Chapter 1

408 23 2
                                    

bago ako pumunta sa bake shop ay hinatid ko na muna si france sa school.. grade 1 na sya and tuwang tuwa ako kasi napaka talino. pag sinusundo ko sya ng tita nya at dini-diretso sa bake shop, punong puno palagi ang kamay ng stars. sayang nga wala na ang daddy nya. nilu-look forward pa naman talaga namin na maghatid at sundo sa princess namin kaso lang kinuha na agad sya sa aming mag ina. nag a-adjust pa rin ako sa buhay without my husband. ang sakit pa ring isipin na sa isang iglap, nawala ang mahal ko. hindi na sya naka recover sa sakit nya. hindi pa rin ako nakaka move on sa kanya and wala akong balak palitan sya in the first place. wala na ata akong makikitang katulad ng mister ko. kaya focus nalang kay bagets at sa business ko. ayoko kasing magalaw yung naiwan ni lorenzo na ari-arian at mga pera kasi para sa future ni france yun..

"Ate! Antagal mo andami nang costumer." — Singhal sakin ni ally na akala mo sya ang mas matanda kaysa sakin.

"aba pasensya naman no! naghatid pa ako ng pamangkin mo sa school." Agad ko nang nilapag ang mga gamit na dala ko at nagsuot na ng apron. Syempre kahit may mga crew dito ay tumutulong-tulong din ako sa pag se-serve. then mamaya bake na ulit.

"pupunta ba tayo kay kuya mamaya?" — tinignan ko si ally at tumango ako.

"oo.. malapit nang mag death anniversary si lorenzo.."

"pwede ka nang maghanap ng iba!" tinignan ko ng masama si ally. "joke lang to naman! pero why not diba??"

"hindi na ako makakahanap ng katulad ni lorenzo. gusto ko siya lang. wala nang iba."

"ay wag magsasalita ng tapos te! sa ganda mong yan at sexy hindi imposibleng walang ma in love sayo." daming dinadaldal!

"Alam mo dun ka na nga mag trabaho ka na andaming costumer o."


habang hindi pa ako pumupunta sa Kusina at hindi pa busy ay kinakausap ko na muna yung mga customer namin.. ang hindi ko lang nalapitan ay yung isang lalaki na napaka seryoso habang naka tutok sa laptop nya. kanina ko pa sys napapansin pero mukang busy sya kaya Hindi ko na kinausap.

"ally!" lumapit ako kay ally na nasa may counter. "sino yan? Madalas ba sya dito?"

"ay oo te. dyan sya lagi naka puwesto.. Bakit?"

"Wala naman.. hindi ko na kinausap mukang busy e."

"aalis na rin yan maya maya te.. tapos babalik na naman bukas. parang ang pangalan nya Rome e. napag servan ko na yan."

"ahhh.. buti naman dito nya napiling mag tambay sa shop natin."

"bakit, interesado ka sa kanya??"

"naku, hindi no! never na akong magiging interesado sa mga boys. napansin ko lang kasi nag iisa sya."

"try mo kausapin.. baka hindi naman sya busy. Sige na te malay mo mas madalas na sya dito pag may nakakausap na. mga mahal pa naman ino-order nya.."

"bahala sya.. sige na sa kitchen na ako." — pero bago pa ako lumakad ay hinawakan ni ally ang kamay ko at nakita ko nalang yung guy na nasa harap namin kaya nag smile nalang ako. "ah hello sir. goodmorning."

"goodmorning. one croissant and uhm one brewed coffee." mukang masungit. Tama ang desisyon ko na hindi sya intertainin kanina.

"tall or grande sir?" tanong ko sa kanya.

"tall lang and for take out. salamat miss." —

"okay sir. one order of croissant and one tall brewed coffee for sir??" — nagkatinginan kami.. "sir?"

"ah im sorry.. Rome." Oh his name is Rome nga. tama ang chismis ng kapatid ko.

"okay sir Marco. a moment please."

pagtapos kong mabigay yung order nya ay umalis na din sya.. infairness naman hindi naman sya ganun kasungit jinudge ko agad sorry naman. pero wala naman akong pake sa kanya anyway.

"te anong thoughts mo sa kanya?"

"gusto mo talagang malaman??"

"Oo naman!!" Chismosa talaga to.

"WALA!" lumakad na ako papasok sa kusina at nagpaka busy na sa pag be-bake at pag gawa ng cake.









ROME ~

Tumambay muna ako sa bake shop around makati bago ako pumunta dito sa shop ko. nadadaanan ko na yun dati e pero lately ko lang na try and masarap nga. palangiti pa yung mga crew pero kanina napansin ko na nag iikot yung babae na nag serve sa akin. kinakausap nya yung mga customer pero ako hindi nya nilapitan. but its fine baka hindi lang sya comfortable makipag usap sa lalaki na tulad ko. baka may boyfriend sya or asawa. nakakabusog yung inorder ko kanina so panigurado may energy ako hanggang bago mag lunch.

"Oh brad andito ka na pala.. san ka galing?" — salubong ni jake sakin.

"dyan lang sa bake shop nag breakfast. oh gusto mo, croissant.."

"Masarap yan kaya hindi ko tatanggihan.. san mo to nabili?"

"Francesca's sweet treats.. around makati. oh sayo na to. masarap!"

"kamusta na si chef sandra?" — who's that?

"sino yun brad? hindi ko kilala.."

"Yung may ari nung bake shop. yung asawa nun naging kliyente ko. kaso wala na e.."

"Panong Wala na??"

"wala, Patay na.. kawawa nga yun e may anak pa sila!"

"chismoso ka talaga!"

"totoo naman yung chini-chismis ko.."

"bakit namatay yung asawa nya?"

"sinong chismoso sa ating dalawa ngayon?"

"i kwento mo na! nakaka curious."

"Namatay sa sakit si sir lorenzo yung asawa ni chef sandra tapos ayun kawawa nga kasi may anak pa sila hindi ko lang alam kung ilang taon na basta France yung pangalan.."

"Ohh kawawa nga lalo na yung bata. pero mukang okay na naman si chef Sandra kanina she's always smiling."

"akala mo lang yun.. ilang buwan din kayang nawala yun sa bake shop Niya.. buti nga bumalik pa."





kahit naman pala palangiti si sandra may tinatago pa rin sya emotionally and mentally. kawaws naman pala sila ng anak niya. poor kid, maagang nawalan ng ama. pero nakaka bilib sya. she's so strong!

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now