chapter 36

256 18 4
                                    

magkausap kami ni mama dito sa garden.. wala si France dito at ayokong ma-involve sya..

"ma sorry.. Ikaw pa po nakakita."

"ayos lang yun.. at least nalaman natin na niloloko ka lang pala nung rome na yun. s-so what's your plan?"

"just like before ma.. i'll just focus on my business and kay France. hindi na po kami guguluhin ni rome.. Nag usap na po kami kanina."

"sumama nalang kayo sa akin sa ibang bansa pagtapos ng death anniversary ni lorenzo.."

"ma?"

"if you want.. pag isipan mo muna. ilang araw pa naman yun.. makakatulong yun sayo and para kay France na rin. mag vacation muna kayo dun."

"ma nag aaral po si france.."

"hindi ba bakasyon na nila next week? ilang months rin sila walang pasok?"

"2 months po.. thank you po ma sa offer pag iisipan ko po."

"kaya mo bang magluto bukas? mag order nalang tayo.."

"Ofcourse ma kaya ko po.."

"are you sure?"

"yah.. don't worry ma i can handle this po."

"handle this then mamaya iiyak ka na naman.. sandra alam kong napalapit na ang loob ni france kay rome pero please wag mo nang paglalapitin yang dalawa. kawawa yung bata.."

"opo ma sinabi ko na rin kay rome na hindi na nya pwedeng lapitan si france.."

"okay.. sasama ka ba sa amin mag grocery?"

"opo ma.. sasama po ako. maliligo lang po ako saglit "

"okay aantayin ka namin.."

akala ko pa naman si rome yung makakasama ko sa pag aasikaso para sa death anniversary ni lorenzo bukas.. ang bilis talagang bumawi ng tadhana. yung mga masasayang araw namin napalitan agad ng ganito. Gusto kong maniwala kay rome pero may ayaw na ng isip ko.. kakalimutan ko muna 'to at mag fo-focus na muna ako para kay lorenzo..

"mommy diba favourite po na chips to ni titodad? let's buy this po for him.."

"anak next time.. We're not here for that. Sinabihan na kita france ha.."

"sorry mommy.."

"its okay baby.. if you want that chips, kumuha ka pero isa lang."

"thank you po mommy.. ay mom if i see titodad if coincidence what will i do?"

"just say hi.."


______________

"sabi ko kasi sayo una palang tigilan mo na yang pagtulong mo kay greta.. ayan ikaw pa ang napasama. nahuli ka pa ang matindi don mother in law pa ni sandra!"

"hindi ko naman akalain na gagamitin ni greta yung pagtulong ko sa kanya.."

"Anong plano mo ngayon?"

"galit na galit sakin si sandra pre.. iyak pa nang iyak. ayaw na nga rin akong palapitin sa kanila ni france e."

"patay.. pano na yun?"

"syempre di ko sya susundin.. kahit makulitan sya sakin wala akong pakeelam hanggang sa mapatawad nya ako. sandali tatawagan ko na muna.."

Lumabas ako sa shop namin at sinusubukan kong tawagan si sandra pero hindi naman sinasagot kaya tinext ko nalang.

"hon, pwede na ba tayong mag usap? please.. puntahan kita."

"im busy rome and kahit hindi ako busy, ayoko. tigilan mo na nga ako!"

"sorry na o.. sorry na hon."
"mahal na mahal kita sandra.."
"patawad"

- hindi na nagreply sa akin si sandra.. busy nga sya kasi bukas death anniversary na ni lorenzo.. ako sana yung katulong nya ngayon kung di lang ako naglihim sa kanya..

"ate ayos ka lang ba talaga? kami nalang ni mama mag g-grocery umuwi ka na.."

"gaga ayos lang ako. ngayon ko nalang ulit ipagluluto si lorenzo. okay lang ako ally."

"osige.. pahinga ka nalang nang bongga mamaya para bukas madami kang energy."

"yah.."




ROME

andito ulit ako sa tapat ng bahay nila Sandra.. Sabi nung katulong nila nag grocery daw sila para bukas kaya mag aantay nalang ako dito.. kahit gaano katagal.

maya maya pa ay nakita ko na yung Kotse ni sandra.. kaya bumaba na ako dito sa sasakyan ko. pagkababa ni france sa kotse ay napangiti agad ako sure akong sasalubungin ako nito ng yakap at halik..

"hi titodad.." nag smile lang sya sa akin at lumakad na papasok sa gate.. pati si france galit sakin?

"ma ako na po.." — pumasok na rin si ally and mam maricel at naiwan nalang kami ni sandra dito sa labas.

"hon.. b-bakit ganun? bakit.. s-si france..?" Tumulo na rin ang mga luha ko. pinipigilan ko pero hindi ko kaya.

"anong ginagawa mo dito? rome pwede bang bigyan mo muna ako ng space at time? tsaka sabi ko sayo wala na tayo.. tapos na tayo rome."

"mahal ilang beses ko nang ineexplain sayo.. hon wag mo namang ilayo sakin si france please.. parang awa mo na ayusin natin to."

"rome Wala na tayong aayusin and hindi ko na kasalanan kung ayaw na rin ni France sayo. hindi lang ako ang niloko mo, pati ang anak ko. hindi mo man lang kami inisip! umalis ka na ha! ayokong umabot pa sa ipapa-ban kita dito sa village.. wag ka na rin bumalik at baka next week wala na kami dito."

"san kayo pupunta hon? hon please wag kayong Umalis.."

"sinasama kami ni mama sa ibang bansa.. makakatulong yun para sa atin specially for me to move on. please rome this is the last time.. Ah i love you and ayoko nang mahalin ka.. Tama na rome. tigilan mo na ako."

"g-gusto mo talagang tumigil na ako?'

"oo! ayun ang gusto ko tigilan mo kami!! bumalik ka kay greta, kay grace.. what ever her name is! magsama kayo!" — tumango nalang ako.

"im sorry again hon.. alam kong hindi sapat yung salita na yun. Don't worry hindi ko na ulit kayo guguluhin.. pasensya ka na.. but please lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ni france.."

"alam mong mahal ka rin namin rome kaya napakasakit isipin na niloko mo pa rin ako.. akala ko hindi magiging issue ang babae sa relasyon natin e. Akala ko matino ka! sige na gusto kong makitang umalis ka bago ako pumasok sa bahay.." hahalikan oo pa sana sya sa pisnge bago ako sumakay sa kotse pero umiwas na sya. "LEAVE."

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now