chapter 6

263 19 6
                                    

"salamat rome sa paghatid.." pinagbuksan pa nya ako ng pinto.

"walang anuman.. sige Sandra, aalis na rin ako."

"wag mo sanang masamain yung sinabi ko kanina rome.. hindi naman kita pinapa alis or ayaw kitang andito.. mas gusto ko nga na andito ka kasi masaya si france pag kasama ka nya."

"oo naman.." he smiled. "sige Sandra mauuna na ako."

"mag iingat ka.. sa bahay ka ba mag di-dinner?"

"hindi na muna siguro.. baka busy rin ako mamaya pero susunduin ko si france."

"kung busy ka talaga ako nalang ang susundo.."

"ako na.. may time ako for france. sige na mag iingat ka dito."

"maraming salamat.." bumeso na muna ako sa Kanya Bago sya umalis. pumasok na ako sa bake shop at nag paka busy.

ROME

"Pre tinamaan ka na yata kay chef Sandra a.." - jake.

"hindi no! Tumigil ka nga dyan. concern lang ako kay France at sa kanya."

"kilala kita pare.. kaya lang wag masyado a. alam mo naman kung gaano kamahal ni chef Sandra Yung asawa nya baka sa dulo masaktan ka lang. kung yung bata lang yung concern mo mag focus ka lang dun. wag na sa nanay pre. back to work!"

May point si Jake. baka masaktan lang ako sa huli. Pero gusto ko lang talagang makipag Kaibigan kay sandra at alagaan sila ni france pero syempre hindi mawawala yung issue na pagkaka hulog ng loob at pagmamahal kay sandra. mabait si sandra sobra pero pipilitin ko na hindi na.

____________________

"hi tito rome!" Sinalubong agad ako ni france at yumakap sakin.

"sorry baby medyo late.."

"its okay po! kakalabas lang din po namin sa room e. saan po si mommy?"

"nasa bake shop.. dun na kita ihahatid. pupunta rin ata kayo sa daddy mo e."

"oh oo nga po pala.." kinarga ko na si france at sumakay na kami sa Kotse.

habang nasa daan kami ay naitanong ko kay France kung gusto pa nyang magkaron ng bagong daddy. ang random ng tanong ko sa kanya pero sinagot naman nya.

"hmm pag gusto po ni mommy then gusto ko na rin po.. pero sabi po ni mommy hindi nya papalitan si daddy ko po e. kaya parang impossible po na Magkaron Po ako ng new daddy e.. bakit po tinanong mo?"

"wala naman baby.."

"pero tito i want you to be my daddy po.. for me you're my daddy na. is it okay?"

"really France?" Napangiti ako.

"opo.." niyakap pa nya ako sa braso. "Okay lang po?"

"ofcourse baby! i can be your second daddy but dont worry hindi ko naman papalitan si daddy mo. I just want to take care of you and your mommy."

"Thank you po tito rome.."

pag baba namin sa kotse ay sinalubong kami agad ni sandra.

"hi sweetheart!" niyakap nya si France at Bumeso sya sa akin. she looks tired.

"hello po mommy!"

"hi rome.. thank you again. halika pasok na muna kayo merienda na muna."

"Ah hindi na sandra may gagawin pa kasi ako e.." pero wala naman talaga.

"ganun ba? mag baon ka nalang! sandali ikukuha kita."

"ah hindi na.. salamat. sige aalis na ako ingat kayo. Bye france!" niyakap muna ako ni france bago ako umalis.

habang nasa sasakyan naman ako ay nag text si sandra

: hey are you okay?
: Reply ka later. ingat sa pag da-drive.
- Sandra.

nang makauwi na ako ay agad ko namang ni replyan si sandra.

: yup im okay!
: ay sandra yung tumbler ni france naiwan pala sa kotse ko.
- Marco

: dalhin mo nalang dito sa bahay then dito ka na rin mag dinner. pauwi na rin kami ni france e.. im tired.
- sandra.

: okay lang? baka may ibang gagawin kayo ni france today.
- rome

: wala naman. Sa susunod nalang kami pupunta sa daddy nya. pagod talaga ako e and masama Pakiramdam ko.
- sandra.

: ohh okay wag ka nang magluto ng dinner ako na ang bahala. Magpahinga ka nalang..
: humiga ka na.
: bibili lang ako ng dinner natin then diretso na ako dyan.
- rome

Pagdating ko nga dito sa bahay nila sandra si france lang ang nakita ko at may hawak na tubig

"oh baby where's yaya? bakit wala kang kasama dito?"

"tito rome! Buti po andito ikaw.. si yaya po kasi may binili po sa grocery kaya po ako nalang po nagkuha kay mommy ng water nya.. mom is not feeling well po e.."

"sige na umakyat ka na sa kwarto ng mommy mo. dun nalang din tayo kumain. Susunod ako. careful ha may hawak kang tubig."

kumatok na muna ako sa pintuan Bago ako Pumasok. kwarto ata nila to ni lorenzo.

"come in Marco bukas yan.." sabi ni sandra at Binuksan na ni france ang pinto.

"hinanda ko lang itong dinner natin para hindi ka na bumaba. baby oh tumbler mo."

"thank you po tito.."

"salamat rome.."

"uhm pwede ba akong mag stay dito? pwede naman ako sa baba nalang.."

"oo naman no! dito ka nalang." umupo na ako sa kama at yumakap sakin si france. "bakit si mommy walang hug? si tito rome meron.."

"mommy i kissed you po kaya kanina.."

"kanina pa yun e.. kiss mom first." Lumapit si France kay Sandra at Hinalikan nya ito sa pisnge.

"kamusta na Pakiramdam mo?" - Tanong ko kay sandra.

"Medyo okay na naman baka napagod lang talaga ako kanina.."

"kasi mommy is super masipag po tito.. that's why." - france.

"e syempre daddy is not with us na kaya kailangan ni mommy maging masipag!" - sandra.

"tito marco said po he can be my dad.." - nagkatinginan kami ni sandra at ako na ang umiwas. "mommy diba pwede po?"

"oo naman.. as long as hindi ka makaka abala kay tito rome. e payag ba naman sya?" - sandra.

"ofcourse payag na payag.." sagot ko.

"see! yeheyyy may daddy na ulit ako mommy!!" Nagtatalon pa si france sa kama.

"honey nahihilo pa si mommy.." napatawa ako at niyakap si France dahil sa sobrang tuwa rin.

"Baka mahilo pa lalo ang mommy mo baby.. don't jump na."

"okay po tito marco.. sorry po mommy!" - france.

"Its fine baby.. sleep lang muna ako saglit. mag play na muna kayong dalawa dyan."

habang natutulog si sandra, kami naman ni france ay naglalaro dito sa lapag. my god, i love these two so much. lalo na si france na daddy na ang turing sa akin. sana palaging ganito.

Rediscovering RomanceWhere stories live. Discover now