25

231 11 0
                                    

Athena's Pov


Shit... Siya na ba yung tulala na prinsipe?


Kumabog ng malakas ang dibdib ko habang tinititigan ang kabuoan ng lalaki na ngayon ay nakatingin lang sa kawalan. Ang buong bulwagan ay pinaibabawan ng isang malamyos na musika. Masarap sa pandinig ang musika ngunit hindi ko magawa na mapakinggan ito, dahil sa presensya ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Ineexpect ko na gwapo rin ang prinsipe ng harampya, ngunit hindi ko mapigilan na mapapikit dahil sa kung ano anong kapintasan ang gustong lumabas sa bibig ko. Ayoko talaga ng nag-eexpect... I mean, gwapo nga siya pero ang payat... Natatakpan ng kapayatan niya yung kagwapuhan niya. Maganda yung kilay niya, makapal, yung ilong niya matangos, yung cheeks and lips niya bagay sa kaniya. Pero....forget it.

Napalingon ako sa entrance na doubledoor ng bumukas ito at niluwa nito ang dalawang matanda na sa tingin ko ay mag-asawa. Tumayo ang lahat ng panauhin at nagbigay galang sa dalawang taong bagong dating.

"Kinagagalak kong makita kayong muli kamahalan." Sabay sabay na saad nila ang salitang yan at matapos yumukod at umupo.

Napaikot nalang ang mata ko sa kanila dahil parang hindi ako masanay sanay sa kultura nila. Napalingon naman ako sa kaliwang gawi ko ng marinig ko ang boses ni ciera.


"Nagbigay galang ka rin sana prinsesa athena." Hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko, dahil parang may bahid na pagtataray ang boses niya o mali lang ako ng dinig?

Napatikhim ako at magsasalita na sana ng maunahan ako ni prinsipe zayus.


"Huwag mo na lamang pansinin. Nakaligtaan niya lamang ang pagbibigay galang sa iyong magulang, prinsesa ciera." Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya niya. Ngumiti at tumango na lang si ciera pero alam kong pilit iyon, dahil si zayus ang nagsabi.


"Bakit ko naman gagawin iyon? Magulang ko ba sila?" Hindi nagpapatalo na saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Natigilan siya at bumakas ang hiya. Ang prinsipe naman ay binigyan ako ng matalim na tingin.


"N-gunit...isang hari at reyna sila, nararapat lamang na magbigay galang ang sino man na makakita sa kanila." Utal ngunit mahinang aniya. Napakaplastik tss. Magsasalita na sana ako ng unahan ulit ako ni zayus.


"Tama si prinsesa ciera, athena. Nararapat lamang na magbigay galang ka, magulang mo man o hindi. Kailangan iyon upang mapanatili ang respeto ng isat-isa." Hindi ko nagawang makapagsalita ng mapansin ang pagtatanggol ni zayus kay ciera. Ngumiti si ciera sa kaniya na tinanguan lang ni zayus. Para bang nangungusap ang mga mata nila habang ako ay hindi makapaniwalang masasabi iyon ni zayus sa harap ng iba. Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil sa pagtatanggol niya sa babae.



Nakalimutan niya na yata kung paano ako paglaruan ng hari ng artha noon. Kung paano niya utusan ang mga kawal nila na patayin ako sa harap ng mga maraming tao.

.

Respeto? Ewwww.


Hindi ko rerespetuhin yung mga tao na hindi rin naman ako nirerespeto. Hindi ako makakapayag na apak apakan lang ng kung sino.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now