chapter 27

240 20 2
                                    

"mommy!!" andito na pala sila rome and france.

"oh baby!! You're here na pala.. hi titodad!" eto namang si rome akala mo hindi kami nagkita ng ilang taon. kung makayakap!

"I love you.."

"ikaw talaga.. I love you more honey. dito na muna tayo sa office. ay teka lang, what's that?" Napatingin ako sa hawak ni rome.

"mommy ice cream po.. I want ice cream kaya binili ako ni titodad."

"nag thank you ka ba kay titodad?"

"yes mommy with kiss pa!"

"wow very good.."

pumasok na kami sa office and very good talaga itong jowaers ko may ice cream din ako.

"honey are you okay?" napansin ko kasi na medyo sad yung face nya.

"yup! okay lang ako mahal.."

"e bakit ka sad?"

"kaya nga titodad.. inaway ka po ni mommy?" aba aba!

"anak!! hindi ko inaaway yang titodad mo. honey what's wrong nga kasi? come on you can tell me anything." Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan.

"sa trabaho lang mahal.." niyakap ko na at mukang pagod 'to or may problema nga sa trabaho.. "mahal na mahal ko kayo ni france.."

"honey, love love natin si titodad. Come here dali!" niyakap na namin si rome at Hinalikan pa namin sa magkabilang pisnge.

"thank you babies.. i love you both!"

"Tired ka hon? uwi na tayo.."

"Kailangan ka pa dito mahal e.."

"its okay.. sa tingin ko mas kailangan mo ako ngayon. anak halika na uwi na tayo para makapag rest na tayo and si titodad. lika na mahal.."

- Umuwi na nga kami sa bahay ni rome. hindi talaga 'to okay ngayon.. pag pasok nga namin sa kwarto inaya akong humiga at niyakap agad ako nang mahigpit.

"hon ano ba ang nangyayari?" —

"wala hon.. sa trabaho lang talaga."

"sabihin mo na kasi sakin.."

"n-nag cancel yung isa naming client e malaking kawalan Yun samin ni jake."

"honey naman e.. isang client lanh Yun. marami pang papalit dyan. wag ka na ngang ganyan hindi ako sanay. Pagluluto nalang kita.. anong gusto mo?"

"You.."

"yes honey later. magpapakamabuting asawa muna ako and mommy. magluluto na muna ako ng dinner natin.."

"asawa?"

"a-ayaw mo? im sorry."

"Hon syempre Gusto ano ka ba!? papakasalan mo ako?"

"yes, soon.. kung papakasalan mo ako. ikaw mag de-decide nyan. this is not the right time para pag usapan yan hon. kukuha na muna kita ng beer.. pero kiss first!" hinalikan ko si rome sa kanyang labi at diniinan ko iyon. "Love you!"

"I love you hon. thank you!"

Carbonara and fried chicken nalang ang niluto ko kasi paborito to nung dalawa. andito na rin si ally kaya kumain na kami

"ang sarap Mahal.." — may sauce sauce pa sa labi itong isa kong baby kaya pinunasan ko na.

"happy ka na uli?"

"yes. thanks honey!"

"carbonara and fried chicken ko lang pala makakapag pa-happy sayo e.."

"tsaka body mo rin 'te!" pwede ba sa inyo na muna itong kapatid ko??

"ally!! bunganga mo talaga.. anak that's nothing. Huwag mong pansinin yang tita mo. gutom lang sya.."

"okay mommy.. tita you will sleep here?"

"yup! tabi ulit tayo.. kuya pahiram naman kami ng laptop mo mag ma-marathon lang kami."

"sure ally!"

"marathon ka dyan! gaga may pasok pa yan bukas bawal magpuyat. Hanggang 8 lang kayo. pupunta ako dun ng 8 dapat naka off na yang laptop."

"Oo te papatulugin ko na si france ng alas otso wag kang mag alala."

pagtapos naming kumain ay pumunta na si ally and france sa Kwarto nila tapos kami ni rome naiwan dito para magligpit. naghugas ako ng plate then sya naglinis ng lamesa and nilagay sa ref yung natira namin na food.

"mahal, wait lang po. matatapos na 'to.."

"sige lang hon.. nag eenjoy naman akong panuorin kang naghuhugas."

"say hi to my butt.." — napatawa sya at niyakap ako sa likod. "mag b-beer ka pa ba?"

"Tayo.. lets drink mahal?"

"ohh osige! basta isang bottle lang tapos hati na tayo. tignan mo nga yang face mo. tipsy ka na."

"hindi kaya!" kumuha na sya ng ice at Nilagay sa bucket tapos kumuha ng dalawang bote ng beer.

"honey isa lang!" Measunurin naman at ibinalik yung isang bote. lasing na 'to e.. halata na sa eyes nya and may pasok pa bukas. mahihirapan na naman akong gisingin sya.






pag pasok Namin sa kwarto ay agad kaming umupo sa kama. Hawak ko yung bowl of chips at susubuan ko nalang si rome.

"honey diba ayaw mo nyang chips na yan?" - weird but i like it now.

"hindi kaya! masarap to.. oh Tikim mo bago ka mag shot." Sinubuan ko sya. well sa kanya talaga 'to..

"iinom ka ba or wag na?"

"at bakit ayaw mo akong painumin?' I'm not pregnant mahal.. akin na yang shot ko."

"are you sure?"

"yes! honey naman last week pa tayo dyan sa buntis buntis na yan.. hindi nga po. ibibigay naman satin yun e.. atat kang anakan ako?"

"hon hindi naman sa ganun.."

"anyway hon, nag cancel na si grace sa appointment. sayang nga e.."

"talaga? well wag kang manghinayang mahal.. lumayo ka na dun a!"

"pag isipan ko hon baka mag inquire uli.."

"hon!"

"yes, oo na nga! bakit ba hon? kilala mo ba yun?"

"n-no.. ayoko lang na kausap ka nang kausap sa stranger at baka mapahamak ka pa."

"but hon remember, yung stranger na customer ko lang dati ay mahal ko na ngayon.." hinaplos ko ang pisnge nya at Hinalikan sa sya sa labi. "but you're different from them hon. kaya Sige na susundin na kita para di ka na ma stress dyan.."

"gusto ko lang kung anong makakabuti sayo.."

"yah alam ko naman yun e. thank you honey! uhm our second month as lovers is coming. what's your plan?"

"gusto ko sanang mag hotel tayo with France and ally. pero sa tagaytay.. what do you think hon?"

"Oh wow tagaytay.. akala ko mag di-dinner lang tayo hon! really, tagaytay??"

"yup!"

"uhm mahal, m-may rest house nga pala kami sa tagaytay so pwede wag na tayong mag hotel?" napainom sya ng alak. "p-pero hon sige mag hotel nalang pala tayo.. bebenta ko nalang pala yung rest house namin don." napatawa sya at kinurot ako sa pisnge. "hane.."

"hotel nalang hon.. pero pwede tayong dumaan don kung gusto mo. kasi baka isipin naman ng iba ako ang nakikinabang sa mga iniwan ng asawa mo."

"well ikaw naman na talaga ang nakikinabang sakin.. kiss mo nga ako hon! hayaan mo yang iba wala naman silang ambag sa life natin." He kissed my lips. "I love you.."

"I love you, sandra. mahal na mahal kita at ikaw lang ang mahal ko."













grabe excited na ako sa tagaytay trip namin!! pero confused pa rin ako bakit biglang nag back out si grace.. sayang din kasi yun e. but sabi naman ni rome wag akong manghinayang like i said to him, marami pang paparating na customer.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now