Chapter 24

253 22 3
                                    

"Mahal.. gising na. im home!" — niyakap ni rome si sandra at tinadtad ng halik sa leeg at dibdib. "honey.."

"honey dito na ikaw?" dumilat na si Sandra at yumakap kay rome." i missed you honey.."

"I missed you too.. bakit naman ang cute cute ng voice mo then ang hot mo ngayong umaga?"

"hmm kasi na miss kita and gusto kong magpa baby sayo.. you missed me?"

"Ofcourse my love.." hinalikan ni rome si sandra sa Labi. "si France mahal tulog pa.. pero gigisingin na raw ni ally maya maya."

"liligo na rin ako honey.. work work work na rin."

"paliguan kita mahal?"

"sounds exciting hon pero dito ka nalang sa bed. mahiga ka dyan! nakailan ka na kahapon.."

"akala mo naman may gagawin sa kanya.. papaliguan lang kita mahal."

"sus ikaw pa! antayin mo nalang ako dito babi.."

"I'll prepare your undies and bra nalang.."

"yan good thing! yung black ha?! black isusuot ko today e.. thank you love you!"

- nakaligo na si sandra at umupo sya sa vanity nya.

"honey blower kita.." — pumunta si rome sa likod ni sandra at minasa-masahe ang balikat nito.

"at bakit ang sweet sweet mo?"

"hon? palagi naman akong ganito sayo e.."

"sabagay.. osige na hon blower mo na ako."

"titodad you're here!!" Nagulat silang dalawa dahil sa sigaw ni france. napatawa naman si sandra.. "I missed you titodad!!" yumakap si france kay rome at kinarga naman sya nito.

"you missed titodad ha.. I missed you too anak. sorry hindi ako nakauwi kagabi then now may pasok pa tayo. anong plan mo mahal?"

"dinner nalang tayo mamaya. sa malapit lang na resto para di ka na mapagod mag drive dad." — sandra.

"baby halika na dito magbihis ka na muna!' — sigaw ni ally mula sa kabilang kwarto kaya napatawa sila. may built in amplifier ata to si ally e.

"tawag ka muna ni tita, baby." - sandra.

"hmm ingay ni tita.. bye muna po!"

- Nagbihis na rin si sandra at muling umupo sa vanity nya.

"honey should i wear red lipstick or light lang?"

"pag red kasi ang hot mo tignan then pag light naman ang tamis tamis ng labi mo.. can you wear purple? baka mainlove sayo mga customer mo nyan e.."

"gagu ka.. ihh honey red or lighter color?"

"red hon.. pero wag mo akong ipagpapalit sa dami ng patay na patay sayo.

"sus ginoo! baka sayo ang maraming patay na patay. nangangarap na magka car. mga bata no? sino na nabigyan mo ng kotse?"

"honey wala! ikaw talaga.. pagtapos mong mag lipstick i-kiss mo ako ha!?"

"kiss lang pala e.. pupunta ka ba sa bakeshop mamaya? lunch tayo.."

"sige hon.. mga 11:30 andun na ako."

"bili ka na rin ng food natin.. gusto ko ng tapsilog hon with tomato and cucumber.. okay?"

"honey?"

"ihh hon gusto ko nun for lunch.."

"sige hahanap ako.. yun lang ang gusto ng baby ko?" Niyakap ni rome si sandra at Hinalikan sa pisnge.

"pwede siopao rin? yung binili mo hon..

"okay sure hon.. yun lang?"

"yes.. i'll pay you with kiss nalang mamaya."

"mahal baka may gusto ka pa? come on sabihin mo na." napatawa si Sandra at pinalo si rome sa braso.

"hay nako halika na nga at hatid mo na kami.. papasok ka pa ba hon? kakauwi mo lang nga!"

"sa bahay nalang ako hon.. matutulog. pero don't worry bago mag 12 nasa bakeshop na ako."

"hmm okay honey. wag mong kakalimutan ang food. lika na!"

— sumakay na sila sa kotse ni rome. syempre si sandra ay nasa front seat sa tabi ni rome tapos si france at ally ay nasa backseat.

"honey yung mga beer nasa pantry.. alam ko namang iinom ka para makatulog. but not too much." - sandra.

"yes thank you hon.. baby susunduin ka namin ni mommy mamaya. antayin mo kami ha?" - rome.

"yes titodad.." - france.

"ate hindi ako makakasama sa dinner mamaya.. next time nalang e inaya kasi ako nung friends ko. e minsan lanh maman yun." — ally.

"osige.. basta Umuwi ka before 11! okay?"

"Oo na teh!" — ally.

"aba aba!! pag wala ka pa sa bahay ng 9, pagsasaraduhan na kita ng gate."

"E diba sa bahay ni kuya rome kayo matutulog? pano mo masasara gate natin sa bahay?" — sarkastikong sabi ni ally.

"basta before 11 umuwi ka ally." — sandra.

"ally ayaw mo bang sumama samin sa bahay?" — rome.

"oo nga dun ka nalang Dumiretso sa bahay ni rome or susunduin ka namin."

"pwede rin naman. Pero wag nyo na akong Sunduin. mamaya naglalambingan pa kayo tapos makaistorbo pa ako."

"hay nako ally!" - natatawa si rome pero si sandra ay Umiling-iling lang.

"tita sa isang room po tayo na vacant. titodad said dun na raw po magiging room ko e.." — France.

"ayan happy na happy na sila nyan baby.."

"ally bunganga mo talaga! itikom mo."



Naihatid na namin si france sa school then hinatid na rin kami ni rome sa bakeshop.. nauna na nga si ally sa loob kasi si rome nakayakap pa sa akin. ayaw akong pakawalan! aba dapat lang.

"honey papasok na ako sa loob.. ito na yung sweets mo oh. ubusin mo yan a!"

"wow thank you honey.." Hinalikan nya ang labi ko. "bango bango naman nito.."

"like me?"

"yes, like you. I love you! mahal na mahal kita hon.." — aaaah so sweet!

"I love you too, honey! kiss na mahal then papasok na ako. matulog ka na ha?! isang bottle lang rome." Niyakap ko na rin sya at Hinalikan sa labi.

"opo.."

"ingat ka.. tapsilog and siopao ha wag kakalimutan."

"yes boss!" — bumaba na ako sa kotse at bumusina muna si rome bago tuluyang umalis so dahil wala na yung hon ko, Pumasok na ako sa bakeshop.











ROME

uuwi talaga ako hindi ako pupunta kay greta. hindi ko rin naman sya pupuntahan nang Hindi nya sinasabi mamaya malaman pa yun ni sandra e sure akong magagalit yun lalo na at nagsinungaling ako sa kanya. mahal na mahal ko si sandra at sya lang. talagang kinakailangan lang ni greta ng suporta Ngayon.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now