19

257 12 1
                                    

Patayin


Nakatayo ang apat na kawal sa harap ng emperador kasama ang inang emperatris at si odessa na nakaalalay sa ina habang bakas ang takot.


Nahabag naman ang loob ko ng makita ang gipit na sitwasyon ng kanilang pamilya.

Alam kong ayaw nila sakin at nararamdaman ko 'yon. Pero ng makita ang kinahaharap nila ay lumukob ang awa ko para sa kanila.


I know zayus and zavier will keep protecting their family. Pero nang makita ang baril na tinatago ng lalaki ay alam kong hindi sila mananalo.


But confusion was on my face. . . bakit kaunti lang ang mga kawal dito sa palasyo, i mean is this coincidence? Nang unang araw ko rito ay halos ilan libo ang kawal ang mga nakikita ko. Bawat malapatan ng mata ko ay may mga nagbabantay na mga kawal. Pero ngayon? Nasa tantya ko ay nasa two hundred mahigit lang.


"Ulo mo lamang ang kailangan emperador Hugo. . . ngunit dahil narito narin ang iyong pamilya. Natitiyak kong masisiyahan ang aming pinuno kung sakaling pati na rin ang ulo ng iyong mga anak at asawa ay kanyang masisilayan." Hindi bakas sa mukha ng emperador ang takot bagkos madiin na nakakuyom ang kanyang mga kamao habang nakaupo sa isang magandang upuan na kulay ginto na nasa harapan.


"Lapastangan! Bakit n'yo ginagawa ito? Sino kayo?" Galit munit mahina na sambit ni inang emperatris na nakaupo rin sa tabi ng emperador na hinaharangan ng benteng kawal.

Mabilis na umayos sila zayus, nang aaktong kukunin ang espada nito sa gilid n'ya. Natawa ang lalaki dahil sa nakitang reaksyon ng dalawang magkapatid.

"Nasa dugo n'yo nga ang katapangan kamahalan. Paano kaya kung unahin ko muna ang inyong pinakamamahal na anak?... Ano sa tingin mo mahal na emperatris? Hahaha."

Hind muna ako kumilos at pinapanuod ko muna ang bawat galaw nila. Lalo na ang may hawak na baril na kaharap nila zayus.


Hindi sumagot ang emperetris dahil sa bakas ang panghihina dahil sa nakikitang sitwasyon.


Humigpit naman ang hawak ng mga kawal sa espada nila ng makita ang mga lalaking nakaitim na simulan ang paglakad papalapit sa kanila.


Ilang segundo lang ng simulan nilang maglaban. Benteng kawal laban sa trenta na mga nakapulos itim. Bakas sa mukha ng lalaki ang tuwa habang pinapanuod nya ang mga kawal na natatalo.


At doon na ako naalerto ng atakehin din ng mga lalaki si zayus at zavier dahilan upang mawala sa paningin nila ang lalaki. Napaharap si zayus sa kalaban at ang kakaibang expression nya ay nakakatakot. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay habang ang kanyang asul na mga mata ay nababahidan ng malamig na magkahalong galit na parang hindi sya magdadalawang isipin na patayin ang nasa harapan nya. Ang kanyang paraan na pakikipaglaban ay labis na nakapagpamangha sakin. Bumabakat ang kanyang matigas na braso kapag nagkakalapat ang kanilang espada ng kalaban.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now