33

221 14 1
                                    

"Magbantay ang iba sa dakong iyon." Nakaupo at nakasandal ang prinsipe sa malaking ugat ng puno habang pinapahinga ang sugat na natamo niya sa kaniyang mga kalaban.


"Masusunod." Sabay na ani ng limang kawal na papalayo na sa kaniyang direksyon na ilang dipa lang ang layo.


Tahimik ang kapaligiran at tanging mga tunog lamang ng kuliglig ang kanilang mga naririnig. Ang kapayapaan lamang ngayong gabi ang kanilang natatanging pahinga. Ang lamig na nagmumula sa hamog ang naging dahilan ng pagkirot ng kanilang mga sugat na tahimik lang nilang iniinda. Wala ni isa kila zavier, ismael, damian ang lumapit kay zayus dahil alam nilang nais nitong mapag isa. Nagsiga sila upang makagawa ng apoy para hindi sila manginig sa lamig ng gabi at para na rin sa mga natamong sugat sa mga kalalakihan na bigla nalang lumitaw sa gitna ng kanilang paglalakbay. Nagtamo si prinsipe zayus ng malaking hiwa ng espada sa likod. Si zavier naman ay sa braso at hita. Habang si ismael at damian ay tama ng palaso sa kanilang likod at hiwa sa tagiliran, at ganon din ang iba pang mga kawal.



Tahimik lang na pinagmamasdan ni prinsipe zayus ang madilim na kalangitan. Sa ilalim ng buwan at sa ilalim ng mga umaadap-andap na bituin. Hindi mapigilan ng prinsipe na maalala si athena at magtanong kung kamusta ito... Ang kalusugan nito, ang kalagayan... Kumakain ba ito ng maayos at ang tanong na... Kung galit pa ba ito sa kaniya. Hindi niya mapigilan maalala ang lumuluha nitong mga mata noong araw ng kagalitan niya ito, at kung paano niya itong sigawan. Ang makita ang gumuhit na sakit sa mata ng prinsesa noon ay labis niyang pinagsisihan. Ang mga salitang namutawi sa kaniyang bibig ang labis na humati sa puso ng prinsesa. Nakita niya... Nakita niya kung paano itong nasaktan... Kung paano itong natigilan. At ang mga umalpas nitong mga luha mula sa mga mata ng prinsesa ay batid niyang labis nitong ikinadurog ang mga binitawan niyang salita.


Wala siyang nagawa ng araw na iyon. Hindi niya nagawang lapitan ito. Hinayaan niyang damdamin ng prinsesa ang kaniyang mga nasabi. Hinayaan niyang magtangis ang kaniyang asawa. Inaamin niya sa kaniyang sarili ang pagkakamali. Ang paninibugho na kaniyang nadama, ang siyang naging dahilan kung bakit siya humantong sa mga salitang hindi naman nararapat na bitawan.



At ang matagal ng gumugulo sa kaniyang isip. Ay ang pagkatao ni athena na isa palang kasinungalingan.


Kinabukasan, inulan ng mga tanong si athena ng apat. Kagabi kasi nakita niya ang mga ito sa entrada ng Inn. Nalaman niya sa mga ito na inaantay pala siya nila faustino dahil ng madatnan nila ang kaniyang silid ay hindi siya ng mga ito nakita. Hindi niya na rin nakausap ang mga ito dahil ng makabalik sa tinutuluyan nila ay ang paglapat ng katawan sa kama agad ang sinabi niya sa mga ito. Nabasa niya pa muna sa mga mata nito ang usisa ng makita nito ang kaniyang paa na walang kahit anong suot. Hindi niya na kasi nagawa pang magsuot ng tsinelas dahil nawala na sa isip niya. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang makawala sa paningin ng mga humahabol sa kaniya. Mabuti na lang rin ay nakasalubong niya ang dalawang lalaki kagabi dahilan para tigilan siya ng mga lalaki. At laking pasasalamat niya pa ng ihatid siya ng mga ito sa kaniyang tinutuluyan. Dahil hindi niya naman alam kung ano anong iskinita na ang nilikuan niya kaya hindi na rin niya tanda ang mga dinaanan niya.


"Patawad binibini, kung alam lamang namin ang mangyayari hindi ka na namin sana iniwan."


"Oo nga po ate."

"Wala iyon, kalimutan niyo na. Tara na muna sa loob."

Switched SoulsWhere stories live. Discover now