NAKAUPO si Kathrina sa gilid ng kama. Nasa isang silid sya kung saan ay binabantayan ng mga armadong lalaki. Naalala nya nang minsang magkakasama sila nina Lovely at Jessa. Nakita nila kung papaano nakidnap ang pamilya ni Lovely na kalaunan ay nalaman nilang mga magulang talaga ni Angela. Hanga sya sa pagiging mabuting anak ni Lovely sa mga ito kahit na hindi nya totoong pamilya.
Napaisip sya sa pamilya nya. Kung nasaan na ba ang mga ito. Marami na ang nangyari sa kanya simula nang mawalay sya sa mga ito pero pakiramdam nya ay lubos syang mas masaya kaysa nung kasama pa nya ang mga magulang at kapatid nya. Mas naging pamilya sina Susan sa kanya.
Napalingon sya sa labas ng terrace katabi ng kama na inuupuan nya. Madilim na sa labasat napabuntong hininga nalang sya sa dami ng mga naiisip.
Mga ilang sandali lang ay nakakita sya ng mga ilaw ng sasakyan na paparating. Agad syang tumayo at binuksan ang sliding door ng terrace. Nakita nya ang tatlong van na magkakasunod na pumasok sa gate. Tumakbo sya palabas ngunit pinigilan sya ng mga nakabantay sa labas ng pintuan.
"Palabasin nyo ako!! Gusto ko silang makita!!" bagaman tagalog ang pagkakasabi nya ay mapagka baluktot ito.
Pasikla syang hinatak ng isa sa mga armadong lalaki na may kalakihan ang katawan at ipinasok ulit sa loob ng silid. Wala syang nagawa kundi ang tumingin sa mga tao sa baba. Masyado syang malayo para marinig ng mga nababa sa van dahil nasa ika-apat na palapag sya at nasa maypagka malayong lokasyon mula sa gate.
Malayo sya pero kilala nya ang mga dumating. Nakita nya si Lovely na tila lantang gulay na bumaba ng pangalawang van. Kasunod nya ay ang tatlong lalaking may malalaking katawan at buhat ang tatlong walang malay na mga babae sa balikat nila na tila nga sako lamang ng buhangin. Hindi nya nakita ang mga muka ng mga ito dahil nakasako ang mga ulo nito.
Kinabhan sya sa nakita at napaatras. "Please don't tell me that it was Susan." nagpalakad lakad sya pabalik balik sa harap ng kama nya at hinihintay na bumukas ang pinto. "Come on. Lovely."
Mahigit kalahating oras syang nagpapabalik balik ng lakad sa harap ng kama at nagaantay na bumukas ang pinto pero walang dumating.
Napagpasyahan nyang tumakas pero natatakot sya.
Sumilip sya sa labas ng terrace at nakita na may iilan lamang na mga tauhan ang nagpapatrol. Kumuha sya ng mga kortina at mga kumot at pinagdugsong ang mga ito.
Sinigurdo nyang walang nagbabantay ang makakita sa kanya bago nya ibagsak ang pinagdugsong dugsong nyang mga tela. Hindi iyon naging sapat para makarating sya sa pinaka baba pero nang makakita sya ng mga paparating na mga bantay ay mabilis syang bumaba sa mga tela. Dahan-dahan syang bumababa pero nang nasa dulo na sya ay nasa tatlong dipa pa ang taas. Hindi na sya nagdalawang isip at tumalon.
Pagkatalon nya ay napaapak sya sa isang bato dahilan para matumaba sya. "Ah!" inda nya na narinig ng ilang armadong lalaki na nasa malapit lang.
"Oh com'on. How could i run with this condition of my foot." nainis syang tumayo at sinubukang humakbang.
Nakakailang hakabang palang syang nang may biglang may kamay na tumakip sa bibig nya at hinila sya. "Shhhhh....." bulong nito sa tenga nya.
May dumaan na mga armadong lalaki at nakita ang tela na ginawa ni Kathrina. Nagsimula magkagulo ang ilang mga armadong lalaki kaya agad syang hinila ng taong tumakip sa bibig nya na napagalaman nyang si Lovely pala. Nakita nya ang ilang talsik ng dugo sa damit nito pero nawalan na sya ng pagkakataon na magtanong dahil may mga humahabol na sa kanila.
Agad silang nakapagtago sa isang silid.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?? Mamamatay ka!!" ani Lovely sa kanya.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...