Susan's POV
Maaga akong nagising at nagluto nang umagahan. Di pa man ako natatapos ay nagising na din si Mr.Jack at pinauna ko na syang makakain dahil aalis na sya pabalik sa Paris. Babalik nalang daw sya sa birthday ko. Nang matapos ay isa-isa ko nang kinatok ang mga kwarto na tinulugan nila. Inuna ko na ang tinulugan nila Javier at Axel dahil siguradobg di agad babangon ang mga iyon at makikiramdam muna. Sinunod ko sina Cathrina at Jessa. Hinuli ko ang kwarto ni Lemuel na katapat lang ng akin.
Medjo lumaki ang bahay at may pangalawang palapag nadin kung nasaan ang mga kwarto namin. Hindi gaano kalaki ang mga kwarto gaya ng sa bahay ko di masyadong malayo dito. Mas pinili namin dito dahil mas maraming puno at hindi tabi ng highway kaya di kami naiisturbo sa ingay. Tahol lang ng aso galing sa bahay nila Lovely bukod doon ay wala na.
Makataka nga yung aso nila dahil nagaalulong iyon kagabi. Napaisip nalang ako kung nakatulog ba nang naayos si Lovely. Nakatulog lang din ako kaagad kagabi dahil mahina lang ang naririnig kong ingay ng aso nila dahil may kalayuan kami. Nagising naman ako kagabi dahil sa may kotseng dumaan. Maingay na iyon para sakin kaya nagising ako. Umalis din naman iyon kagabi agad.
Sa pagbaba ko ng hagdan ay wala pa doon ang mga ginising ko. Napabuntong hininga nalang talaga ako.
"ANO BA?!!" sigaw ko na umalingaw-ngaw sa kabuuan ng bahay.
Mayamaya lamang ay narinig ko na ang mga hakbang pababang hagdanan. Humanay naman sina Javier, Alex, at Lemuel na nakahanay pa at napagod ata sa paguunahan sa hagdan. Sumunod ang dalawang binibini pa sa bahay ko at nakahanay sila ngayon. Malapit sa pintuan si Javier at nakahanay hanggang kay Jessa.
Parang natakot ata ang mga ito sa akin.
"Magumagahan na at maglilinis tayo sa labas. May mga hindi tapos na mga halaman doon at mga kalat na dahon. Kaina na." umupo naman ako at nang may narinig akong buntong hininga ni Axel ay tumingin ulit ako sa kanila at sumigaw. " UPO!!"
Magsisimula na kami nang pumasok si Lovely sa pinto at may dala itong ulam. Nilapag nya iyon sa lamesa at tumabi sa amin. Hindi na rin sya nagtagal at binati lang kami.
" Kamusta ang umaga?" nakangiti itong umupo sa tabi ko at nawala naman iyon nang mapalingon sya kay Axel na nakatitig sa kanya.
"Hindi sya pagkain kapatid." mapanuksong dinunggol ni Jelavier ang braso ni Axel kaya napakunot ang ulo nito.
" Maganda na sana umaga ko kaso sinira mo." wala talagang sikreto ito. Obvious na na patay na patay na sya kay Lovely.
" Kumain na kayo. Papasok ka na sa trabaho??" Singit ko sa usapan.
" Ay oo. Aalis na ako ha. Kain lang kayo." tumayo ito at kinuha na ang bag nya sa sofa di malayo sa dining table.
Napalingon naman kami kay Axel dahil bigla nalang nitong sinubo nang sinubo ang pagkain sa plato nya at tinungga ang isang baso nang tubig. Nasapintuan na si Lovely nang hablutin nya dito ang bag at kinuha ang braso saka hinila papaalis.
Nagkatinginan naman kami sa isat-isa na naiwan dahil ka pagkabold ni Axel.
Hinayaan nalang namin at di ko naman na tinawag pa para sitahin. Mukang isa itong Possessive Boyfriend kung sakali. Hindi ko din naman sya hahayaan na maging ganon sa kaibigan ko.
••••••••••••••••••••••
Lovely's POV
Maaga akong nagusng dahil Lunes ngayon at may pasok pa ako. Bago umalis ay pumunta muna ako kina Susan para ibigay yung ulam na pinabibigay ni mama para daw sa kanya. Nang makarating ako ay si Axel agad ang pumukaw sa atensyon ko pero pinilit kong wag syang titigan.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...