Hinayaan ko munang makatapos kumain ang mag kasama ko bago ako nagsalita para ibunyag na sa kanila ang nalalaman ko. Mabuti nang alam nila.
•••••••••
Nakaupo ako sa sofa kasama ang assistant ko. Nakaupo nadin sina Lance, Angela, Lemuel at Axel. Si Manang naman ay naghuhugas.
Nakita na namin si Javier na naglalakad papalapit sa amin. Mukang may kinausap ito sa telepono. Naging busy na ito sa cellphone nya lately pero hindi naman iyon nakakaapekto sa mga pinagagawa ko sa kanya.
"So, anong paguusapan?" tanong nya sa akin saka umupo sa tabi ni Axel.
Tumikhim ako saka nagbuntonghininga. "Si Lovely...-"
"May nangyari ba sa kanya?" sabat ni Axel nang huminto ako. "Hindi Axel. Sa sitwasyon na ito, ikaw ang pinaka masasaktan Axel." sagot ko sa tanong nya.
" Nung nakaraan habang nagtratrabaho ako, napadaan ako sa isang security code at nang mahack ko iyon ay marami akong natuklasan." nagsimula nang maluha ang aking mga mata.
"Si Lovely ang totoong kapatid ni Lemuel at si Angela ang totoong anak-"
"Tínat@rantadó nyo ba ako?!" tumayo si Axel at sinigawan ako.
"Patapusin mo sya Axel." pagpapakalma ni Lemuel habang nakaupo pa din at nakatingin sa sahig.
"What do mean?? So, alam mo na." mahinang napatawa si Axel at saka pabagsak na umupo.
"Si papa, kaaway sya ng ama ni Lance. Ang pamilya ni Lance ay puro sindikato."
Inilabas ko ang isang drive na laman ang mga impormasyon na nahanap ko. Inilagay ko ito sa likod ng tv saka ipinakita sa kanila ang laman nito.
-----------------------------------------------------------------------------------
Robert: Isang magaling na Agent at ama ni Lyda.
Ronald: Kaibigan ni Robert habang nasa trabaho.'EXPLAINED RECORDED MEMORY '
Nakilala ni Robert si Ronald sa trabaho. Mahigit sa limang taon silang magkakilala at naging magkaibigan. Isang araw, sa huling trabahong gagawin ni Robert bago tuluyang magretiro upang maikasal kay Flor at magkaroon na ng payapang pamumuhay, nakainkwentro silang dalawa ni Ronald. Napagalamang si Ronald ay isang spy sa gobyerno.
Natapos ang misyon nya at natalo si Ronald. Bagaman malubha ang naging kalagayan ni Robert, nagawa nitong mapatumba ang mga kalaban.
Walong taon ang nakalipas buhay parin pala si Ronald. Nagtago sya pero nahanap parin sya ng kanyang ama. Inutusan syang patayin ang dati nyang kaibigan na si Robert kung nais pa nitong mabuhay ang anak nito. Napag-alaman niyang hindi nila totoong anak si Angela dahil ipinalit ito ng kanyang ama sa isang bata na isinilang sa kaparehong araw naipinanganak ang kanilang anak.
Nang lumipat sila sa kanyang ina ay masaya ito. Lingid sa kaalaman ng kanyang ina ang plano nyang gawin. Masaya si Ronald na makita ang kanyang anak na kalaro ni Lance. Hindi pa man sila nakakatagal sa bahay ng kanyang ina ay tinawagan na sya ng kayang ama. Pinapapatay nito si Robert at ang kanyang pamilya. Nagkataon pang ang kapatid ni Robert ay isa ding pulis.
Isang gabi, palihim nyang pinuntahan si Robert at kinausap patungkol sa plano ng kanyang ama. Nagkasudo sila sa isang bagay. Marami pa ring koneksyon si Robert at napagplanuhan ang lahat.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...