chapter 11

317 22 5
                                    

— we're here at amanpulo. my goodness!! ang ganda ganda ganda. private pala itong place Namin. ang sosyal din nitong manliligaw ko..

"and this is your villa.." - sosyal diba!

"may sarili pa ako?? Dapat share nalang kami nila ally and france e.. but thank you rome. ang ganda ganda dito and i can't wait to celebrate your birthday here!"

"im excited too.. magpapahinga ka na ba muna? papahanda ko na yung lunch."

"no. Pag ganto kaganda ang place dapat walang sinasayang na oras kaya mag papalit lang ako saglit ng dress. antayin mo na ako."

"osige dito lang ako sa labas."

"halika na dito.. baka lamukin ka pa dyan."

"hindi, okay lang.."

"sa cr ako magbibihis." tsaka lang sya pumasok. Dumiretso na ako sa cr dala yunh dress na binili nya for me.

"sandra comfortable ka ba dito?" rinig konh tanong nya.

"oo naman! ang lamig pa and yung bed malambot. bakit mo natanong?"

"lilipat ka Ng villa kung Hindi ka comfortable dito."

"sa villa mo nalang ako lilipat." lumabas na ako sa cr at natatawa ako kasi nakatulala sya sakin. "huy!"

"h-ha? ano?"

"ikaw, gandang ganda ka na naman sakin! halika na.."

it's true. Gandang ganda talaga ako kay sandra. bagay na bagay pa yung binili Kong dress sa kanya. I can't wait to call her mine kahit medyo malabo. pero kahit ganon, hindi pa rin ako susuko.. masaya ako with them e. Nararamdaman kong mahal ako ni france and ni Sandra rin naman pero yung kay sandra hindi pa aabot sa pagiging boyfriend. hanggang kaibigan lang muna Siguro.

"anak kain na muna.. mamaya na ulit mag swim." Ayaw pa kasing umahon.. enjoy na enjoy with rome e.

"tito later na po tayo mag eat.." Yumakap pa kay rome.

"anak after naman natin kumain, mag swim na ulit tayo with mommy na." — sabi ni rome. "sige ka pagalitan tayo nyan.."

"halika na nag aantay si tita ally dun.." kinarga na ni rome si france at umakbay pa sa akin habang naglalakad kami. birthday na ni rome bukas and simple dinner lang ang gusto nya kaya ayun.. but excited na akong ibigay Yung gift ko kay rome. matutuwa sya dun panigurado. nagloloko na kasi yung laptop nya and nakikita ko na super hirap na syang gamitin..

-----------

- nag lakad-lakad muna kami sa beach kasi kakakain lang.. buti nga pumayag itong anak ko.

"Tito rome sana kasama ka nalang po namin everyday para may daddy po ako.." Nagkatinginan kami ni rome..

"oo naman baby.. Lagi nyo na akong kasama ni mommy."

"thank you tito rome.. love po kita." Niyakap ni france si rome at si rome naman Hinalikan sa pisnge si france. ang cute nila maiiyak ata ako.

"love ko rin kayo ni mommy.." — tinignan ako ni rome at Hinalikan sa noo. "best birthday ever.."

"tito rome if love mo naman si mommy dapat wife mo sya.. diba mom?" Napatawa ako sa sinabi ni france.

"gusto mo ba mag ka-husband na ulit si mom?" — tanong ko sa kanya.

"hmm maybe yes mommy.. para di ka na rin sad kasi wala na si dad."

- nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa nakatulog na pala si France habang karga ni rome kaya Bumalik na kami sa villa.

"Sige na te ako nang bahala dito kay France.. enjoy na kayong dalawa dyan." - Sabi ni ally sa amin.

"hmm osige.. dito ka lang ha!? Wag mong iiwan yan."

pinagdala na ako ni sandra ng towel mag si-swimming na kasi sya. e ako kanina pa basa gawa ni france.

sandra removed her dress at Hindi ko alam kung saan ako titingin.. naka one piece bikini kasi sya at napaka sexy! ayoko syang tignan ng matagal at baka kung ano naman ang isipin kaya tumingin nalang ako sa dagat.

Lumusong na kami sa dagat at yumakap sya sa may likuran ko..

"its cold.." — sabi nya. "ang ganda ganda dito.. sayang uuwi na tayo sa isang araw."

"gusto mo pa ba mag pa-extend?"

"ih may trabaho pa tayo.. next time nalang ulit."

"is this really your dream place?"

"yah! actually plano talaga namin ni lorenzo na mag vacation dito with France. baby pa si france nun."

"really?" Hinawakan nya ang kamay ko. "sayang naman.."

"this is our dream place kaso iniwan nya ako e.. iniwan nya kami ni france. mag iisang taon na syang wala p-pero masakit pa rin.." I heard her sobbing at hinayan ko na muna syang mag kwento. "sabi ko sa sarili ko hindi na ako magmamahal ulit.. si lorenzo lang ang gusto ko." ouch.  "b-but don't get me wrong.. masaya akong kasama ka at lahat ng kalungkutan ko napalitan ng saya.. konti nalang rome please wag mo akong susukuan.." Humarap ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang pisnge.

"alam kong masakit pa rin sandra pero hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa matutunan mo na rin akong mahalin kahit hindi katulad ng pagmamahal mo kay lorenzo. at oo, hinding hindi kita susukuan.. mas mamahalin ko pa kayo ni france. " hinalikan ko sya sa noo at niyakap.

"sorry ang drama.."

"No.. mas gusto ko ngang nag o-open ka sakin para alam ko yang mga Nararamdaman mo."

"thank you rome.. salamat dumating ka sa buhay namin."

"yan din ang ipinagpapasalamat ko, mahal.. wag ka nang umiyak. Mag snorkeling nalang tayo."

"good idea!! then later kain tayo ng halo halo then nasa buko. pag hindi nasa buko wag nalang.."

"sayo nga nagmana si France!" Kinurot ko sya sa pisnge. napaka cute! "sige ire-request natin yan.."

"thank you.. sure ka ba na dinner lang ang Gusto mo bukas sa birthday mo?'

"oo.. wala na akong hihilingin pa ngayong natagpuan ko na ang pamilya ko.."

"grabe naman.." yumakap ulit sya sa akin. "pero kung makahanap ka ng mas sexy, mas maganda, walang anak at ikaw ang mahal, choose her."

"wala nang mas gaganda, sesexy pa sayo, mommy. at gusto ko yung may anak at sa ngayon ay hindi pa ako mahal. in short, ikaw lang ang gusto ko."

"ang galing galing mo talagang mambola!! Kakainis."

"I love you sandra. Dito ka lang ba muna? Papahanda ko na yung mga gagamitin natin."

"iiwan mo ako?"

"syempre hindi.." Inalalayan ko na si sandra hanggang maka ahon kami sa tubig.

hindi ako nagkamali ng minahal.. ang swerte swerte ko kay sandra at kay France kahit si Sandra e hindi pa ganoong kasigurado sa akin. mamahalin ko pa rin sya kahit anong mangyari..




_______

GOODNIGHTIEST DAW 😭

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now