31

216 6 0
                                    

Nang makapasok, agad kong nilibot ang tingin ko sa kapaligiran. Maraming tao ang mga busy sa kani-kanilang gawain. Puro ito tindahan na nakapwesto sa magkabilang gilid. May mga tindahan din na nasa sahig na ang mga binebenta nito ay nakapatong sa itim na tela. Karaniwan sa mga tinitinda ay mga kasuotan pang babae at panglalaki. May tindahan din ng mga pang-paa. Meron din na tindahan ng mga alahas at iba pang mga accesories na madalas kong nakikita na sinasabit sa bewang ng lalaki at babae na mga palawit. May tindahan din ng mga panali sa buhok at ibat-ibang uri ng panali. May mga koloret rin. Nakakatuksong mamili lalo na't ngayon lang uli ako nakapunta sa mga pamilihan. Ngunit iisipin ko palang na gagastos ako at baka maubos ang salapi ko sa mga nais kong bilhin, napapaatras na agad ako. Imbis na sa magandang Inn kami tutuloy baka ang sistema sa labas na lang kami matulog noon.


Napadako naman ang mga mata ko sa mga nag iihaw. May mga pagkain rin na nagtitinda. May malaki rin na tindahan nito na maraming kumakain. Pero alam kong mahal doon. Pwede naman sa mga maliit na karinderya nalang kami kumain after namin makahanap ng matutuluyan.



"Julia halika't tignan mo. Tama ba ang aking nakikita? Sila ador ba itong lumalapit sa atin? Sino ang kasama nila na dalaga?" Hindi nakalagpas sa tainga ko ng marinig ang isang matanda na nakatunghay samin sa isang kainan. Napalingon ako rito at nakita itong nakatingin sakin.



"Aba'y sila nga ano, Ngayon ko lang ulit sila nakita rito." Nang huminto sila sa tapat ng dalawang matanda,huminto din ako.


"Ginoong Piuea. Akalain niyong malinaw pa rin ang inyong paningin." Ani sa kanila ni ador habang nakangisi at nagbigay galang.


"Kita mo nga naman, kamusta na? Ang lalaki niyo na. Si faustino ay hindi ko na nakikilala. Ito ba ay si tonio at gabriel?..." Nanliliit ang mata na saad ng matandang lalaki.


Napailing naman si faustino at tonio. Si Gabriel naman ay nakangisi habang nakatingin sa mga pagkain na tinda ng dalawang matanda.

"Kamusta ho?" Ani ni faustino.

"Ayos naman hijo, Mula ng umalis kayo rito marami ng pumalit sa inyo na katulong ni Ginang Vera." Matamis na ngiti na saad ni matanda at matapos tumingin sakin. Nakaramdam naman ako ng awkward kaya tinanguan ko nalang ito at iniwas ang tingin.


Maingay ang buong kapaligiran. Napatingin nalang ako sa mga tao na busy sa mga pamimili. Base sa kanilang kasuotan ay parang parehas silang puro itim ang kausotan. Kaibahan lang ay mga desenyo at ibat ibang istilo. At ang itim sa ilalim ng kanilang mata ay hindi nakalagpas sa akin paningin. I mean, para mga nakaitim na Eyeliner sa ilalim ng mata nila. May mga ibang babae rin na mga naka itim na belo.


May mga guwardya naman hindi nakalagpas sa mata ko ng makita ang mga ito na mga nagbabantay sa buong pamilihan. Kung sa sapiro at emperyo ang mga espada ng guwardiya ay karaniwan na nakikita ko. Sa kanila dito ay iba. Malaki at malapad na sa tingin ko ay sobrang bigat. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa matanda na kamuntikan ko ng ikasamid ng makita ang kakaiba nitong tingin. Nang mapansin niya ang tingin ko ay agad din itong umiwas at inanyayahan sila faustino na maupo.


"Ayos lang ho, Ginoong Piuea. Babalik na lang ho kami. Kailangan pa namin maghanap ng matutuluyan." Ani ni faustino, hindi na nila inaantay ang sagot ng matanda bago umalis.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now