chapter 35

258 18 4
                                    

"Hon please let's talk.."
"mag usap naman muna tayo please"
"honey.."
"hon please.."
"wala lang si greta sa buhay ko. ikaw lang ang mahal ko."
"walang iba hon ikaw lang.."
"please mahal mag usap tayo.. hindi ko kaya kung mawawala kayo ni france sa Buhay ko."

ayan agad ang bumungad sa akin pag check ko ng phone ko ang mga texts ni rome. Hindi ako makatulog kasi.. anong oras na rin.

pwede bang wala lang si greta sa buhay nya? gago rin e. ewan ko ba hindi na ako naniniwala kay rome.. nawalan na ako ng gana. i gave my all to him tapos niloloko nya lang pala ako and worse si mama pa ang nakahuli. pinaglalaban ko pa naman sya kay mama tapos mapapahiya lang din pala ako. bakit kasi iniwan ako agad ni lorenzo, edi sana hindi ako nasasaktan nang ganito.


"ate.." pumasok si ally dito sa kwarto. ala una na ha.. di pa rin to natutulog?

"oh anong oras na bakit hindi ka pa natutulog?" nagpunas ako ng luha ko..

"uhm wala.. nag aalala ako sayo e." umupo sya sa kama.

"okay lang ako sira.." —

"okay pero pugtong pugto na yang mata mo.. Anong plan mo?"

"wala.. wala na rin naman kami ni rome e. ally matulog ka na. ala una na oh."

"dito nalang ako matutulog para may kasama ka."

"talaga?"

"yah.. para matulog ka na rin."

"thank you ally.. pasensya ka na ha?"

"pasensya for what?? wala ka namang kasalanan sakin a.. alam ko naman na minahal mo lang si kuya rome e. hindi rin naman natin ine-expect na niloloko ka lang pala nya.."

"grabe ang tanga ko.."

"mas tanga sya no! minahal mo na nga sya ng sobra tapos magloloko pa. to the fact na ayaw mo sa kanya at first pero nangulit sya.. pasok pasok pa sya sa buhay natin tapos mang-gugulo lang."

"nakakahiya pa kay mama.."

"wag mo na munang isipin.. matulog nalang muna tayo. ala una na te mag aalas-dos na." —  tumabi na si ally sa akin kaya humiga na rin ako..




__________________________


"mommy.." nagising ako because of this cute little girl. nakayakap sa akin at hinahalik-halikan ako sa muka.

"hmm anak.." — napangiti ako at yumakap na rin kay France.

"I love you mommy.."

"I love you too anak.. love na love kita."

"si titodad po?? magpunta sya ngayon? mommy bakit galit si lola sa kanya? i miss him na e.."

"anak listen to mommy okay, h-hindi na pupunta Dito si titodad. Try to understand okay.."

"bakit po? i miss him na.."

"try not to miss him baby please.. w-we're over.."

"over? k-kaya nagalit si lola last night? What happened mommy?"

"hindi mo pa kasi Maiintindihan anak.. pero promise to mommy, pag nakita mo si titodad, wag ka na makulit sa kanya okay? you can hug him but please wag na yung katulad before.."

"he cheated?"

"what? where did you get that word??"

"m-my classmate.. her dad cheated on her mom.. tapos nikento nya sa amin po."

"my god?"

"kaya ka nag cry?"

"anak.. no. hindi sya nag cheat. may ibang problem."

"mommy please explain to me na.."

"anak hindi nga po pwede.. but please mag promise ka hindi na katulad nang dati pag nakita mo sya."

"okay mommy promise.. basta wag ka na cry." Niyakap ko si france. naawa ako sa anak ko. nakapag invest na sya ng love kay rome.. minahal nya na parang daddy nya talaga pero sa isang iglap, mawawala lang. ayaw ko rin naman sabihin sa kanya yung totoong dahilan. hello, 8 palang to! ayokong maopen yung mind nya sa cheating issue between me and rome. kakaloka nga yung parents nt classmate nya.. masyadong open sa anak nila. hindi ko kaya yun..




inaya na ako ni france na mag breakfast kaya bumaba na kami. Ako sa dining Dumiretso nagliligpit pa pala si mama. Kaya naglaro muna si France sa garden.

"m-ma.. ako na po.. ally bakit mo naman pinagligpit si mama??" —

"No.. no its okay ako na. kakainin natin yang pinaghirapan mong lutuin kahapon. iiinit lang ni ally para mas masarap.. let's talk later." Tumango lang ako at umupo na.

"mommy titodad is here!!" —tumatakbo si France papasok dito sa dining. "Mom nasa labas po si titodad.." nagkatinginan kami ni mama.

"ako na po ang kakausap ma.. france stay here."

agad akong lumabas ng bahay at hinarap ko si rome.. may dala pang bulaklak.

"hon thank you.. flowers for you." inaabot nya sakin yung bulaklak pero tinitigan ko lang sya. "uhm asan si france mahal? nakita ko kanina naglalaro sa garden.."

"hindi mo na pwedeng lapitan si france. stay away from my daughter. oh ano bakit ka andito?"

"hon mag usap muna tayo please..  please? ayusin naman natin to hon."

"ayusin? wala nang aayusin rome. sirang sira na tayo and ang tanga tanga ko na talaga kung babalikan pa kita."

"mahal.. parang awa mo na. Lahat gagawin ko para mapatawad mo ako. sandra ikaw lang talaga ang mahal ko. wala nang iba.."

"rome, hindi na ako naniniwala sayo sa totoo lang. hindi ka nahihiya? mama pa ni lorenzo ang nakahuli sa panloloko mo sakin! Umalis ka na." papasok na sana ako kaso may nakalimutan pa akong sabihin. "Huwag na huwag mo nang lalapitan ang anak ko, rome. hindi ko sinabi sa kanya yung pangloloko na ginawa mo sa akin. mahal ka ni france alam mo yun pero layuan mo na sya. wag mo na ulit kaming guguluhin."

"hon Im so sorry.." niyakap nya ako nang mahigpit. "im sorry.."

"umalis ka na! nasasaktan lang ako lalo kapag nakikita ka.. please alis na!" — tumulo na ulit ang mga luha ko kaya sinara ko na ang gate.


pure naman yung pagmamahal ko kay rome.. oo sa una ayaw ko talaga sa kanya pero ngayon, Mahal na mahal ko na sya.. mahal na mahal ko si rome pero sana hindi nalang kami nagkita.. hindi nalang sana kami nagkakilala.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now