chapter 34

204 21 8
                                    

Andito ako sa dining at narinig ko na ang busina ni rome Kaya dali dali akong lumabas ng bahay.. pagbaba nya sa kotse ay niyakap agad namin Ang isat isa. hello, ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkasama.

"Hon I missed you!! you're so pogi naman mahal.." he kissed me on my lips.

"grabe naman.. maniniwala na ako!"

"you should hon!"

"this is for you.." inabot nya sa akin ang magandang bouquet. And may tatlo pa syang bouquet i assumed that is for mama, ally and France. how sweet! then may shopping bags pa na hawak. nag shopping pa ata to bago pumunta dito e.

"oh love thank you.. ang ganda naman nito. I love you!"

"I love you.. and here sayo rin yan mahal. sa magustuhan mo." shopping bag naman ang iniabot nya sa akin. galante talaga itong jowaers ko e.

"Hala honey salamat naman! andami monh surprises nakakainis.. thank you!"

"you're welcome honey.."

"halika na sa loob? kaso nasa Kwarto pa nya si mama e pero pababa na rin yun and ready na lahat sa dining.."

pumasok na kami sa bahay and syempre ano pa nga ba.. dahil excited na excited itong bulinggit namin na makasama ulit ang titodad nya, yumakap agad at nagpa karga..

"i missed you baby.. as promised, may gift ako sayo and yang flower na purple, that's for you.."

"wow titodad thank you!!" hinalikan pa si rome sa pisnge.

"and syempre for tita.. yang paper bag na white sayo yan." - ay bongga talaga!

"ay shala naman.. thank you kuya rome!"

"this is for mama?" i asked him.

"yes hon.. sana magustuhan nya."

Hinaplos ko ang braso nya. "ofcourse magugustuhan nya yan hon.."

"salamat mahal.. takam na takam na ako sa mga niluto mo hon. miss na miss ko rin yang luto mo e."

"kain ka ng marami okay? kalimutan muna ang diet and honey pag tinanong ka ni mama, sagutin mo lang and wag kang kabahan.."

"te ikaw ata kinakabahan dyan! naku kuya kanina pa yan.."

"nine-nerbyos ako mahal.. but i know magugustuhan ka rin ni mama. malaki ang tiwala ko sayo."



naririnig ko na yung footsteps ni mama na bumababa mula sa hagdan kaya hinawakan ko na sa kamay si rome.




MARICEL'S

- ANDITO NA PALA SI ROME.. I'M KINDA EXCITED TO MEET HIM AND GUSTO KONG PERSONAL SYANG MAKILALA. HINDI NA RIN IBA SAKIN SI SANDRA AND ALAM KO ANG TINGIN NA NYA SA AKIN AY AKO TALAGA ANG MAMA NILA NI ALLY AT HINDI KO HAHAYAAN  NA MAPUNTA SYA SA LALAKING HINDI KO MAN LANG NAKILALA.. ABA DATI ANG ANAK KO NEVER SINAKTAN NYAN SI SANDRA HA! MINAHAL LANG NYA ANG ASAWA NYA.. KAYA AYUN DIN DAPAT ANG GAWIN NITONG SI ROME.



ayaw ko rin namang sumama ang loob ni sandra sa akin kaya pagpasok ko dito sa dining is naka smile ako and i saw Sandra and rome??? SYA SI ROME??? NO!!!

"mama! finally po.. rome this is my mama Maricel and ma, this is rome.." anlaki laki ng ngiti ni mama pagpasok pero nung nakita ata si rome parang nag iba ang timpla..

"ikaw si rome??" — paangil na tanong ni mama at tinuro pa si rome.

"m-ma.." — sabi ko at tumingin kay rome. First time palang nilang mag meet and ewan ko kung bakit ganito ang reaksyon ni mama.

"lumayo-layo ka nga kay sandra at bitiwan mo yang apo ko!!"

"ma ano po ba ang nangyayari?? hon??"

"love let me explain please.." — sabi ni rome at humawak sa kamay ko. naguguluhan talaga ako..

"ma ano po ba ito?? ang akala ko po okay sa inyo na pumunta dito si rome then gaganyanin nyo!" Singhal ko kay mama.

"mam please ako na po ang magsasabi kay sandra.." - rome.

"No! yang lalaking Yan, yung girlfriend nya yung nakatapon ng drink sa damit ko! hindi ako nagkakamali! Sandra niloloko ka lang nyan!!"

"w-what?" — napatingin ulit ako kay rome..

"hon hayaan mo muna akong mag explain please.. please.." - rome.

"explain for what?? Nakita ng dalawa kong mata rome, may kasama kang ibang babae! and Sandra i told you the reason kung bakit ako nabangga nung malanding babae na yun! kung makalingkis sya dito kay rome!" —

"Ally umakyat na muna kayo ni france sa kwarto please.." Agad namang kinarga ni ally si France at lumabas dito sa dining..

"kung ipaglaban ka ni sandra sa akin, e niloloko mo lang pala sya! sandra paalisin mo na yan dito sa BAHAY NI LORENZO sa bahay ng ASAWA MO."

"ma s-sige na po samahan nyo na si France sa kwarto.. thank you ma." — pag alis ni mama ay agad akong humarap kay lorenzo. "niloko mo ako?"

"hon h-hindi.. hindi please makinig ka muna.." lumuhod sya sa harap ko at wala na akong ibang magawa kundi umiyak.

"b-but Nakita ka ni mama.. rome niloko mo ako.. a-ang Sabi mo ako lang ang mahal mo. hindi mo ako lolokohin sabi mo.."

"hon Ikaw lang ang mahal ko.. ikaw lang wala nang iba! please makinig ka muna sakin.. s-si greta, si grace yung naging customer mo sa bakeshop.."

"her name is greta? s-sya yung kasama mo nung mga araw na iniwan mo kami ji france??"

"mahal kasi kailangan nya ako.. kailangan nya ng tulong ko." Sinampal ko sya nang malakas.

"iniwan mo kami ng anak ko para lang sa kanya? ang kapal Ng muka mo!"

"hon natakot lang ako na mawala ka sakin kaya hindi ko sinabi sayo na tinutulungan ko sya.. mahal please.. huwag mo akong iwan.. Hindi ko kaya hon. im so sorry im sorry naglihim ako sayo." niyakap nya ako habang nakalubod pa rin sya. wala akong ibang Nararamdaman ngayon kundi galit at sakit.

"rome please umalis ka nalang.."

"hon nung time na sinabi ko kay greta na hindi ko na sya matutulungan dahil mas kailangan nyo ako ni france, tinakot nya ako na sasabihin nya na may relasyon kami kahit wala naman! and alam kong maniniwala ka sa kanya kapag ginawa nya yun at ayokong mawala ka sakin.. mahal please.. please hon."

"UMALIS KA NA! ALIS NA!!" Hinampas ko sa kanya yung bigay nyang bouquet sa akin. "ALIS NA ROME ANO BA!! ANG GAGO MO BINIGAY KO ANG LAHAT SAYO! LETSE KA UMALIS KA DITO SA BAHAY KO."

"mahal please.."

"wag mo nang antayin na ipakaladkad kita sa guards.. tumayo ka na!" tumayo na sya at yumakap ulit sa akin.

"mahal na mahal kita, hon.."

"alam mong mahal kita rome. pero ginago mo pa rin ako.. and oh, bago ka umalis sa bahay ko at sa Buhay namin.. wala nang tayo rome. wag na wag ka nang lalapit sa aming mag ina! go leave!!" sigaw ko.





pumasok nalang ako sa kwarto at umiyak nang umiyak.. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi umiyak. mahal na mahal ko si rome and ang inaakala ko ay mahal nya rin ako.. niloko ako ni rome na never ginawa sakin ni lorenzo noon.. first time 'tong mangyari sa akin at hindi o alam ang gagawin. iiyak nalang ako nang iiyak hanggang sa mawala na yung sakit.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now