I stood beside him, while trying to remained silent. I can't let zayus know who was me. Kinakabahan lang ako dahil baka mahalata nya kung sino ang nasa tabi nya.
Habang nakatago ang mukha ko sa likod ng manipis na tela ay siyang dagundong naman ng dibdib ko. Dahil natatakot akong mapansin ni zayus ang buong pagkatao. Natatakot na malaman nya kung sino ako.
Because I don't know what will happen to me if he knows that the girl who protects their family is his wife.
"Nagpapasalamat ako dahil sa iyong pagligtas sa amin."Ilang sandaling katahimikan ng marinig kong magsalita ang lalaki gamit ang baritonong boses. habang nakatayo sa maliit na tulay na pinalilibutan ng mga bulalak at nakaharap sa malawak na fishing fond.
Ngumiti ako ngunit hindi kita ng lalaki yon.
Masyadong seryoso ang prinsipe ngayon. Dahil siguro sa nangyari.
"Walang anuman, masaya akong walang nangyaring masama sainyo kamahalan." Ang totoong boses ko ay pinaliit ko upang hindi nya makilala ang tunay na ako.
"Nais ko lamang malaman, kung paano mo nalaman ang paggamit ng kakaibang armas." Natigilan ako dahil sa biglaang tanong nya. Kahit alam ko naman na maaaring itanong yon ng lalaki sa kanya. Dahil ang armas na kakaiba ay hindi nagmula sa mundo nila.
Ikinalma ko ang sarili upang hindi magkamali.
"Uhhh....Ilang araw ko na silang sinusundan simula ng makita ang bagay na 'yon... nagtaka pa ako kung ano ang hawak nila ng marinig ko ang malakas na kakaibang tunog na nanggaling sa armas nila. Kakaiba.... nang makita ko kung paano nila gamitin , pinag-aralan ko bago nakawin sa kanila. At ng marinig ko rin ang plano nila na patayin ang emperador. Hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanila dahil wari ko ay mapanganib ang kakaibang armas na hawak nila." Mahabang lintanya ko. Nagcross finger pa ako habang sinasabi ang ginawa kong kwento para lamang maniwala sya.
Kahit ngayon lang, maniwala ka please.
Labag sa loob kong magsinungaling lalo na at si zayus 'yon. Grabe ang kaba ko habang nagsasalita, ngunit maayos ko naman na sabi na walang ka utal utal.
Tinignan ko ang reaksyon nya kung maniniwala sya dahil ilan segundo ng matapos kong magsalita ay tahimik lang sya. Pero ilang sandali ng tumango sya at nagsalita.
"Alam mo ba kung saan nanggaling ang kakaibang armas? Nais kong malaman, dahil natitiyak kong gagamitin nila sa iba pang kasamaan. At bilang anak ng emperador hindi ko nais na malagay sa mapanganib ang aking mga magulang at aking mga kapatid." Napahinto ang pagpapakain ko sa mga isda ng marinig ang sinabi ni zayus.
Paaano ko sasabihin kahit alam ko kung saan nanggali----, teka....
Baril....?
Tila may pumitik sa sintido ko dahil ngayon lang pumasok sa isip ko ang pinangggalingan ng armas.
Kung walang ganon armas sa mundong ito....
Paano napunta dito ang armas na yon na mula sa mundo ko?
YOU ARE READING
Switched Souls
Historical FictionIsang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa ay nasa katauhan sya ng isang prinsesa. Hindi lang yon. Dahil kasal na rin sya sa isang lalaking mat...