47

466 17 17
                                    

"Minahal ka ng totoo ng Prinsipe. Kahit na hindi ka taga rito sa mundo na 'to. Sa halip na magtangis ka, bakit hindi ka sumama sa amin pabalik na Imperyo. Simula ng mawala ka, wala araw na hindi pinahirapan ng prinsipe ang kaniyang sarili. Walang araw na hindi niya nilalatigo ang sarili. Araw-araw iyon na walang palya. Inabot ng taon bago pinatigil ng emperatris at emperador ang prinsipe. May araw na kailangan nilang ikulong ang prinsipe sa silid nito upang matigil ang pananakit nito sa sarili. Hindi ko ito sinasabi sa iyo para maniwala ka athena. Nais kong malinawan ka. Sumama ka upang makita mo kung sino ang mga taong naghihintay sa iyo Emperyo."



Pero bakit? Bakit siya dapat ang maguilty. Hindi  alam ni athena kung tama pa ba na layuan niya ito, simula ng malaman niya ang nangyari rito. Kahapon mula sa pag-iimpake ng mga gamit dahil hindi sumulpot ang lalaki sa tagpuan nilang dalawa. Nagdesisyon si athena na tuluyan ng layuan ang prinsipe. Inisip niyang walang patutunguhan kung aantayin niya ito sa kanilang tagpuan upang marinig ang gusto nitong sabihin. Wala siyang panahon upang makipaglokohan, hindi na siya bata upang gawing tanga... Inantay niya ito sa kanilang tagpuan... Ngunit walang zayus na dumating. Wala ni anino niya ang nagpakita. Walang Prinsipeng tumupad sa sinabi niya. Buong akala niya hahabulin siya nito, ngunit nagkamali siya. Lahat ng pinakita nito sa silid niya pulos mga salita lamang. Walang kahit na katiting na tinupad sa sinabi nito ang ginawa. Umaasa siya na sa pagkakataon na iyon ay maliliwanagan siya na miski ang prinsipe ay papaliwanagan niya na hindi niya nagawa noon.



Ngunit nagkamali siya, hindi man dumating si zayus. Dumating naman si ador, upang sabihin sa kaniya ang nangyari sa prinsipe. Wala mang bakas ng lalaking minahal niya, na ito dapat ang kaharap niya at hindi ang kaibigan nito ay hinayaan niya na lamang. Hinayaan niya na lamang na si ador ang magpaliwanag. Inaasahan niya na ang sasabihin lamang nito ay kung bakit hindi nakasipot si zayus. Ngunit nagkamali siya, lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang taon ay kinuwento nito. Parang pinisil pisil ang puso niya dahil sa narinig. Parang piniraso piraso ang puso niya dahil sa hindi inaasahan na kuwento nito. Lahat ng sinabi nito ay parang nakapagpatigil ng tibok ng puso niya. nagalit man siya sa prinsipe, pinag-isipan man niya ito ng masama, alam ng diyos na hindi niya hiniling na pahirapan nito ang sarili dahil sa pagkawala niya. Na isipin nito tuwing naaalala siya ay kung paano niya piliin si carolina kaysa sa kaniya. Matapos malaman ang lahat nakaramdam siya ng kaginhawaan. Ang matagal na kinumkom na galit sa prinsipe ay unti unting nawawala. Ang sama ng loob sa lalaki ay parang isang bula na bigla na lang naglalaho. Dahil sa mga nalaman na pinagdaanan nito ay hindi mapigilan ni athena ang lumuha ng luha. Para siyang isang batang paslit na inagawan ng kendi. Ang mga paghihirap niya ay walang wala sa paghihirap ni zayus. Iisipin niya palang kung gaano ka sakit ang latigo na tumatama sa balat ni zayus, sumasakit ang dibdib niya. Kung iisipin pa ang isang taon nitong pagpapahirap sa sarili ay para nais niya itong hagkan upang hindi mahirapan. Wala siya doon para patigilin ang lalaki. Wala siya doon para gamutin ang sugat nito. Wala siya doon upang alagaan ito. wala siya sa tabi nito sa nakalipas na dalawang taon.


Siya ang may kasalanan ng lahat hindi ba? Siya ang dahilan kung bakit nangyari ito lahat?


Kung hindi siya nagsinungaling sa lalaki noon, hindi ito magagalit sa kaniya. Hindi siya nito hahayaan at piliin si carolina. Kung nagawa niya sanang aminin rito ang nangyari noon kung paano siya napunta sa mundo na 'to, hindi sana mangyayari na pahihirapan ni zayus ang sarili niya.


Tahimik lang na nakaupo si athena sa silya kaharap ng lamesa sa kaniyang maliit na silid. Ilang araw na mula ng sabihin ni ador sa kaniya ang lahat. Ngunit ito pa rin siya iniisip kung sasama ba ito pabalik sa emperyo. Nakaramdam siya ng takot sa sasabihin ng Emperatris at ng Emperador sa kaniya at ganoon rin ang mga kapatid ni zayus. Natatakot siyang sumbatan ng mga ito ng dahil sa nangyari sa kanilang anak at kapatid. At ang katotohanan na hindi siya tagarito sa mundo nila ay nakakapagpadagdag ng kaba sa dibdib niya. Ang maalala ang mga galit ng pamilya ni zayus sa kaniya ay parang tinutusok ng karayom ang puso niya. Hindi niya alam kung tama ba na sumama siya rito, at tama na harapin ang kinatatakutan niya. Ang nangyari noong huling kita nila ni odessa ay naalala niya. Ang pagbuhos niya sa mukha nito ng tubig. Ang pangbabastos niya sa kapatid nito.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now