Lovely's POV
Umuwi na ako at dumiretso na sa kwarto ko. D ko n nagawang magpahinga. Nanlulumo ako. Nalulungkot ako para kay Lyda. Hindi ko sya maintindihan. Sa kalagitnaan ng aking pagiisip sa kanya ay naalala ko ang sinabi ni Ma'am Principal.
••Flashback••
Nagtuturo akong kasalukuyan ng may kumatok ang kasamahan kong teacher sa pinto ng classroom na pinagtuturuan ko. Napahinto naman ako at nagpaumainhin muna sa mga tinuturuan ko. Kahit mga bata pa sila ay tunay na matatalino sila. Naalala ko ang aking mga kalaro nung bata pa ako.
Sa labas ay hinarap ako si Ma'am Jane ang co-teacher ko na kumatok.
"Bakit ma'am?"tanong ko agad dito.
"Pinapatawag ka ni Ma'am Principal sa Office nya."bulong nito sa akin.
"Bakit daw?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ko sigurado pero parang may kinalaan ito dun sa play ground ng school." bulong muli nito sa akin. Natulala naman ako dahil ayaw kong ipa-alis yung playground ng school dahil laman nito ang ala-ala namin magkakaibigan. Lahat nasila umalis dito. Pero si Lance ay paminsan minsan ko pa naan nakikita tuwing bibisita ito sa lola at tatay nya. Na aliw din ang nanay nya kaya nalulungkot ako para sa kanya. Namatay ang lola nya dahil sa atake sa puso nung mamatay ang anak nya.
Walang anu-ano akong tumakbo papunta sa office. Pagpasok ko doon ay nakita ko si Ma'am Principal na may hawak na check. Agad naman nyang binaba ito nang makita ako.
"Good afternoon Ma'am."bati ko. Tumango lang naman ito saka tumayo palapit sa akin.
"Bakit po?" tanong ko dito dahil sa buntong hininga niya nang umupo sa sa table nya sa bandang kaliwa ko.
"Ma'am Lovely. Ikanalulungkot ko pero ang playground na matagal mo nang iniingatan ay hi di na magtatagal. Ipapaalis na ito at ililipat-" hindi ko na sya pinatapos dahil nagsalita na ako. "Pwede naman pong irenovate nalang. Pinturahan, ganun."
"Ma'am, masyado nang luma ang playground at saka hindi lang naman ang playground ang aayusin kundi ang buong school." nagulat ako sa mga sinabi nya. Malaki ang kailangang pera para sa pagpapaayos ng school.
"May pondo ba?" tanong ko at tumango lang ito. Napatingin naman ako sa cheke na nasa lamesa nya. Agad ko itong kinuha at tinignan.
Susan Fleur. Pangalan pangalan pa lag halatang mayaman na. Mas nagulantang ako ng makita ang halaga ng pera na ibinigay nya. 5M pesos at dadagdagan pa nya kung kukulangin. Napaupo ako dahil sa panlulumo. Ang tagal kong iningitan yung mga ala-ala. Minsan ay binisita ako dito ni Ivan pag wala syang trabaho. Pulis na siya ngayon. Pero ilang taon na nung huli syang bumisita dahil nag resign na sya at naghanap ng ibang trabaho sa ibang lugar di ko na alm ang dahilan. Magisa nalang ako sa aming magkakaibigan. Tapos mawawala pa ang ala-ala na naiwan nila, and play ground. Mga magulang ni Ivan ang nagpatayo nito para sa amin. Pinilit nya ng perents nya para ipagawa iyon. Nasa ibang bansa ang magulang nya at nagpaiwan sya dito sa Pilipinas at napulis. Ngayon baka sumunod na din yun sa mga magulang nya sa Australia.
Lumabas ako ng office at nagpunta sa play ground. Naupo ako doon hanggang uwian. Napandin ako ang mga bata na naglalaro at napapangiti nalang ako dahil naalala ko ang mga imahe naming magkakaibigan sa playground na ito.
Pagkauwi ko sa bahay ay nakatulog agad ako dahil sa pagod sa trabaho at kakaisip. Maiisasalba ko pa kaya yung playground.
Nagising lang din ako ng maaga at naggayak agad para sa pagpasok ng school. Nagluto muna ako ng umagahan nila Inay bago ako umalis.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...