9

365 23 4
                                    

Ganon ba talaga kahina ang totoong athena?
Na kulang pati buong mundo malaman.

Hindi ko magets.ganon rin ba kabigdeal ang kahinaan ng babae sa kanila ? Why? Lahat ba ng kababaehan sa kanila marunong lumaban?

Ang lakas ng sapak sa utak ng matandang hari na yon.

Sa isang utos lang napalibutan na agad ako ng mga kawal nila. Na para bang galit sa kanya ang hari.

"Magtatalaga ako ng karagdagang tagabantay mo. At huwag mong susuwayin ang utos ko. Naiintindihan mo?" Bumuntong hininga lang ako sa sinabi ng prinsipe.

Kanina pa sya ganyan, simula ng makabalik kami sa palasyo. Kanina pa masama ang timpla.

"Kasalanan mo iniwan mo kasi ako." Wala naman talaga akong balak patulan ang mga yon. Sya lang kasi tong lumabas kasama si ciera. Of course im jealous, anong gusto nyang gawin ko magmukmok? Tapos hindi nya pa sinabi na sa babae nya lang pala sya pupunta. Tss.

Nandito kami sa isang matayog na lugar sa loob ng palasyo. Nakapwesto ako sa isang malaking puno. May mahabang upuan at mahabang lamesa na nakalagay dito. Nakatayo lang ako at nakasandal sa puno habang nakatalikod sa gawi ni zayus. Nagcrossed arm ako at tumingin sa mga naghaharutang ibon sa may taas ng puno na nasa di kalayuan.

Pinakiramdaman ko sya at hinihintay syang sumagot. Ngunit wala akong nakuhang sagot kaya humarap ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng saktong pag harap ko ay sinalubong nya ako ng halik. Isang mabilis na halik.

"Naninibugho kaba?" Para akong napipi dahil sa kanyang tanong. Hindi pa napoproseso ng utak ko ang halik nya tapos ay sasabayan nya ako ng tanong.

Nag init ang pisngi ko.

Pero alam kong nagseselos ako. Bakit hindi ko masabi?

Nakatitig lang sya sakin na para bang sinusuri nya ang kaloob looban ko.

Tila ba may kuryenteng dumadaloy sa binibigay nyang tingin sakin.

Shit athena ano bang nangyayare sayo?

Napatikhim ako at umiwas ng tingin.
"B-umalik na nga tayo. Baka may iba ka pang kakausapin bukod sakin." Maglalakad na sana ako ng hilahin ako ni zayus at yakapin. Ramdam ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa tenga ko. Ang mainit nyang katawan ay para bang nagpapakalma sakin.

Ang kaninang mabilis na tibok na puso ko ay mas bumilis pa. Labis na bumabalot ang kakabahan dahil natatakot na maramdaman nya ang bilis nito. Ang kilig ay pilit na umaahon.

"Hindi ko na alam ang aking gagawin sayo mahal na prinsesa. Noon ay wala akong pakialam sa mga bawat kilos mo...Munit ngayon ay para bang isang tungkulin ko na bantayan ka." Hindi ako agad nakasagot. Nilalasap ang salitang nanggaling mula sa kanya. Isang salita na animoy isang mahalagang tao ka. Ngunit kahit baliktarin pa ang mundo ang katawan na to ay hindi ko pag aari.

Kung isang araw malaman mo na hindi ako ang totoong athena na kinakausap mo ngayon. Sana ay mapatawad mo'ko. Kung bumalik man ang athena , masaya ako para sa kanya dahil ang lalaking mahal nya ay nagsisimula ng umibig sa kanya.

Nang maramdaman ang luha ,mabilis ko itong pinunasan.

"Kamahalan. Nariyan na ang Ginang at ang heneral." Napabitaw kami sa isat isa ng marinig ang boses ng lalaking kanang kamay ni zayus. Nang tignan ko ito ay nakatalikod na samin.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now