Napalakas ang paghagis ni Susan sa payong na dahilan para umuwang ang hawakan nito. Kumislap ang kulay tansong patalim na nasa loob. Nakita ito ng ilan sa mga tauhan na kaina ay nakangiti lamang, ngayon ay napalunok nalang ng kanikanilang mga laway.
Napansin iyon ni Susan at iniayos muli ang pagkakatago ng patalim sa payong. Ang espada sa loob ay pinangalanan nyang Moon Blade. Muka itong pangsamorai pero ibang-iba ito sa espada ng samurai, it's unique. Kung tatamaan ito ng ilaw ay kikislap ito gaya ng liwanag ng buwan sa kabuuan nito. Kakaunti lang ang nakakaalam pero si Susan ay may hindi maipaliwanag na pagkahumaling sa mga patalim simula nung bata pa sya. Minsan napapaisip nalang sya na nakatadhana ang pagiging killer nya.
Nagiintay lamang si Susan sa sofa habang ang mga kasama nya ay kumikilos na.
Dumating na sina Javier at Axel. Astig ang mga itong naglakad papasok ng hotel. Nang makita nila si Suaan na nakaupo ay numapit sila dito at umupo sa katapat na sofa. Tinitigan lang sila ni Susan.
"Gwapo ba ako insan?" may malaking confidence si Javier na nagpapapogi sa harap ni Susan pero inisnaban lang sya nito.
"Naiinip ka na ba sa pogi mong pinsan. Masanay kana dahil lagi mo tong makikita. Araw-araw." sigang sumandal si Javier sa sofa at para itong mafia boss kung makaupo. Sa tabi nya ay walang imik lang si Axel na nakadikwatro at crossarms habang may subo pang lolipop. Walang mga bisyo ang mga pinsan nya kundi pagiging isip bata. Mahilig sa candies at online games lalo na si Axel.
Mas pinili na lamang ni Susan na manahimik pero nag kinindatan ni Javier ang isa sa mga staff ng hotel nang abutan nito si Susan ng orange juice binato nya ito ng unan sa tabi nya bago pa man makaalis ang lady staff sa harapan nya. Nagulat naman ang babae at ahad na umalis.
"Aray ko naman." nagrereklamong wika ni Javier.
"Isip bata ka." paisnab na sabi ni Axel. Pagisnb nito ay nakita nito ang CCTV sa ulunan nya kaya napagpasyahan nyang pumunta nalang sa security room. "Punta lang sa sa security room."
Tumango lang si Susan at binalik ang tingin kay Javier na iniinom na ang juice na ibinagay para sa kanya. "You become incredibly shameless." tanging nasabi nalang nya habang napahawak sa noo.
"Im flattered." sutil na sagot ni Javier na may halong yabang habang naka dikwatro pa na nakahiga sa sofa. Napabuntong hininga na lamang si Susan sa pinsan.
Sa kabilang dako ay nakarating na sa room no.1218 sina Dark at Lemuel. Maingat nilang pinasok ang silid pero nang malibot nila ang lahat ng sulok sa lahat ng kwarto ay napagtanto nilang wala doon ang mga hostage. Tinawaga agad ni Lemuel ang mga kasama sa baba gamit ang earpiece device sa tenga nila. "Susan wala sila dito."
"I know qhere they are." sabat na sagot ni Axel sa kabilang linya. "Room No. 0624. Tinotorture sila."
"Plan B." mahinahong sagot ni Susan sabay na mabilis na tumayo papuntang elevator.
"May plan B??" takang tanong ni Javier sabay bangon nito sa pagkakahiga. "Hindi ako updated." mahinang sambit nakang nito sabay kamot sa ulo. Binalewala nalang nya at bunalik ulit sa pagkakahiga na mistulang matutulog. " Dito nalang ako back-up." wika nito habang nakapikit.
•••••••••••••••
Ang nga magulang ngayon ng apat ay kasalukuyang pinahihirapan sa isang silid. Tuwang-tuwa naman ang mga armadong lalaki na nasa silid habang ang mga sibilyan na nakatali sa upuan ay dumudugo na ang muka. Tatlong nakatali sa upuan. Ang isa ay ang ama ni Lyda na si Robert na Mr. Jack na ngayon at si Juaquin na ama nila Luigi at Christian hindi nila Javier at Axel. Bagaman iisang pagkatao lamang ay may malaking pagkakaiba. Si Javier at Axel ay ulila na habang si Luigi at Christian ay may mga magulang pa. Bukod doon ay inosente si Luigi at Christian hindi kagaya nila Javier at Axel na bahagi na ngayon ng pinakakinatatakutang grupo sa buong mundo.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...