Sa hindi mapaliwanag na dahilan, nagngitngit ang kalooban ko ng makita ang prinsipe na bumaba ng karwahe kasama si lihyan na tinutulungan nito makababa.
Saan sila galing?
May sinabi ang prinsipe sa babae na dahilan upang ngumiti ito. Napaiwas ako ng tingin at saktong tumama sa mga tigapagsilbe na nakatingin sa kanila na palihim silang pinag uusapan. tinaasan ko sila ng kilay ng mapalingon sila sakin at mabilis naman silang mga nagsiyukudan. Mga chismosa.
Napatingin sa gawi ko ang prinsipe , ganun din si lihyan. Ngumiti ito sakin ngunit hindi ko sinuklian. Ang prinsipe naman ay madiin na nakatingin sakin habang papalapit.
"Anong ginagawa mo rito sa labas?" Napabuntong hininga ako ng marinig ang tanong ng lalaki.
"Bored eh." Patamad na sambit ko. Kumunot lang ang noo nila sakin.
"B-ored e-h?....ano ang salita na iyon binibini?" Kunot noong tanong ni lihyan. Hindi ko alam kung bakit kailangan magkasama pa silang dalawa. Kung pwede naman ako nalang. Pansin ko lahat ng babae ng prinsipe ay mga anak ng may mataas na tungkulin sa palasyo. Ngunit si athena ang pinakamataas ang titulo kumpara sa kanila. Munit kung kutyain nila ay para bang isa itong mababang babae. Gayong isang prinsesa ang babae na kanyang katukayo. Sigurado akong mas higit pa ang kayang gawin ng mga babae ng prinsipe kung hindi pa sila aalis sa palasyo.
Ang babaeng nagngangalan siren na kala mo'y totoong gagawin nya ang pagbabanta nya. Ngunit sisiguraduhin ko rin na walang mangyayaring masama sakin dito bago makauwi samin. At kung meron man... Hindi hindi ako magpapatalo sa kanila.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kami nagkapalit ng katawan.
Isang malaking katanungan sa isip ko kung bakit ako napunta sa lugar na'to. Tss.
"Binibini." Agad akong napakurap ng marinig ang tawag ni lihyan. Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin at ganun din si zayus na katabi pa rin ng babae.
"Uhh nagpapahangin lang." Tipid na sambit ko. Tsaka tipid na tumango nalang ang babae. Napatingin ako sa hawak ng tigapagsilbe na kasama nila. May hawak itong isang parang baunan na 2layers na gawa sa kahoy. Nang mapansin ng babae ang tingin ko sa dala nila nagsalita ito at matamis na ngumiti.
"Ah bigay sa akin ni ina. Iginawa nya kami ng kamahalan ng paborito kong matamis." Nang marinig ang salita nayon ay tumingin ako sa prinsipe na nakatitig na sakin at tipid na ngumiti at nagsalita.
"Ina?..." Ang binibigay na tingin ng prinsipe sakin ay nababahidan ng kaba. Napalunok pa sya dahil sa pang uusisa ko na tingin.
"Hindi na nasabi ng kamahalan. Unawain mo sana sya binibini." Should i tell her na malapit na syang mapaalis sa palasyo? Masyado kasing nakakasuya ang ngiti nya and i hate it. Tss. Ang taas ng confidence.
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...