43

273 8 4
                                    

"Inumin niyo na muna 'to nay, mabuti pa po magpahinga na muna kayo. Ako na lang muna tutulong kay tatay para kahit papaano maipahinga niyo yung katawan niyo." Malumanay na saad ko habang inabot ang mangkok na naglalaman na pinakuluan na dahon gamot. Maingat niyang kinuha sakin ang hawak habang nakasandal sa papag.

"H-hindi na, kaya ko pa naman hija." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa tingin ko kahit anong gawin ko hindi talaga magpapapilit si nanay gracia.


Sa papasok kasi ng gubat nagtungo si nanay gracia upang kumuha ng kamatis. Doon kasi lahat nakatanim ang mga tinanim nilang mga gulay na mga ilang dipa lang naman ang layo. Yun nga lang sa tagal na nila dito ngayon lang siya nadulas. Nalaman ko kasi na pati prutas ay kukuha siya para raw kay zachary. Sa totoo lang ramdam ko ang pagmamahal nila sa anak ko. Napakaswerte ko dahil sila ang nakilala ko, sila ang tumulong sakin noong wala akong malay. Noong nagsakit ako at hindi ko alam na may laman na pala ang tiyan ko. Sila lahat, kaya sobra talaga akong nagpapasalamat kapag naaalala ko ang mga araw na hirap na hirap ako. Nandiyan yung pagiging emotional ko. Pagiging iyakin ko. Hindi ko alam pero kahit na alam kong normal yun sa nagbubuntis, hindi ko pa rin talaga mapigilan. Para akong isang batang paslit... Kung hindi dahil sa kanila. Baka... Patay na'ko or i don't know... Only god knows that.


"Kayo po ang bahala. Basta po kapag hindi niyo po talaga kaya, magpahinga nalang po kayo." Huling saad ko bago lumabas ng kubo.



"Binibini, Hinahanap po kayo ni nanay. May ibibigay raw po siya para kay zachary." Napalingon ako ng tawagin ako mula sa pagpapakin ko kay zachary ng malambot na biscuit na binili ko pa sa pamilihan. Gusto ko sana gumawa pero kulang ang mga sangkap at kagamitan kaya naisipan ko nalang muna na bumili.


"Ganoon ba? Sige, halika kana tapos naman na si zachary kumain." Ngiti ko habang pinupunasan ang bibig ni zachary.



"Magandang umaga, aling loreta. Hinahanap niyo raw po ako sabi ni gustin?" Ani ko rito ng pumasok ako sa bakuran nila. Isang hiwalay hiwalay na kabahayan ang narito na sampung kabahayan na gawa sa maliliit na kubo. Malapit ito sa kagubatan na ilang metro ang lapit mula sa karagatan. Kaya parang kapitbahay narin namin sila. Kung kami tabi lang ng dagat sila ay ilang metro ang layo mula sa kubo namin. Minsan nga nakakatuwa kasi dito sa lugar na'to ay talagang bigayan sila. Kapag wala ang isa ng gamit o pagkain ay bibigyan nila. Kumbaga hindi sila madamot. Parang nagkakaisa sila. Yun nga lang hindi mo maiiwasan mapataas ang kilay minsan kapag may titingin sayo na may bahid na inggit ang mga mata.


Dito rin kasi ay uso ang inggitan minsan. Kaya hindi ako gaano nakikipag usap. Sila nanay at tatay arbamo lang talaga ang mahilig makipag usap kasi matagal na sila ditong naninirahan.



"Halika maupo ka athena." Ani nito. Sinunod ko ito at umupo sa bakanteng silya na may kaharap na lamesa. Pinanood ko ang ginagawa nito habang may bitbit na parang mga damit. Nang makaupo sya sa harap ko nakangiti siya na sinuklian ko rin ng ngiti. Isa si aling loreta sa mabait sa lugar nato. Kaya lahat ng narito ay gusto gusto siya dahil talaga nagbibigay ito.


"Ano po yan?" Takang tanong ko dito ngunit nakangiti. Inilapag nito ang mga bitbit sa lamesa.
Nalaman kong dalawang pirasong damit pang baby pala ang ibibigay ni aling loreta. Na nabili niya raw kanina sa pamilihan ng magtungo sila kanina upang mamili ng pananghalian para mamaya.


Isa kasi ang anak ko sa kinagigiliwan ng lahat ng narito, ngunit kahit ganoon ay hindi ko hinahayaan na masyado silang mapalapit kay zach, dahil na rin gusto kong magingat. Ayokong isipin na baka may mangyari hindi maganda lalo na kapag pumapasok ako sa taberna. Dahil alam kong may mga pangyayari na hindi talaga maiiwasan.


Switched SoulsWhere stories live. Discover now