35

227 11 1
                                    

"Hindi ko kailangan ng iyong opinyon tanda." Galit na sambit ng lalaki na tinawag na alfaro. Batid niyang hindi nagustuhan ng lalaki ang pag-sali nito sa kanilang usapan ng kaniyang kasamahan. Napatakip nalang ako sa kanan tainga ng mas lalong umingay ang buong paligid dahil sa nagtatalo na mga tao.

"Kung hindi mo kailangan ng kahit sino sa aming opinyon. Hinaan mo ang iyong tinig, sapagkat ang iyong isiwinalat ay aming rinig na rinig." Matapang naman na saad ng isang babaeng dalaga na sa tantiya ko ay nasa legal na edad na. Sumang-ayon naman ang iba sa kaniya. Ang mga kalalakihan na kasama naman ng lalaki ay naghalakhakan dahil para silang natutuwa pa sa nakikita.

"Tama ka hija."


"Hindi mo batid ang iyong sinasabi, kaya ingatan mo ang iyong binibitawan na salita."


"Kawalang respeto ang ginawa mo sa panginoon Ginoo."


"Akin nauulinagan na mabilis na kakalat ang balitang ito." Samut-saring komento ang nakuha ng kalalakihan sa ibang mga taong kumakain. Ang iba ay hindi ko na pinakinggan pa, dahil dumako na ang tingin ko sa lalaki na papalapit sa gawi namin. Napangiti ako ng maamoy ang kakaibang bango nito.

"Grabe, nakakatakam. Amoy pa lang ulam na." Ngiti ko kay gabgab na kanina ko pa napapansin ang katahimikan nito. "Gab." Tawag ko sa pansin nito. Ngunit ang tingin nito ay nasa tabing mesa lang namin. Tinignan ko ang tinitignan nito at nakita ko ang tatlong lalaki na nakatingin din kay gabgab. Anong meron? Bat sila nakatingin?

"Gab? Ayos ka lang ba?" Unti unti naman na lumingon ito sakin ng marinig nito ang tawag ko sa kaniya.

"Sila ang mga taong pinagtulungan si kuya ador, ate athena." Kumunot ang noo ko ng marinig ang kaseryosohan sa tinig nito. Napansin ko na tumingin ulit to sa tabi ng mesa namin. Kaya lumingon din ako dito at nakita sa mga kalalakihan ang mga nakangisi nilang mukha na para bang inaasar pa nila si gabriel. Sa itsura ng mga ito ay parang walang mga sinasanto. Mga madudungis ang itsura nito, ang mga paa nito ay walang mga sapin at mapuputik. Ang suot ng iba ay mahabang manggas na sa harap ay pacross na tinernuhan ng slacks na brown at itim. ang iba ay roba na may kalumaan. May nakatali naman sa bewang nila na sa tingin ko ay iniipitan nila ng mga dala nilang armas, gaya ng itak, punyal o bolo.


Hindi ko lang maintindihan kung bakit napadikit si ador sa mga lalaki na'to. Mukhang mga walang kinatatakutan. At mukhang hindi gagawa ng kabutihan sa kapwa. Ngayon pa nga lang ay nakikipagtalo pa rin ang lalaki sa mga tao na wala man lang pumipigil habang ang kasama nito ay nakatingin lang kay gabriel.


"Ito na po binibini, pasensiya na kung may katagalan." Nilapag na ng server ang dalawang mangkok at dalawang plato sa mesa namin. May mga ginisang gulay pa itong kasama at tatlong sawsawan. Ilang sandali ng malapag lahat ng pagkain ay umalis na ang server. Simpleng aroskaldo lang pala ito. Lugaw na may madaming laman, at may greenleaves sa gilid na parang display lang. Akala ko kakaiba na. Pero ayos lang, namiss ko rin naman ang ganitong pagkain. Sa tagal ng inantay namin worth it naman dahil masarap ang pagkakaluto , malinamnam at iyong laman niya malambot.


Uumpisahan ko na sana kumain ng mapansin ko na hindi pa rin ginagalaw ni gabriel iyung pagkain niya. Kinuha ko ang pansin nito ngunit bakas na ang inis sa mukha. "Gab, hayaan mo na sila. Kumain kana." Aniya ko dito. Ngunit susubo na sana ng makita ko ng tamaan ito ng maliit na bato na saktong tumama sa noo niya. Napahinto ako at tinignan ang mga lalaki sa kabilang mesa na tatawang nakatingin kay gabgab.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now