Dumating si prinsipe zayus noong araw rin na 'yon. Sa harap ng hapag kainan, tahimik lang si athena na nakikinig sa pinag uusapan ng kanilang pamilya. Nalaman nya na naglakbay pala ang kanyang asawa sa isang kaharian ng haramya. Hindi nya alam kung bakit hindi nagsasabi ang lalaki sa kanya, gayon wala naman silang naging problema.
Iwinaksi nya sa kanyang isipan ang mga kung ano anong bagay na pumapasok sa kanyang isip. Ilang araw na silang hindi masinsinan nag uusap ng prinsipe nung araw na umuwi sila ni lihyan galing sa tahanan ng babae. Kaya hindi mawala sa isip nya ang pagseselos na umahon sa dibdib nya lalo na ng makita nya kung paano ito salinan ng inumin si lihyan na kinatahimik nya ng husto.
"Bagay na bagay kayo ni lihyan kuya. Bakit hindi pa kayo mag-anak?" Pasimpeng tumaas ang kilay ni prinsesa athena dahil sa pagbukas na usapin ni prinsesa odessa, ngunit hindi sya nagpatinag sa sinabi ni odessa dahil alam nya na pinaparinggan lamang sya ng babae. Hindi sya tumingin at bagkos nagtuloy tuloy lang sya sa pagkain.
"Nais ko sana prinsesa odessa, ngunit alam kong may mga nais pang gawin na tungkulin ang prinsipe." Malumanay na saad ni lihyan na bakas sa tinig ang kasiyahan umangat naman ang tingin ni athena kay prinsesa odessa na nakangisi ng nakatingin sa kanya.
"Ohh nariyan ka pala athena... Nasisiguro kong ayos lang naman sayo kung mauna ng magkaroon ng anak ang pangalawang asawa ng prinsipe hindi ba?" Hindi nya pinansin ang pekeng ngiti sa kanya ni prinsesa odessa. Lumingon sya kay zayus na tahimik lang habang nakikinig. Ngumisi sya at walang pansintabi sa mga kasama sa lamesa ng sumagot.
"Bakit hindi? Natutuwa nga akong malaman na mag-aanak sila dahil may tsansa akong mag asawa pa ng iba.... ano sa tingin mo kamahalan?" Ramdam ng dalaga ang biglang katahimikan sa harap ng hapagkainan na kinangisi nya. Miski ang inang emperatris at emperador ay hindi nagustuhan ang sagot ni athena.
"Kasuklam-suklam." Madiin na sambit ng inang emperatris dahil sa narinig na sinabi ng dalaga. Nag salita rin ang emperador na kinakaba ng lahat ngunit taliwas kay odessa ang namumuong tensyon sa pagitan ng emperador at emperatris bagkos nagugustuhan nya pa ang kinalabasan ng kanyang ginawa.
"Hindi kita pinakasal sa aking anak para lang lapastanganin mo sa harap ng kanyang pamilya. Walang galang! Haaah!" Galit na tumayo ang emperador na tinignan muna si athena ng masama bago magpasya umalis sa hapagkainan, sumunod naman ang inang emperatris.
Matapos ang hindi magandang usapin sa hapagkainan. Hindi na nakausap ng prinsipe zayus si athena. Sa hindi malaman kadahilanan napansin nya ang pananahimik nito. Sinubukan nya itong lapitan ngunit mabilis sya nitong iniwasan. Hindi nya inaasahan na iba ang sasabihin ni athena sa tanong sa kanya ng kanyang kapatid, ngunit nagkamali sya. Buong akala ng prinsipe ay sya lang ang ninanais ng dalaga ngunit hindi nya inaasahan na nais nya pa pala humanap na makakapareha.
"Hindi ko akalain na, walang modo ang pangunahing asa..."
"Tahimik! Hindi ka dapat nangingialam. Kung ano mang galit mo kay athena, alalahanin mo pangunahing asawa ko ang nilalapastangan mo." Hindi na nakapagtimpi pa ang prinsipe na magalit sa nakababata nyang kapatid dahil sa labis na masamang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.
Matinding inis ang naramdamdaman ni odessa sa kanyang nakakatandang kapatid, naisip nyang mas pinapanigan ng prinsipe si athena kaysa sa kanya.
'Anong nangyare sa prinsipe na hindi gusto asawahin ang babae na iyon? Nasan na ang prinsipe na marinig palang ang pangalan ay nagiging mabangis na hayop na?... Haaaa! Mali ka ng binangga athena. Ibabalik ko kung paano ka ayawan ng kapatid ko noon.' Sisiguraduhin ko na iiwanan ka ng prinsipe ng luhaan. Hindi maaari na unti unti mong nalalason ang utak ng akin kapatid. Hindi ako makakapayag.
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...