Nakarating na ngayon sa kaharian ng haramya si athena kasama ang dalawang prinsipe at si prinsesa odessa. Samantala, buong pamilya ang inanyayahan ng prinsesa ng haramya, ngunit hindi dumalo ang mag-asawang inang emperatris at ang emperador. Subalit kahit hindi sila dumalo ay nagpadala na lamang sila ng munting regalo para sa prinsipe ng haramya.
'Ito pala ang pinunta ni prinsesa anya noong araw na makita ko sya.' Sambit ni athena sa isip.
Gulat ang naging reaksyon ni athena ng malaman nya na apat na araw ang nilakbay ng prinsesa ng haramya upang makarating lamang sa emperyo.
Napakalayo ng kaharian nila, kumpara sa sapiro. Dahil lamang sa gusto nyang i-parating ng personal ang pag-aanyaya sa pamilya ni zayus. If i was her? Hell no. I won't do such stupid things, kung pwede naman i-daan nalang sa sulat why not? Kesa naman sunugin ko yung sarili ko sa layo ng lalakbayin.
Sa kanyang isip, hindi nya makakayanan ang maglakbay ng apat na araw na sakay lamang ng karwahe na pinapatakbo ng kabayo. Kahit siguro sinong pumilit sa kanya ay hindi nya ito susundin dahil tanga lamang ang gagawa ng bagay na iyon para lamang sa isang okasyon...
Ngunit ngayon, manhid na manhid na naman ang pang-upo niya. dahil kinain nya ang kaniyang sinabi. Dahil ito sya ngayon, kasama siyang naglakbay dahil hindi pumayag ang kanyang prinsipe na hindi sya kasama. wala syang nagawa kung hindi sumunod na lamang sa prinsipe. Naisip niyang ayaw niya rin naman na maiwan mag-isa.
Inimbitahan din sya ni anya upang makilala niya ang kapatid nito. Sa totoo lang, hindi lang naman siya ang inimbitahan, nandirito rin si lihyan, na katabi niya sa malaking karwahe. Sa isang karwahe naman ay doon pumuwesto ang magkakapatid. Kasama rin nila ang kanang kawal nila na si damian at ismael at tatlo pang kawal.
Napabuntong hininga siya habang naisip na, bihira niya lamang maranasan sa buhay niya, ang ganitong paglalakbay na gamit lamang ang kabayo.
Ngayon ang araw ng kaarawan na kinu-kwento sa kanya ni binibining lihyan, na si prinsipe dallas. Nang makarating sila sa kaharian ng haramya, pinatuloy sila ng prinsesa sa kanilang bakanteng silid ng mga panauhin upang makapagpahinga. Dahil kinabukasan pa ang gaganaping okasyon. Pero labis ang kuryusidad ni athena dahil meron sa loob nya na gustong makita ang lalaki. Para bang may tumutulak sa kanya upang makita ang kalagayan ng prinsipe ng haramya.
Ngunit nang makarating ay hindi nya ito nasilayan. Ang sabi ay hindi raw lumalabas ang lalaki sa kanyang silid marahil ay lagi lang itong tulala. Bihirang ilabas sa silid dahil natatakot ang reyna na baka mapahamak na naman ang prinsipe.
Mabait ang reyna ng salubungin sila, ganoon din ang hari. Nakangiti ang mga ito sa kanila nang dumating sila sa kanilang kaharian.
Nilibot ni athena ang tingin sa paligid at nakita ang mga kumikinang na magandang dekorasyon na nakapalibot sa loob ng malawak na silid pang-kaganapan. Maraming mga palamuti, at ang ayos ng kanilang dekorasyon ay nakakaakit sa mata. Sa mataas na kisame ay may mga telang makikintab na nahahati sa apat na kulay puti at ginto, na nakapuwesto sa apat na sulok ng silid-pangkaganapan. Ang mga malalaking bintana ay natatakpan ng mga magagarang kurtina na mayroon matingkad na kulay pula sa ibabaw, at sa ilalim naman ay kulay ginto na may mga desenyo ng mga bulaklak. Ganun din ang iba pang mga istraktura at iskulptura. Ang nagbibigay liwanag naman ay ang mga eleganteng kandila na ang mabangong amoy ay humahalimuyak sa buong silid-pangkaganapan. Isang aranya (chandilier) na may mga nakapaloob sa loob ng mga kandila na nakabitin sa mataas na kisame.
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...