"Dallas, anak...." Hindi mapigilan ni reyna forcia ang maging emosyonal dahil sa kalagayan ng anak. Ilang buwan na mula ng magkasakit si prinsipe dallas na nakuha noong nagtungo sya sa gubat.
"H-hindi ko kaya na makita kang ganito ang iyong kalagayan.... Bakit sa iyo pa ito ng yari?...." Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo.
Hindi siya nagkulang upang pangaralan ang anak sa lahat ng bagay. Ngunit kahit gawin niya ang lahat, ikulong man niya ang kaniyang anak.... Magagawa siya nitong suwayin, upang magawa ang nais.
Lumaki si dallas na nagagawa ang gusto. Kahit na mapanganib ang kaniyang gagawin o lalakbayin ay hindi niya alintana ang dala nitong bagyo upang magawa lamang ang kaniyang ninanais. Kahit na marami na siyang pagsubok na naranasan sa gitna ng tinutunguhan. Isa si dallas na mahilig magtungo sa mga hindi kilalang lugar, ang tawag niya sa kaniyang sarili noon ay magiting na prinsipe
Hinihiling na lamang ni reyna forcia sa itaas na pagalingin ang kanyang dallas. Masakit para sa kaniya na makita na hindi nagsasalita at palagi na lamang tulala si dallas. Pumasok ang hari sa silid ng makita ang kaniyang reyna na lumuluha. Lumapit sya rito at inalalayan ang reyna na makaupo.
"Forcia... Hindi makakabuti sa'yo kung palagi ka na lamang nagdaramdam. Huwag mong sanayin ang iyong sarili sa ganitong suliranin.. hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan, kamahalan. Gagaling rin ang ating anak, huwag mong kakalimutan iyan." Mahirap man sabihin bilang hari, miski kahit siya ay nahahabag ang damdamin sa sinapit ng kanyang nag iisang anak na lalaki, ngunit tinatatagan na lamang nya ang kanyang kalooban sapagkat ayaw niya na makita ng kaniyang asawa't anak ang kanyang kahinaan.
Tumingin sya sa kanyang anak na nakahiga sa kama habang nakatulala. Mabigat siyang bumuntong hininga. Labis nyang pinag sisihan ang pagpayag rito na magtungo sa gubat. Kung alam lamang nya na mangyayari ito. Hindi sana nya pinayagan si dallas.
Nagtangis ang kanyang damdamin tila nag-uumapaw ang pagsisi. Ngunit nangyari na, hindi na mababago pa ang lahat.
"Ina, ama. Inaantay na ng lahat si dallas."
Lulan ng isang kulay gintong de-gulong na upuan ang prinsipe ng haramya habang kasama ang kanyang mga tagapagsilbe at pamilya upang alalayan sya.
Tatlong taon na mula ng mahanap si prinsipe dallas sa kagubatan ng Sarpentta. Ang sarpentta na kanilang tinutukoy ay ang nasa bahagi silangan. Malapit sa teritoryo ng mga kaaway. Ito ay mapanganib na lugar dahil, bali-balita na rito namumuhay ang isang babaylan na si ginang marsela. Balita noon sa buong lalawigan na ang babaylan ay puno ng kasamaan. Hindi ito mapuksa ng kung sino man dahil ang babaylan ay may alam tungkol sa itim na mahika. Walang sino man ang makalapit sa lugar na iyon mula ng malaman ang nangyare sa prinsipe, dahil ang masamang balita ay kumalat sa buong syudad.
Kayat mula ng araw rin na iyon ay ipinagbawal ng kaharian ng haramya ang magtungo sa mapanganib na gubat. Kung kaya't wala ng sino man ang sumubok pa.
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...