakahain ay kumain pa rin ako para hindi mapaghinalaan. Katulad ng sabi ni madi huwag kong ipaalam na nawawala ang alaala ko kahit hindi naman. Iba lang talaga ang pumasok sa katawan nato.
"Hayaan nyo pong ihatid ko kayo sa hangganan para maayos na makapag pa alam amang hari. " Ngayon ko lang napansin na may dimple pala sya kapag ngumingiti. Ngunit kahit nakangiti ay bakas parin ang karangyaan at kapangyarihan. Napatingin naman sya sakin at masama na naman ang tingin. Pasimple naman akong umiwas ng tingin.
Pinakiramdaman ko nalang ang paligid at tahimik lang na kumakain ang ibang babae nya, ngunit nakikita ko ang pagsimpleng sulyap nila sakin tapos ngingisi.
So bully pala talaga sila?
Bakit kasama namin sila kumain ,diba dapat kami lang ng magulang ko ang nandito.Bakit may mga kabit.
Nacuculture shocked ako dito.
Kung normal na tao baka magpatayan na sila pero sa nakikita ko para bang close pa sila.Bumalik ako sa kwarto ng matapos kumain kasama si madi.
Tumapat ako sa malaking glass window at tinignan ang mga nag gagandahang bulaklak na nasa garden. Iba iba ang mga klase may roses, tulips ,lavender, marigold.. at ang iba familiar pero hindi ko maalala. Pero ang pagkakaayos nila ay kaakit akit sa mata ng mga tao. Napaligiran din ng mga matataas na puno.
Meron din naman samin sa bahay pero hindi ganito kaganda.
Kumunot ang noo ko ng may mapansin na mga nakatayo sa mga sulok ng garden.
"Madi, bakit may mga lalaki sa garden. Parang mga hindi gumagalaw?" Kunot na tanong ko habang nakatingin sa mga lalaki.
"Sila ang mga bantay ng palasyo mahal na prinsesa." Ani nya.
"Bakit may bantay?" Ano to kaharian? Dynastiya?
"Sila ang mga kawal ng palasyo mahal na prinsesa."
Parang inulit lang nya ung sagot e.
Pero kung ganon rich pala ang lalaki?
Ang asawa nya dito...
I mean yung asawa ng may ari ng katawan na'to.May narinig akong kumatok sa pinto ngunit hindi ko nilingon.
Ilang segundo ng sumara ito.
"Maglalakbay na kami iha." Napalingon ako ng marinig ang boses ng babae na may edad.
Sya yung nanay ko dito.
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...