chapter 28

222 22 3
                                    

pag gising ko, nakayakap sa akin si sandra at wala kaming saplot pareho. tanging kumot lang ang nakabalot sa aming dalawa.

niyakap ko sya at Hinalikan sa noo. "Hon gising na.."

"hmm maaga pa.."

"mahal 6:30 na.." — nalasing din kasi 'to kagabi. naka tatlong bote pa kami. "Hon.."

"edi bumangon ka na. bahala ka dyan!" Tinanggal nya yung yakap nya sakin at tinalikuran ako. ang sungit!!

"mahal naman e.." niyakap ko ulit sya at Hinalikan sa braso. "Naked pa tayo oh tapos aawayin mo na ako agad. bihisan na kita hon?"

"wag mo nga muna akong kausapin."

"mahal anong problema? ikaw talaga.. ang saya saya natin kagabi e."

"please? magbihis ka na and I want to be alone."

"honey no."

"ano ba?! hindi ka ba makaintindi? gising gising ka pa!"

"hon.."

"dun ka na!" — masungit talaga sya hindi ko malabanan kaya sinunod ko nalang.

wala na pala si ally and france nakapasok na. pero may breakfast na dito sa lamesa and nag note si ally na nauna na nga raw sila. Buti hindi ako tinatawagan ni greta ngayon at huwag muna siyang makisabay. mainit ang ulo ng misis ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin. "mahal mag b-breakfast ka na ba?" — naabutan ko na nagbibihis na sya pero nakasimangot pa rin.

"at bakit ako lang? hindi mo ako sasabayam??" ang sungit talaga!

"uhm s-sabay mahal syempre.. Ikaw naman ang sungit sungit mo. bakit ba?" Nilapitan ko sya at niyakap. "honey.."

"huwag ka ngang magulo!"

"mahal.. meron ka ba?"

"edi sana kung meron ako hindi tayo nag sex kagabi."

"e bakit ba ang sungit mo? wala naman akong ginagawa sayo e.. paalis ka nang paalis sakin."

"ewan ko! okay?? basta naiirita ako sayo. dun ka na nga! pumasok ka na. iwan mo ako dito."

"Sabi mo yan a.. papasok na talaga ako."

"pake ko?" —

"osige.. yung breakfast mo nasa baba na. Si France and ally pumasok na rin.. So dahil pinapapasok mo na ako at ang sungit mo sakin, aalis na rin ako. Aalis na ako hon?"

"bahala ka nga dyan!" — nahiga ulit sya at binalot ang sarili sa kumot.


hanggang sa matapos akong maligo andun pa rin sya.. nacu-cutan ako sa kanya kahit ang sungit sungit!! Di man lang ako pinaghanda ng susuotin.

"hon alis na ako.. mahal!"

"bye."

"walang kiss??"

"sa tingin mo meron??"

"wala nga sabi ko e.. i love you!" niyakap ko sya. "sungit mo hon. naiiyak na ako."

"sige na leave na."






I DON'T KNOW WHAT TO DO!!! ang sungit ko Kay rome kanina. baka nagalit na rin sya sakin or nagtampo. baka hiwalayan nya ako oh my god. basta naiirita lang ako sa kanya kanina at ewan ko kung bakit! shocks..

Miss ko na si rome

miss ko na kisses and hugs nya

nagsisisi na ako!




Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now