17

273 14 0
                                    

Nang gabi din na 'yon tinanong ako ni zayus kung bakit hindi ko sya kinakausap ng ilang araw. Sinabi ko sa kanya ang lahat. As in lahat lahat.


Napag-alaman ko na hindi naman pala totoo ang pagkikita nila ni ciera. At walang sulat na naganap na sa tingin nya ay gawa gawa lang ni odessa.


Sa tingin ko din, dahil tanda ko pa kung paano nalang sya ngumiti nung araw na'yon.


then I remembered that Odessa hates me so much.


At least we talked, and I've made him confess that night. That he's three concubines is already dismissed.

My face was shocked when I heard that.


Hindi ko alam na totoong susundin nya ang sinabi ko. Is he really serious? But i think he has no reason to lie. that's why i belived him.


Ang iniisip ko nalang kung anong mangyayare once na bumalik na kami ng saphiro.



Zayus is already know kung saan kami nagtungo kahapon at kung ano ang ginawa namin. dahil tulad din ng kapatid nya. Alam nyang ang tungkol sa armas.


That's why ayaw ni zayus na lumabas ako ng palasyo. Naghigpit sya lalo na ng makita nya yung bakas ng kamay ng lalaking sumampal sakin sa nayon. Na hindi ko alam na bumakat pala.


"Bakit hindi ikaw athena ang kumuha ng iyong kakainin?... Gayong mas malapit ka kaysa kay prinsipe zayus." Napahinto ako sa pag-abot sa kamay ni zayus ng mangkok ng mataray na magsalita ang inang emperatris.


"Ako ang nagkusa ina." Seryosong saad ni zayus habang nilalagyan ako sa platong babasagin.



Bakas sa mukha ng emperatris ang hindi makapaniwalang tingin dahil sa ginawa ni zayus.


Why is this such a big deal?


"Zayus, hindi nararapat sa isang prinsipe ang iyong ginagawa. Mira." Bakas sa tinig ang pagtitimpi ng galit ng inang emperatris ng tawagin nya ang isang tigapasilbe. lumapit ito at yumukod.

Kumunot ang noo ko.'anong mali don?'

Napatingin naman ako kay odessa ng makitang nakangisi ito. Ang iba ay kumakain man ay alam kong nakikiramdam sila.  Ang emperador naman ay tahimik lang din na kumakain.


"Hayaan mong ang tagapagsilbe ang mag lagay sa kanya. Hindi nararapat sa isang maharlikang pamilya ang iyong kinauugalian." Yumukod ang tigapagsilbe at pumunta sa gawi ko.


Kumuyom ang kamao ni zayus, akmang kukunin ko na ang kamay nya para pakalmahin ng maunahan ako ni lihyan. Napatingin sya sakin at ngumiti.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now