chapter 2

276 19 0
                                    

                MERRY CHRISTMAS!!  ❤️🎄

I was in the middle of the road when one of my car's tires suddenly exploded. pag minamalas ka nga naman o! im with my daughter pero tulog na sya. After closing the bake shop kasi, we decided to go to the mall kahit saglit lang mapasyal ko lang yung bata. Iginilid ko ang kotse at bumaba. hindi ako maalam sa pagpapalit ng gulong. napapanuod ko lang yung asawa ko dati pero ako, hindi ko talaga alam. gosh lorenzo bakit kasi iniwan mo kami agad!?

gabi na rin at ayokong maka abala pa sa kapatid ko pagod na yun for sure kaya hindi ko na tinawagan. wala akong choice kundi kunin na yung mga tools sa compartment ng kotse ko at magpalit na ng gulong bahala na baka magawa ko why not!

"Miss, excuse me.. you need help?" — hulog ng langit ata yung narinig ko sa likuran ko shux!! akala ko dinaanan nya lang ako narinig ko kasi yung Kotse nya nilampasan lang ako pero tumigil pala. nilingon ko sya and medyo nagulat ako kasi pamilyar sya!

"i-ikaw yung customer namin kanina diba??" — its him!! si sir rome kung hindi ako nagkakamali. tinulungan nya akong makatayo.

"chef sandra kayo po pala.. tulungan ko na po kayo kasi mali yung ginagawa nyo e."

"oh okay im sorry.." umusog na ako para sya na ang gumawa ng gulong.. "dahan dahan sir rome nasa loob po yung anak ko. pasensya na a pero buti nadaanan mo kami hindi ko talaga alam kung pano palitan yang gulong na yan at tanggalin."

"no worries.. kahit sino naman ang makakita sayo tutulungan ka."

"naku hindi no.." narinig ko syang tumawa. tumatawa naman pala to.

ilang minuto lang, natapos na nyang ayusin yung gulong and medyo nadumihan sya at pawis pa. nakakahiya..

"okay na chef sandra safe na po yan.." — Inabot ko yung tissue sa kanya.

"Salamat sir rome a.. hulog ka talaga ng langit sakin tonight. baka hindi kami makauwi kung hindi mo kami nadaanan."

"you're welcome.. osige na umuwi na kayo anong oras na rin."

"uhm, anything pambawi?"

"no, no im good.. salamat chef."

"bukas nalang antayin kita sa bake shop i'll treat you free breakfast kahit ano. Antayin kita.. salamat sir rome"

"okay you're welcome.. ingat pauwi!"




Kinaumagahan, inagahan ko talaga ang pagpasok sa bake shop kasi baka maagang dumating si sir rome. Nakakahiya naman kung sya ang mauuna dun.

"oh ate ang aga mo a! nahatid mo na si France?"

"yes kanina pa.. hoy hindi tayo nakadalaw kay lorenzo kahapon."

"ay oo nga pala te!! Nawala rin sa loob ko.. mamaya nalang! Sama ka na pagsundo kay france."

"yah pero bibili muna tayo ng flowers.. wala pa si sir rome?"

"ay taray hinahanap!!" Hinampas ko ng di kalakasan ang braso ni ally napaka!

"sira sabi ko naman sayo diba kagabi tinulungan nya akong magpalit ng gulong kagabi kaya it-treat ko sya ngayon dito.."

"sus.. ang ate ko inlababo na Naman!!"

"tiigil tigilan mo nga ako ally.. magagalit sayo ang kuya lorenzo mo nyan. tsaka walang ibang ibig sabihin yung pag libre ko sa kanya ngayon pasasalamat lang.. never na akong mai-inlove kung hindi sa asawa ko." napalingon ako sa pintuan at pumasok na si rome. agad ko naman syang sinalubong..

"hi chef goodmorning po!" — nag shake hands kami.

"goodmorning too. thank you for coming. Anong gusto mo? Anything sir rome." — i smiled.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now