Habang nasa loob ng bahay at papalabas na sina Lemuel ay biglang nagkaroon ng putukan sa labas at mukhang mas marami ang mga tauhan ng dumating. Sumilip si Lemuel at nakita nyang nakahandusay na ang mga tauhan nila sa labas. Tumawag sya ng back-up pero walang signal ang cellphone nya. Tinanong din nya ang mga kasama ngunit wala rin mga signal ang mga ito.
Naalala nya ang earpiece device na hinubad nya kanina. Napamura nalang sya ng mahina dahil hindi naman nya akalain na susugudin sila. Hindi rin nila maiacctivate ang shield dahil ang nasa labas ang pindutan ay sinira na. Pinasabugan ito ng bomba.
Tumayo sya para pumunta sa taas pero nabaril ang kanyang mga binti, matindi ang tama noon at agad na umagos ang dugo. "Kuya Lemuel!!" sigaw ni Angela. "Jan lang kayo!! Delikado." buong lakas syang gumapang papa taas ng bahay at kinuha ang earpiece device.
Umaasa syang may sasagot dito pero walang nasagot. Pinaulit-ulit nyang tawagan iyon habang nagbabarilan padin sa baba. Maya-maya lamang ay tumahimik ang buong paligid. Mahina syang nagrecord at sinend sa mga earpiece device ng mga kaibigan.
"Nasaan kayo?? Ok kang kayo?? Sana ok lang kayo kase kami hindi. Nabaril ang kanang binti ko at mukhang malala. Tinatalian ko ko na. Sana makalakad pa ako. Tahimik na ang paligid ibigsabihin ay nakapasok na sila. Hindi ko alam kung kailan nyo ito maririnig na mga pisti kayo pero naka-on lang ang location device sa katawan ko."
Pagkasabi nito ay agad na bumukas ang pinto. Si Lovely iyon at kasama ang isang matandang babae. Asawa ito ni Mr. Vestalio.
"Shít. Bakit hindi naman namin naisip itong hipon na to." mura nito sa isip. May pagka mayabang ang babae. Paràusàn lang nama sya ni Mr. Vestalio pero mayabang itong babaeng ito at mas lalo pang yumabang nang mabuntis sya ni Mr. Vestalio. Hindi naman garod pinakasalan.
"Kill him or I'll kill your so called family." utos ng matandang babae kay Lovely.
Nanginginig na itinutok ni Lovely kay Lemuel ang baril. Nagdadalawang-isip sya sa gagawin. Isa syang guro na may matuwid na hangarin pero ngayon ay paoatay sya ng tao at kaibigan pa nya. Hindi sya ni minsan sinaktan at pinagdudahan nito pero ngayon ay nakatitig ang mga mata nya sa pagod nitong mga mata. Napuno ng luha ang mga mata nya havang dalawang kamay na nya ang nakahawak sa baril.
"do it." mahinang wika ni Lemuel at sapat para maintindihan niya.
May biglang naisip si Lovely pero nagdalawang-isip sya. Tinignan muna nya ang kaibigan at tinanong. "Have you ever trust me??"
"hanggang ngayon, may tiwala kami sayo." napaiyak sya at napapikit.
Bumuntonghininga sya at binaril si Lemuel ng tatlong beses at saka umalis. Hindi nya alam kung naniniwala ang matandang babae pero alam nyang iyon ang mas tamang gawin. Minadali nyang paalisin ang mga tao sa bahay at buti nalang ay napasunod nya sa nais nya ang matandang babae.
"Ate Lovely anong ginawa mo kay kuya Lemuel." nagiiyak na wika sa kanya ni Angela na nakatali sa tabi nya. Nasa sasakyan na din na iyon sina Luisa at Gng. Flor.
"Wala akong karapatan na sabihin ito pero dapat nyo akong pagkatiwalaan." tanging naisagot nya.
"Sino ka lara pagkatiwalaan. Nasa lahamak ang buong pamilya namin dahil sayo. Sabihin mo sa akin. Pinatay mo ba si kuya Lemuel?" matigas na sambit ni Luisa.
"Hindi sa ganon-"
"Eh ano ha?? Malinaw naman na trador ka!" sigaw sa kanya ni Angela.
"Angela, magkaedad tayo at iisa ang kaarawan. Pinagpalit tayong dalawa, alam mo yan. Ngayon ang totoong pamilya ko na naging pamilya mo ay hawak ang totoong pamilya mo na naging pamilya ko. Kung naiintindihan mo ang sitwasyon ko ngayon-"
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...