chapter 37

284 20 5
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.. ayaw na talaga ni sandra sakin at ni france. sila lang ang pamilya ko, mawawala pa. nahihiya na rin ako kay sandra kaya hindi na muna ako magpapakita.. bahala na kung saan ako mapadpad ngayon. lulunurin ko nalang ang sarili ko sa alak.. katulad nang dati, mag isa nalang ulit ako sa buhay ngayon at nakakawalang gana nang mabuhay..


"mahal na mahal kita sandra.. mahal na mahal ko kayo ni france. im so sorry babies.. sorry im so sorry. ibibigay ko ang gusto mo hon and alam kong makakatulong sayo. wag kang mag alala Hindi mo na ako makikita kahit kelan.. hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon pero promise hindi mo na ako makikita at hindi na rin ako magpapakita sayo kasi ayaw kitang masaktan.. mahal na mahal kita hon."

- hindi nag reply sakin si sandra pero at least mapapanatag na yung loob nya.. ayaw ko silang layuan pero parang kailangan na.

"huy te! tulala ka dyan.. anyare?" after ko kasing mabasa yung text ni rome sakin natulala na pala ako.

"hmm wala.. may naisip lang ako. lagay mo na yang mga meat sa ref.."

"oo te ito na nga o.."

"ally kung isasama ba tayo ni mama sa ibang bansa, sasama ba tayo?"

"ako te nakadepende lang ako sa desisyon mo.. sasama ba tayo?"

"I want to.. vacation na rin naman si france sa school."

"pano si kuya rome? iiwan mo na talaga?"

"oo? oo siguro. yes.."

"Hindi sure a.."

"im sure ally. tsaka kailangan din natin ng vacation.. bawasan naman natin yung pera na iniwan ng kuya lorenzo mo."

"ay kabog ka te! grabe.. ikaw na!"

"de, biro lang.. but really, kailangan natin ng bakasyon kaya sama na siguro tayo kay mama."

"tama.. wala nang atrasan ha?"

"yah.."


First death anniversary of my husband.. everything feels heavy when i woke up pero kailangan pa ring bumangon. isang taon na rin palang wala si lorenzo. ang bilis bilis naman ng panahon.. parang kahapon lang kasama pa namin sya. but at least hindi na sya nahihirapan sa sakit nya.. nakita ko lahat ng paghihirap nya simula nung nagkasakit sya at parang ako na rin ang nahihirapan para sa asawa ko.. mabait na asawa si lorenzo at hindi ko kayang makita na nahihirapan lang sya.

"Goodmorning mommy.."

"goodmorning baby.. did you say goodmorning to dad na?"

"yes.. i miss him na mommy. it's been one year."

"yah but always remember love na love tayo ni daddy.. ready ka na ba? sasama na tayo kay lola.."

"for good?"

"hmm pag madali tayong naka adjust sa states then yes.. pero pag hindi natin kaya don then for vacation lang."

"iiwan po natin si titodad?"

"yes.."

"mommy pwede po bago tayo mag leave Puntahan natin si titodad to say bye?"

"anak please.."

"edi sa phone nalang po mommy.."

"fine pero hindi Ngayon. bago tayo umalis.."

"yehey.. thank you mommy. kahapo po gusto ko i hug and kiss si titodad kaya lang sabi mo wag na ako like before.. hindi mo na ba sya love mommy?"

"Love.. but like i said my little girl, Hindi mo pa Maiintindihan."

pero sa totoo lang, nakakapanibago talaga na hindi Namin kasama si rome.. kahit text or missed wala ngayon e. pero ayos na rin yun. at least wala na rin kaming pag uusap.. mas madali kaming makaka move on..



__________

"pre lasing ka pa e.. Tama na muna yan! Ang aga aga o." — Pinuntahan na ni jake si rome dahil nga hindi ito sumasagot sa mga tawag nya at alam na nya ang ginagawa nito.

"ayos lang ako." — kalat na rin ang bote ng mga pinag inuman nya sa kwarto nila ni sandra at nasa kama pa ang mga larawan nila.

"gusto mo ba makita ka ni sandra na ganyan??"

"hindi na kami magkikita kahit kelan.. okay lang pre." Napakamot si jake sa ulo.

"tatawagan ko na si Sandra pag di ka tumigil!"

"gago wag.. busy yun death anniversary ng asawa nya. yung asawa nya na kahit kailan hindi sya niloko." kinuha ni rome yung picture frame na nasa kama. "e ako niloko ko sya.."

"mas hindi matutuwa sayo SI Sandra pag nakita kang ganyan! tama na yan!"

"kanina mo pa ako inaawat! eto oh uminom ka nalang din samahan mo ako.. alam mo namang mahal na mahal ko si samdra diba.."

"oo.. kaya nga tumigil ka na dyan at kausapin mo nalang ulit si sandra."

"hindi na nga ako kakausapin non tsaka sinsbi ko sa kanya last na yung kahapon. pinapalayo na nya ako sa kanila.."

"pre galit lang yon si sandra ngayon pero mahal ka non!"

"tama na nga raw e.. oh inom na tayo." —





Andito na kami sa cemetery.. mag te-ten palang ang tinapos ko agad yung mga foods namin para maaga kaming makapunta Dito kay lorenzo..

"babe.. i miss you and s-sorry hindi ko na protektahan si france and yung heart ko.. but don't worry sasama kami kay mama sa ibang bansa.. aalagaan ko ang anak natin babe. and hindi na ako basta basta magtitiwala." —

"isasama ko na itong mag ina mo sa ibang bansa lorenzo.. for vacation or for good sila ang bahala basta isasama ko na muna." - sabi pa ni mama.

"mama kasama rin ako.." napatawa ako sa sinabi ni ally kaya nakurot ko tuloy sa braso napaka talaga!

"ah oo nga pala pati itong isa kong magandang anak kasama.." —

"yan ma.. thank you po." —

"daddy sana i guide mo si mommy then sana i hug mo sya pag nag cry sya.. diba dad ayaw natin makita na mag cry si mom.. i love you daddy."

"honey.." Niyakap ko si france at Hinalikan sa pisnge. "Love ka namin ni dad.. you know that right?"

"yes mommy.. si titodad love rin tayo?"

"anak naman.." -

"apo, can you please stop mentioning that guy? sinaktan nya ang mommy mo and sya ang dahilan kung bakit sya umiiyak."

"is that true mom??" - Hindi ko na sinagot si france at niyakap ko nalang...




- Mag aalasais na rin pero pauwi palang kami sa bahay.. spending the whole day with lorenzo is the best. Kahit kami lang ang daldal nang daldal dun ay alam kong naririnig nya yung mga sinasabi namin.. kailangan ko na talagang tanggapin na wala na talaga sya at kailangan ko pang mas maging matapang para sa anak ko.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now