chapter 10

297 21 4
                                    

"Huy tulala ka dyan!" tsaka lang ata sya natauhan. "anong meron?"

"wala.. may iniisip lang ako."

"ano or sino?"

"ikaw.."

"ako? anong meron sakin?"

"paano kaya kung di tayo nagkakilala no? siguro napaka boring pa rin ng buhay ko."

"hindi naman boring ang Buhay mo e. busy ka lang sa trabaho. anyway, yan din ang iniisip ko paano kung hindi tayo nagkakilala nga paano na si france? kaya thankful talaga kaming mag ina sayo."

"hindi ka nakukulitan sakin?"

"no!! hanga nga ako sayo kahit sinabi kong parang hindi ko pa kayang magmahal ulit andito ka pa rin for France and for me. di mo kami iniwan."

"hinding hindi ko kayo iiwan.." niyakap nya ako nang mahigpit. "kahit ayaw mo sakin.."

"i didn't say that. di mo kayang mag antay?"

"kaya. basta ikaw."

"Oh ayun naman pala e. luto na tayo.. damihan mo kain mamaya ha?"

"yes boss.."

juskolord. Habang nagluluto ako nakayakap mula sa likuran ko itong si rome pero hinahayaan ko nalang kasi aware naman sya kung hanggang lang sya pwedeng humawak. magka intertwined yung hand Nya sa ibabaw ng tummy ko.

"wow ang bango.."

"nung niluluto ko ba or ako?" hinalikan nya ako sa ulo.

"both. parehong masarap."

"hoy gago ka.." natawa ako at hinampas sya sa braso.

"biro lang.. pero ang bango mo nga tsaka nyang niluluto mo."

"hmm taste it. kung tama lang yung asim for you." humarap ako kay rome  at hinipan muna ang konting sabaw sa sandok. "careful mainit pa.." he taste it.

"oh wow ang sarap!! grabe hindi pa ba maluluto yan? Im excited."

"hindi pa no! ilalagay ko pa itong ibang veggie.. mag antay ka dyan."

"parang hahanap-hanapin ko na yang luto mo.."

"okay lang.. paglulutuan kita palagi. aba kinikilig!" nag focus na ulit ako sa niluluto ko. "andami nito.. titirhan ko si ally and France."

"go ahead mommy.. nga pala, kasama ba si ally mamaya?"

"sasama yun. muka ring shopping yun e.. si jake ba kasama sa amanpulo?"

"hindi e.. sayang nga conflict sa schedule."

"sayang naman.."

"oo nga e.. pero bago tayo pumunta sa amanpulo may night out kami. sama ka ba?"

"e baka puro boys kayo dun.."

"no, kasama rin nila yung mga girlfriend nila at asawa so no worries."

"Oh okay.. osige i'll join! kaso hindi ako umiinom ng marami konti konti lang."

"yes and hindi rin maman kita papayagan uminom ng marami. pwera nalang kung tayo tayo lang."

"hmm okay! mababa lang rin naman alcohol tolerance ko kaya bantayan mo ako."












Andito na kami sa mall ni rome with france and ally..

"tito rome can you carry me po?"

"anak! mabigat ka po.." sabi ko kay France.

"its fine sandra.. come on baby!" kinarga na ni rome si france. "gusto mo ng ice cream?"

"yes po tito.. i want that one po oh.." Pumunta na sila sa ice cream station. silang dalawa lang nagpa iwan na kami ni ally.

"tuwang tuwa na naman ang anak mo.." ally.

"kaya nga.. super saya nya."

"swerte mo kay kuya rome. kahit ganun na yung sinabi mo hindi ka pa rin sinusukuan."

"Akala ko nga after that hindi na sya magpapakita sa atin.."

"akala ko rin! sinong magtitiis sayo? jusko te. oo maganda ka at sexy pero kung may Mahal ka pang iba, naku wala!! kaya wag mo nang pakawalan yan si kuya rome.."

"magka vibes sila ni france no?'

"parang mag daddy talaga.. Na-miss ko tuloy si lorenzo."

"bahala ka dyan.." Inirapan ako ni ally kaya inirapan ko rin sya.





----------

"oh careful baka tumalo sa shirt mo yung ice cream. lagot tayo kay mommy nyan." Narinig kong sabi ni rome kay france.

"tissue oh.. ang kalat nyo kumain!!" pinunasan ko ang labi ni france. "ikaw rin my god." Pinunasan ko na rin yung bibig Ni rome. "Pati pisnge kumakain!"

"dalian nyo maglandian.. este kumain, mag shopping na tayo!" - ally.

"mauna ka na. Excited ka e!" -

"ayoko nga!! ikaw magbabayad e.." - ally.

"oh manahimik ka dyan.."

"kuya inaaway ako oh!!" - aba nagsumbong pa.

"sige na treat ko na kayo wag na kayong mag away dyan.." - rome.

"sira ka no na! thank you but kami na 'to!" Nginitian ko si rome at pinunasan ko ulit yung bibig nya.

-------------------

"bagay kaya sakin 'to?" Pinakita ko kay rome ang floral dress.

"hmm yah.. bagay sa beach yan. sukat mo na.."

"sige.. dito ka lang?"

"ateeeee!! naku bagay 'to sayo!!" napakaingay ng kapatid ko jusko. ang hawak pa ay two piece na black. "diba kuya bagay to kay ate??"

"ally tigilan mo nga ako. never mo akong mapagsusuot ng ganyang underwear." Di ko type ang t-back. "nakakahiya ally ibaba mo nga yan!!"

"ang arte! kuya bilhin mo 'to for her.."

"naku rome wag mong subukan! sige na susukat ko na muna itong mga dress."












— Pasado ala syete na ata kami nakauwi. pero kumpleto na yung mga dadalhin namin sa amanpulo. excited na nga ako e walang pag lagyan!

"tulog na yung baby mo?" - pumasok si rome dito sa kwarto ko at kinuha yung bag nya.

"bagsak na.. uwi na ako ha?" Lumapit sya sakin at Hinalikan ako sa ulo. "ingat kayo dito tawagan mo ako agad pag may kailangan ka.."

"uwi ka na? kailan ka babalik? agahan mo a.."

"opo! bukas babalik ako hahatid ko kayo ni france diba?"

"agahan mo ulit para sabay tayong mag breakfast.. thank you for today rome." Niyakap ko sya. "mag iingat ka.. text mo ako kung nakauwi ka na."

"okay. bye mommy." Hinalikan nya ulit ako sa ulo bago sya lumabas ng kwarto ko. ilang minuto lang din nag text na sya na nakauwi na so matutulog na ako ng mahimbing.








______

goodnight people! thank you sa pagbabasa. 🤍

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now