SUSAN'S POV
Kasalukuyan kaming nagliligpit ng kinainan nang biglang bumukas ang pinto at binuga nito ang magkapatid na nakatira lang sa kabilag bahay.
"Anong ginagawa nyo dito??" ani Lemuel at tinutikan sila ng baril. Hindi ko na napansin ang pinagkunan nya noon dahil natuon ang pansin ko sa lalaking may asul na mata. Hindi naman ito asul kagabi nung hinila ko sya. Napansin siguro nya na nakatitig ako sa kanya kaya lumapit ito sa akin.
Napaatras ako ng ilang hakbang nang malala kung anong presensya ang meron sya. Ang kanyang pagkakatindig at mga mata ang nagpaalala sa akin.
"Ikaw." Mahina kong pagkabigkas at napa atras akong muli nang lumuhod sya sa harapan ko at parang sinasamba nya ako bilang kanyang Master.
"Anong nangyayari??" tanong ni Jessa sa amin.
Tumayo ang lalaking nasa harapan ko at umatras papunta sa tabi ng kanyang kapatid.
"Ako ito sa Lance na Dark na ngayon. Binago ng lolo ko ang pangalan ko alinsunod sa pangakan nya gaya ng sayo Susan. Ang lolo ko at si Susan na nagampon sa iyo ay magkapatid at nais ng lolo ko na makuha ang kapangyarihan na hawak ni Susan." panimula nito na nagpako sa amin sa kanya-kanyang kinatatayuan.
"Marami na akong alam at tinatago ko lang ito dahil ayaw kong maging mas masama pa. Masyadong mahaba ng kwento kaya papaigsiin ko nalang. Susan kailangan nyung umalis dahil nandito na si lolo. Dark Vestalio hindi sila magkaapilido dahil ang babaeng anak lang na karapatdapat ang makakakuha ng apelidong Fleur." seryoso kami nitong tinitignan isa-isa.
"Hindi ko sya kaano-ano, pero bakit nya binigay ang apelido nya sa akin." nagtatakang tanong ko dito.
"Ikaw na ang 16th tama??" lumapit ito sa akin ng bahagya. Tumango naman ako bilang pagtugon.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay may narinig na kaming pagparada ng mga sasakyan sa labas.
••••••••••••••••••••••••
THIRD PERSON POV
Naglalakad si Lovely papasok sa kanyang trabaho nang muntikan na syang mabangga ng mga kulay itim na sasakyan na matulin ang pagtakbo. Hindi na lang nya iyon pinansin at nagpatuloy. Nasa gate na sya ng school na pinapasukan nya nang may maalala sya. Masyado maraming itim na sasakyan ang nakasalubong nya at ang mga ito ay parang papunta sa bahay nila Susan.
Hinampas naman nya ng malakas ang kanyang noo dahil sa ngayon lang nyan napagtanto. Patakbo syang bumalik sa bahay nila. Wala syang pakielam kung tinatawag sya ng kapwa nya guro. Naka yuniporme man sya ngayon ay wala syang pakielam basta makauwi sya agad. Dala ang matinding pagaalala para sa mga kibiga nya, pamilya, at ang taong sa tingin nya ay mahal na nya.
Kahit hinihingal ay patuloy pa din sya. Malapit na sya nang makasalubong ulit ang mga sasakyan na namasalubong nya kanina. Sa ika-apat ay nakita nya ang isang matanda katabi ng lalaking nakita nya kagabi.
Akala nya ay kasama nya ito pero napansin nya ang pasa sa muka nito at ang nagdudugong mga labi. Larang bumagal ang paggalaw ng paligid nang tumingin ang asul nitong mga mata sa kanya kasabay ang mensaheng 'hwag'.
Wala na syang naiintindihan sa mga nangyayari. Ang ginawa nakang nya ay nagpatuloy sa pagtakbo tungo sa bahay nila Susan.
Pagdating doon ay payapa naman ang lahat ang buong paligid ay maayos. Maliban sa ilang patak ng dugo sa lupa na marahil ay dugo ng lalaking asul ang mata na nakatingin sa kanya kanina.
Agad syang pumasok sa bahay nila Susan at naabutan nya ang mga ito na naglalabas ng mga armas. Si Susan naman ay tila may tinatawagan at hindi sya sinasagot.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...