chapter 39

366 21 4
                                    

"ate.. hala oh my god! grabe ang lala naman!" — andito na rin si ally and France sa hospital.. sasaglit lang sila dito para ihatid yung mga gamit namin ni rome. may pasok pa kasi sila.

"oh my god titodad.." niyakap ni france si rome.

"Wala pa nga ring malay e.. uhm baka bukas umuwi ako sa bahay. kakausapin ko si mama. hindi tayo sasama sa ibang bansa.. kailangan tayo ni rome ngayon."

"titodad please wake up na.. miss ka na namin ni mommy."

"baby baka ma late ka na sa school.. promise later babalik ka dito to take care of titodad. ally.." —

"halika na baby.." —

"bye titodaddy.. I love you." Bago lumabas si france ay Hinalikan nya muna si rome sa pisnge..

hindi pa ako nakakatulog nang maayos kaya tumabi ulit ako kay rome. may dalang fruits Sila ally and other foods. Pagkain namin ni rome..

ROME

- pag mulat ko ng mata ko nang dahan dahan ay nasa ospital na ako at andaming nakakabit sa akin na aparato. sobrang sakit ng katawan ko pero hindi ko maramdaman ang mga paa ko.. napatingin ako sa katabi kong babae at si sandra?? andito si sandra??

"hon..?" — agad syang tumayo at Ngumiti.

"finally gising ka na! wait wait ha tatawagin ko lang yung doctor."

"hon sandali.. b-bakit ka andito?" —

"kagabi pa ako andito.. and im here to take care of you. wait lang bilin ng doctor tawagin ko sya pag gising ka na." pinindot ni sandra ang button na nasa pader. "rome is already awake doc.." Hindi pa rin ako makapaniwala na andito si sandra ulit. 

- Pumasok na yung doctor at umupo si Sandra dito sa hinihigaan kong kama.

"na explain mo na ba sa kanya?" ang alin?

"hindi pa po doc.."

"hmm, rome malaking damage ang nangyari sa legs mo and sa buong katawan mo naman pero mas naapektuhan kasi yung legs mo and sa bandang ulo. malala Yung aksidenteng nangyari sayo. Nararamdaman mo ba yung legs mo?"

"ayun nga po doc, hindi.."

"sad to say rome, hindi ka makakalakad sa ngayon. pero madadaan naman yan sa therapy and your wife is here to take care and to help you.." nanlumo ako sa sinabi ji doc.. kung hindi na ako makakalakad, wala na rin akong silbi.. wala na akong magagawa. hindi pwedeng ganito, hindi ako pwedeng maging pabigat kay sandra. "maiwan ko na muna kayo."

hinawakan ni sandra ang kamay ko. "hon makakalakad ka ulit.. sabi naman ni doc diba madadaan pa sa therapy and im here. andito lang kami ni france to support you." Yumuko ako at umiling.

"h-hindi na.. hindi na ayos lang ako. deserve ko naman to e. kasalanan ko ang lahat.. ayos lang ako sandra wag mo akong alalahanin. d-diba aalis na kayo? mas better yun kaysa alagaan mo pa ako.."

"rome hindi na kami aalis.. dito nalang kami with you lalo na Ngayon na kailangan mo kami.. sorry na bati na tayo inexplain na sakin ni jake. And im sorry kung hindi kita pinakinggan."

"alagain lang ako.. look at me, hindi na nga ako makatayo! umalis ka nalang sandra. sige na iwanan mo na ako.. magiging pabigat lang ako sayo. sinaktan kita Diba? niloko kita. sapat na yun para iwanan mo ako."

"hindi ka magiging pabigat sa akin hon.. promise! i love taking care of you."

"tumigil ka na sandra.. sige na umalis ka na."

"ayoko.. ikaw pinapa alis mo ako! bakit may mag aalaga ba sayong iba?"

"maraming nurse dito."

"wag ka na ngang makulit pwede ba? whether you like it or not, dito lang ako. bakit ba pinapaalis mo ako? sa tingin mo ba hindi kita aalagaan talaga? grabe ka ha.."

"hindi sa ganun. nahihiya lang ako sayo I don't deserve a woman like you."

"wag kang mahiya and we deserve each other. naaksidente ka na nga hon, tigilan mo na yang kakulitan mo and yang shyness mo. hindi bagay!"

"kung aalis ka sandra---"

"hindi nga ho ser.. nakapag desisyon na ako. kagabi pa! so shut up na. ano pa bang masakit sayo? Andami mong sugat o, look." Hinaplos ni sandra ang pisnge ko. "a-akala ko ma-mawawala ka rin sakin kagabi." at nagsimula na syang umiyak. "wag mo nang uulitin mag drive nang lasing okay? please.. mag iingat ka na next time." hinalikan nya pa ako sa labi at niyakap. "and please wag kang magtatangka na iwan kami forever."

"pasensya ka na.. nakadagdag pa ako sa isipin mo. hindi ko kayo iiwan hon, kayo ang mang-iiwan sakin."

"hindi.. im so sorry. sorry kailangan pang umabot sa ganito."

"kasalanan ko rin naman e.."

"Kasalanan nung ex mo.."

"wag ka nang umiyak.." Niyakap ko na rin si sandra. labag sa loob ko na alagaan nya at maging pabigat. ayoko talaga ng ganito. Hanggang maari ayokong mahirapan sakin si sandra pero masaya ang puso ko na ayos na ulit kami.

"bati na tayo?"

"sayo ko nga dapat tinatanong yan.'

"yah.. yes! pero pag sinabi mo ulit yung mga sinabi mo kanina mag aaway Tayo.. ay kanina pala bago pumasok Yung mag tita, dumaan Dito.. dinalhan Tayo ng foods tsaka fruits mo. kain ka? im sure gutom ka kasi wala ka raw ibang ginawa kundi uminom."

"pano mo naman nalaman?"

"andito si jake last night.. as your punishment, bawal kang uminom."

"hon mahal mo pa ba ako? o andito ka lang kasi alam mong kailangan kita ngayon.."

"both.. mahal kita and andito ako kasi kailangan mo ako. hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo.. nasaktan lang ako talaga and Nagulat syempre."

"sorry ulit.."

"okay na yun, wag na nating pag usapan. ang mahalaga, Buhay ka! gago ka kasi inom ka nang inom."

"naisip ko kasi na ako nalang naman mag isa sa Buhay and ayaw mo na rin akong palapitin aa inyo. that's why.."

"hay nako! pag nakalabas na tayo dito sa hospital, sa bahay mo na muna ako. hindi kita iiwanan.."

"kahit ganito na ako?"

"hon i the-therapy ka naman e.. makakalakad ka pa. tsaka ayaw mo non, pag iihi ka i'll hold your pototoy."

"mahal!"

"baka umihi ka nang umuhi ha.. kidding askde honey, don't worry makakalakad ka ulit soon. kahit araw araw tayong mag pa therapy session.."

"pano yung bakeshop mo?"

"ally is there naman e.. ikaw ha, wag mo ngang isipin na magiging pabigat ka sakin and alagain! ano mo ba ako? siguro hindi misis tingin mo sakin.."

"maging totoo na tayo hon, magiging pabigat talaga ako sayo and alagain."

"and so? hon mas gusto kong alagaan ka kahit hanggang kailan. you know, su lorenzo ganyan din ang sabi sakin before.. iwan ko na raw sya wala na akong mapapala sa kanya kasi para na talaga syang lantang gulay non and nasasaktan ako.. ano ba ang Tingin nyo sakin, may habol sa inyo?"

"hon hindi.."

"e ano pala? tumigil ka na ha.."

hinayaan ko nalang si sandra at baka magalit pa 'to.. hindi ko alam kung matutuwa ako o mag aalala dahil sa Nangyari sakin e. miss na miss ko si sandra and france at nagpapasalamat talaga ako kasi makakasama ko ulit sila.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now