chapter 9

266 23 6
                                    

- hindi ako makatulog kaya tinawagan ko si marco but he's not answering!! nakakailang texts na rin ako walang reply. no choice, si jake na ang tinawagan ko.

"chef! Napatawag ka po?"

"hi Jake.. itatanong ko lang sana kung kasama mo si rome? hindi Kasi sinasagot mga tawag ko e."

"hindi po chef e.."

"jake yung totoo. im worried."

"oh pre ikaw nang bahala.." napanatag na ang loob ko kasi magkasama nga sila. "Sandra?" - its rome.

"bakit naman hindi ka nag re-reply rome? kanina pa ako nag aalala sayo e. ayaw mo pang ipasabi sakin kung nasaan ka! asan kayo?"

"andito lang sa bahay.."

"drinking? may pasok ka pa bukas ha.. tsaka sama ka sa amin ni france mag shopping."

"Yah hindi ko naman nakakalimutan."

"sleep ka na after nyan.. call me later pag patulog ka na."

"hmm, sige."

"okay bye rome.. wag mag papakalasing."

around 11 ata, tumawag na si rome.. buti naman at matutulog na sya.

"sandra.."

"oh? sleep na ikaw?"

"kelan mo ako kayang mahalin? kelan mo kayang magmahal ulit?"

"rome, lasing ka lang. You better sleep."

"ilang beses kong sinubukan na iwasan ka.. k-kaso mahal na kita e. alam mo yun, ikaw yung lagi kong gustong kasama kahit saan.. kayo ni france. kaso mahal mo pa rin sya e. dun palang talo na ako. ilang beses na rin naman akong magmahal Sandra pero hindi ganto."

"rome ayokong kausapin kang lasing.."

"hindi ako lasing.. gusto ko lang malaman kung kaya mo ba akong mahalin kahit paunti unti o hindi.."

"hindi ko masasagot yan ngayon rome pasensya ka na. wala pang isang taon na namamatay ang asawa ko at ayokong palitan sya agad agad. hindi pa ako ready. sana naiintindihan mo."

"oo.. oo naman. salamat sandra, mahal na mahal kita. goodnight. kiss me to France."

"salamat rome.. matulog ka na ha? Goodnight. bye."


— tanghali na akong nagising pero may food na agad sa tabi ko. nagulat nga ako pero hindi na ako nagulat na kay rome galing to. baka pinadeliver nalang.. pero napatakip ako ng kumot sa katawan ko nang lumabas sya sa cr. naka night dress naman ako pero ang halay pa rin kulang na kulang sa tela.

"Gising ka na pala.. goodmorning."

"goodmorning.." lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa ulo. "san si france?"

"hinatid ko na.. may pasok pala sila e. mamaya nalang tayo mag shopping pag sundo sa kanya." umupo sya sa kama. "kain ka na oh ako nagluto nyan."

"just a minute! cr lang ako sandali." tumayo si rome at kinuha yung robe ko. "Salamat rome.."

"dalian mo lang lalamig na itong hot chocolate mo.."

hindi na nga ako nagtagal sa cr lumabas na rin ako agad after tapos kumain na. infairness, ang sarap nga magluto ni rome.

"sarap naman nito.. mauubos ko na."

"naisip ko lang kasi lagi ka nalang oatmeal sa breakfast or cereals.. kaya ayan heavy breakfasts muna. masarap yung daing no?"

"yes!! and itong suka perfect talaga sya sa fried rice. san mo nabili to? dalhan mo pa ako ng suka.."

"favorite mo ba yan?"

"yah.. lalo na itong dried fish then sawsaw sa suka. Hindi nga ako makapag luto before kasi medyo may amoy ayaw ni lorenzo."

"dadalhan nalang kita nyan.. suka rin?"

"oo sana kung bibigyan mo ako." ngumiti ako at napangiti rin si rome. "thank you rome.. wag ka sanang magalit sakin."

"bakit naman ako magagalit sayo? ang ganda ganda mo pano kitang kagagalitan?"

"che! nambola ka na naman. about last night.. sorry hindi ko pa talaga kaya rome."

"ayos lang yun.. mag aantay ako."

"pano kung hindi ko na kayang magmahal ulit?" Nagkatinginan kaming dalawa.

"mamahalin pa rin kita.. hindi kita susukuan." hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan kaya napayakap nalang ako sa kanya. "dito lang ako palagi, hindi ko kayo iiwan."

- Pagtapos kong kumain, bumaba na rin kami ni rome sa kusina.

"anong gusto mong lunch?" - tanong ko sa kanya. "may sabaw or wala?"

"hmm, parang gusto ko nga ng sinigang e na bangus."

"I know how to cook that!! osige ayan na ang lunch natin today.."

"ikaw magluluto?"

"oo para mas madami kang makain.. naks!" napapangiti si rome kaya pinalo ko sya sa braso. "wala kang gagawin?"

"meron, i admire ka."

"Wow grabe naman.. ihh sira yung shower ko e. gawin mo later."

"Ngayon na.. diba Maliligo ka na after natin mag lunch?"

"maya maya na dito na munw tayo.. ay may cake dito rome oh kainin mo na then may cookies din."

"kaya gusto ko talagang andito e.. busog na busog ako e."

"bubusugin talaga kita kasi pag sha-shopping mo kami mamaya." Biro ko sa kanya.

"oo naman mommy! kahit ano.."

"sira, biro lang! oh kainin mo na to.. yung baby mo kasi ang hilig din dyan."

"super sarap kasi.."

"naks.. galing talaga mambola. dyan mo ba napapasagot ang mga girls?"

"oo pero ikaw parang hindi." I laughed and hug him.

"sobra ka naman sakin. patience tito rome, patience.."

"that's what im doing.. halika na ayusin ko na yung shower mo tapos sa kwarto mo na natin ito kainin."

"okay po boss.."

"well, you're the real boss, love." Niyakap nya ako at Hinalikan sa ulo. "lika na.."

- umakyat na kami sa kwarto at Dumiretso sa shower room.

"see tignan mo hindi sya nag fa-function ng maayos. pano ako makaka shower ng maayos nyan?"

"aayusin na nga po don't worry! makaka-shower ka nang maayos mamaya."

"hay salamat naman.. Hindi na rin ako maghahanap ng gagawa nyan. you know before kasi Yung asawa ko alam mo naman matalino sya sa business pero sa pagkukumpuni, hindi."

"edi tumatawag ka pa ng iba?"

"yah but now Hindi na. may nahanap na ako e. pogi pa!"

"ayan ayos na.." wow ang galing! ang bilis. mukang nagpapakitang gilas talaga to sakin. "ligo ka na?"

"wow ang bilis naman!! thank you rome!" I hugged him. "Yah maliligo na ako.."

"osige.. sa kitchen na muna ako. handa ko na yung lulutuin mo."

"okay tito rome. thank you!"






- Pagtapos kong maligo ay nag ayos na muna ako syempre. then bumaba na rin ako sa kusina. i saw him, nakatulala ano kayang iniisip neto?

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now