Christian POV
Kararating lang namin dito sa Germany kanina. Hindi sana kami pupunta dito kung hindi inutos ng mismong leader namin. Babae ata iyon. Pero kinatatakutan sya ng lahat kahit pa na babae sya. Wala pa daw nakakatalo sa kanya sa mga 1 on 1 battle. Kahit pa gano kalaki ang katawan. Kapag makikipaglaban sya ay lagi syang nakamaskara ng itim. Kaya kahit ilang beses ko na syang nakasama sa mga laban ay di ko pa nakikita ang tunay na muka nya.
Minsan ko nang binalak na malaman iyon pero nagbago lang din ang isip ko dahil ayaw ko pang mamatay ng hindi ko pa nahahanap ang pinsan kong si Lyda.
Bumalik din kami last month sa Pilipinas para magpahinga. Kalahati ata ng taon ay nandoon kami. Kase bukod sa doon kami talaga belong.
Maunti lang ang may alam ng tunay na itsura ng boss namin na babae, nasa sampu lang ata. Nagpapakita lang sya pag may gantong laban. Kapag naramdaman ko ang presensya nya ay mabigat sa pakiramdam, nakakanginig ng tuhod kahit nakatayo lag sya sa malayo. Hindi naman sya nakatingin pero nakakatakot gumalaw, parang mamamatay ka anumang oras pag gumalaw ka. Kaya ba napapasunod nya ang libo-libong mga tao? Pati ako?
Dumapo na din sa isip ko kung nakita ko na talaga ito pero baka sa ibang anyo. Yung tipong tao talaga. Kase pag nakapaskara sya hindi yon tao eh, Dimonyo. A demon in a woman's body. Baka babae din yung Demonyo, minsang biro ng lasing kong kasamahan noon.
Sa kabila ng lahat mabait ito sa mga tauhan nya. Ramdam ko iyon. Kapag may nasugatan at nadaanan nya ito ay tutulungan nya. Sagot nya ang pngangailangan namin. Sa dinami-dami namin ay lahat kami mula pinakamababang antas hanggang sa pinaka mataas ay nasa maayos na buhay. Pumapatay lang kami pag inutos nya o kaya ay kung sinlakay kami ng kalaban.
Sa samahang ito na pinamumunuan nya ay may pagkakaisa. Lahat kami ay nagtutulungan. Kung may nangangailangan ang mga malalapit sa kanya o kanila ay tutulong.
Sa Pilipinas ay kami ng kapatid ko na si Luigi ang namumuno sa mga tauhan nya. May tiwala sya sa amin. Sana bigyan ako ng pagkakataon na makausap sya tapos tanungin sya kung may kilala ba syang Lyda. Alam kong napaka kapal na ng muka kong iyon pero baka binenta din sya sa kanya gaya ng ginawa sa amin ng matandang kumuha sa amin sa bahay ampunan.
Sinama lang kami ni Lyda pero mas ok iyon dahil ngayon ay may idea ako kung pano sya hahanapin. Lahat kami na kasapi sa grupo nya ay wala nang tiwala sa gobyerno dahil ang Boss namin ang tangin naming susundin.
Sa katunayan kahit mataas ang position mo at malaki ang pera ay di ka pa din susundin maliban kung galing kay Boss. Hindi ako sigurado sa pangalan daw nya pangalan nya. Basta S.F. anv tawag sa kanya ng mataas dito sa organisasyon namin pero maging sila ay hindi alam ang tunay nitong pangalan at itsura.
Misteryoso sya. Kamangha mangha.
Kamakailan lang ay ang nagiisang taong may lakas para makalaban ito ay may bago daw na kanang kamay kilala iyon sa pangalan na Dark. Hindi pa din alam ang muka nito dahil naka maskara din ito. Ano ba yon ginagaya ba nila si Boss, nakakatawa. Pero muka namang isang dimonyo din iyon. May isa pang dimonyo. Nakahanap ng kapwa dimonyo ang dimonyo namin.
Kanina pa kami dito nagaantay sa labas. Mga nakapangsibilyan lang kami dahil nasa public kami. Sa nakikita ko mga 80% ng mga tao dito ay tauhan ni Boss. Lahat ng tauhan nya ay may rubing tattoo sa katawan. May mga tolken naman ang mga kagaya namin ni Luigi para makapasok sa mga basement namin na hindi sakop ng force. Siguro pati yung ibang leader na hindi sakop ang ibang aspect ay may tolken din. Yung organization namin oraganized na organized. Idol talaga si Boss. Lahat ata kami ay idol sya at may mga wala lang at may mga takot lang marinig lang ang Rubi.
Rubi ang tawag sa kanya naming mga tauhan nyang nasa Force Department dahil kami ang kasama nya lagi sa mga laban. Kami din ang laging nakakakita ng rubi nyang mga mata, kaya rubi ang tawag namin sa kanya na kalaunan ay pinangalan na namin sa kanya. Minsan nga may isa sa aming nasabi ang pangalan nya at narinig nya pero tumango lang sya. Nung mga panahong iyon ay magaan ang presensya nya. Pasalamat talaga yung kasama naming iyon. Sa Japan iyon noon yung isa isa dalawang leader iyon. Pakiramdam ko ay maiihi sya sa takot.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...