45

195 6 0
                                    

Sa isang malaking bulwagan na punong puno ng mga eleganteng mga palamuti na nagkikinangan. Hindi maiwasan ni athena ang mamangha dahil sa ganda. Ang kaayusan at kapaligiran ay  napupuno ng mga makapangyarihang tao. At ang mabangong amoy ng paligid ay humahalimuyak sa kapaligiran. Hindi niya mapagilan isipin ang emperyo at ang sapiro. Ganitong ganito rin ang istilo at disensyo. Hawak ang bandeha na may nakalagay na mga alak nagtungo si athena sa kaliwang bahagi at nagsalin sa mga kopita ng mga matatandang ministro. Hindi naman siya nahirapan kayat laking pasalamat niya ng matapos siyang magbigay sa mga ito ay walang naging problema. Malaki ang kikitain niya kaya ingat na ingat siyang huwag magkamali.



Tumungo muli siya sa malaking silid-lutuan at nagdala muli ng mga alak na limang bote. Isa kasi siya ang inatasan na magbigay ng alak sa lahat ng panauhin. Ang dala niya kasi kanina ay isang bote lang at sinalinan niya lamang ang mga kopita ng panauhin kaya batid niyang kukulangin ang mga ito, lalo na ang alak ay nanggaling pa sa kilalang negosyante.







"Kamahalan, ipinapatawag na po kayo ng hari at reyna." Hindi tumugon ang isang prinsipe ng marinig niya sa labas ng pinto ang boses ng isang kawal, bagkus inayos niya lamang ang isang aksesorya na palamuti na isang espada na kulay puti na may nakapalibot na isang dragon. Isinuot niya ito sa kaniyang mabigat at paboritong espada at pagkatapos ay ipinatong niya sa isang pabilog na lamesa na gawa sa narra. Nagtungo ang lalaki sa malawak na kama at kinuha ang robang gawa sa seda na may mga burda ng mga kulay gintong mga desenyo.


Mula sa hubad na katawan na nababahidan ng mga pilat mula sa pakikipaglaban sa nakalipas na taon. Hindi naging hadlang rito ang pagiging  makisig. Ilang sandali sinuot na nito ang mahabang roba upang matakpan ang maskulado nitong pangangatawan . Matapos niyang magsuot nagtungo siya sa lamesa upang kuhanin ang espada. Ngunit napatitig siya sa palawit na naging karamay niya ng mawala ang babaeng mahal niya. Ilang taon na ngunit nakatatak pa rin sa isip niya ang magandang imahe ng babae. Tanda niya pa ang magaganda nitong ngiti... Ang mga nakakatulala nitong tawa kung mapakatitigan mong maigi ay para kang hinihipnotismo. Ang huli nilang pagkikita ay nagdulot sa kaniya ng malaking dagok sa buhay niya. Lahat ng pagpahirap sa sarili ay dinanas niya. Ang mga kasalanang nagawa ay narito pa rin sa kaniyang dibdib. Ngunit ang ginawang pagsisinungaling ng dalaga sa kaniya ay kinalimutan niya na. Sa nakalipas na taon. Walang araw na hindi niya ito naalala. Kaya labis labis ang inis at pagkamuhi niya sa sarili. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto at segundo, labis niyang pinahirapan ang sarili upang mawala ang pagkamuhi at pagkakasala niya sa sarili. Hindi lang sa sarili kung hindi na rin kay athena na totoo niyang minahal. Tuwing sasapit ang gabi , inuutusan niya ang kaniyang kanan kamay na si damian na latiguhin ang kaniyang likuran ng isang daan hagupit araw-araw. Ang sakit, kirot at bawat paglapat ng latigo sa kaniyang likod na parang isang patalim, ay hindi niya iniinda bagkus nilalasap niya ang bawat hagupit ng latigo sa kaniyang likod. Ang bawat hagupit ay siyang pagahon ng galit sa kaniyang sarili. Ang bawat hagupit ay siyang nakakapagpawala sa kaniyang katinuan kayat kahit sandali ay nakakalimutan niya ang naging kasalanan niya sa dalaga.

Kung hinayaan niya lamang makapagpaliwanag ito sa kaniya noon, hindi sana aabot ng ilang taon ang paghahanap niya sa dalaga. Ang mga nalaman rin noon ay isang kagulat gulat na pangyayari. Hindi niya makalimutan ang isiniwalat ng isang babae. Ang mga sandali na iyon ay napagalaman niya na walang naging kasalanan ang dalaga. Na hindi nito ninais na maglihim sa kaniya. Laking kaduwagan at kalapastanganan ang kaniyang ginawa kay athena. Ang babaeng hindi naman nagmula sa mundo na ito ay hinayaan niyang mawala sa paningin niya. Hinayaan niyang lamunin siya ng kaniyang galit sa dalaga. 'Napakawala niyang kuwenta.' Nag igting ang panga ng prinsipe dahil sa naisip.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now