Prologue

115 2 0
                                    

20 years ago

𝐒𝐮𝐜𝐥𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐞𝐫,𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚
May of Year 2003

**𝐋𝐲𝐝𝐚 𝐆𝐨𝐦𝐞𝐳**

Another lovely morning nanaman.Uminat inat muna ako at humikab bago tuluyang umalis sa kinahihigaan ko para ayusin ang aking kama.Pagkatapos ay agad agad akong pumunta sa kusina dahil naaamoy kona ang niluluto ni mama.Bumungad si mama sa akin at ipinantay ang taas nya sa akin at akoy niyakap at hinalikan sa noo."Kamusta ang gising ng prinsesa?"nakangiting tanong sakin ni mama.Agad naman akong ngumiti pabalik at sumagot."Ayus na ayus ma!"."Mabuti kung ganon.Sige tawagin mo na si papa mo sabihin mo handa na ang umagahan."tumayo si mama at hinalikan ako sa noo bago ako tumakbo palabas ng bahay.

Nung una ay di ko sya makita kaya sumigaw nalang ako.Nakailang tawag ako ng biglang may bumagsak na mabigat sa may bandang likuran ko kaya naman napa sigaw ako sa gulat.Pag harap ko ay nakita ko si papa na nakangisi at isinusuot ang kanyang sinelas. "Papa naman eh!Kanina pa kita tinatawag d ka nasagot.Tapos ginulat mo pa ako."Nagpakita ako ng nakasimangot na muka sa kanya na napaphiwatig na ngtatampo ako.Agad naman si papang lumapit sa akin at binuhat ako."Sorry na d na uulitin ni papa."Hinalikan naman nya ako sa noo para suyuin ako.Agad ko naman ibinaling ang ulo ko sa ibang dako para magmistulang nagtatampo parin ako sa kanya."Ano ba ang gusto ng prinsesa?Hwag kang magalala pupunta tayo ng dagat mamaya.Tunay nato"Agad namang nabuhayan ang aking dugo sa aking narinig."Talaga po papa??!!"

Ngumiti naman ng malawak si papa at sumagot ng "Oo naman!".Nahinto ang usapan namin ni papa nang tawagin na kami ni mama na kanina pa kami inaatay."Robert!!!Lyda!!!Lalamig na ang pagkain!!!" Ibinaba ako ni papa at agad naman akong nagtatakbo paloob sa bahay.

Matapos kaming kumain ay nagprisinta sa papa na sya na daw ang maghuhugas ng mga ligpitin.Samatalang kami naman ni mama ay nagsimula nang malakad papuntang tabing dagat.Mahirap lang kami pero masaya.Simple pero di ako naghahangad ng iba pa.Sa ganito lang ay kuntento na ako.Kalahating oras din kaming nalakad at sa wakas ay nakarating din sa tabing dagat.Ang sarap ng simoy ng hangin dito at ang mga alon na kalmado.Ilang araw nang di naulan kaya din siguro mababa lang ang taas ng alon.Bughaw na bughaw ang langit at tibig na natatanaw ko.Maya maya ay kinalabit ako ni mama upang tanungin ako kung gusto ko ba ng sitsirya pero sabi ko ay busog pa ako.

Mga ilang sandali pa kaming naglakad lakad at dumating narin si papa na kasma ang isa sa kanyang kakilala.Nagbatian lang sila habang ako naman ay nakatingin lang sa mga alon sa dagat.

"Sya na ba ang anak nyo?"tanong nang lalaki na kausao nila mama.Kahit naka talikod ako ay rinig ko lang ang usapan nila at pasimpleng nakikinig."Ah oo." Sagot ni mama sa kausap nila."Ilang taon na sya??"Sa pagkakataong ito ay humarap nako sa kanila dahil ako na ang pinaguusapan nila.Napatigil ang mga magulang ko at nagkatinginan."Walo mag syasyam."Tumango tango naman ang kausap nila at nagtanong muli."Kailan sya mag syasyam?". Nagkatinginang muli ang aking mga magulang.

"May 25 po" dahil sa ang tagal symagot nila mama ay ako na ang sumagot."Edi ngayon ang birthday mo ineng" Napatigil ako at napag tantong ngayon ng pala ang birthday ko.Hay nako pati ba naman ako nakalimutan sariling birthday.

Sila mama at papa kaya naaalala nila?Nakakita ako ng nagtitinda ng mgaaruan kaya naman agad akong lumapit dito at isa-isang sinuri ang mga ito.Sila mama at papa naman ay nagpaalam sa mamang kausap namin manina at sinundan ako.

"Wow ang ganda!Mama,papa,pwede nyu bang bilihin ito."Maamo akong tumingin sa kanila habang hawak ang isang manika."Kaarawan ko naman eh." Dagdag ko pa sa kanila.Ngumuyi naman si mama at tinanong ang tindera kung magkano ang manika na hawak ko."Ale magkano po ba yung manika?"Agad namang sumagot yung nagtitinda."Yan ay singkuwenta." Agad namang kumuha ng pera si mama sa pitaka nya at binigay sa nagtitinda."Ito po."Pagkaabot ni mama sa tindera ng bayad ay binihat na ako ni papa at pinagpatuloy ang paglalakad namin sa tabing dagat."Papa pwede ba tayong maligo sa dagat?Taga dito tayo pero d tayo laging nakakaligo sa dagat." Ibinaba ako ni papa mula sa pagkakapasan nya sa akin."Sige ibigay mo muna yang manika mo sa mama mo at maliligo tayo" napatalon naman ako sa tuwa sa narinig ko.

Forget to ForgiveWhere stories live. Discover now