Susan's POV
It's been a week mula nung naabutan ako nang Witch Hour sa labas ng bahay. Hindi na iyon masyadong nangyayari sa akin. Minsan ay dalwang beses sa isang linggo na hindi ako nawala sa sarili kahit Witch Hour na. Hindi ko lang sinasabi sa iba.
Naalala ko yung kapwa ko dimonyo noon. Hindi ko masyadong namukaan ang itsura nya. Madilim ang awra nya at minsan ay hindi ako nakatakas at nasasaktan nya ako.
Humihilom na din ang sugat ko sa mga kamay na sabi nila Christian at Luigi ay gawa daw marahil ng bubog. Mas malapit na din sila sa akin. Dahil sa nangyari nung nakaraan ay hindi ko na sila nakompronta tungkol sa tunay na koneksyon namin sa isat-isa.
Nandito ako ngayon ulit sa Pilipinas at pinapanood ang rest house ko na inaayos na ang loob at labas para matirahan na. Tinawag ko din sina Christian at Luigi dito para makompronta ko na. Nandito na din si Mr. Jack at nakaupo lang sa isang upuang kahoy nagawa sa kawayan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Pinauugot nya iyon dahil nakasabit lang iyon sa puno dahil gusto kong nauugoy iyon para mas makapagrelax ang nakaupo.
Lumapit ako dito at inabutan nya ako ng isang baso ng Orange Juice.
Inabot ko naman iyon at umupo katabi nya. Napalingon naman ako sa labas ng bakod dahil may huminto na traysikel. Sina Christian at Luigi na iyon kaya kumaway ako sa kanila.
Natulala naman sila at nagkatinginan. Ngumiti naman ajo sa kanila at pinuntahan para tumabi sa amin.
"Binili mo ba ang lupang ito." tanong agad sa akin ni Christian nang makalapit na ako sa kanila. Ngumiti naman ako sa kanila at kinuha ang mga braso nilang may mga buhat na mga gamit.
Bago umalis ay inabutan ko ng pera ang traysikel driver at nagpatuloy na sa loob. Tapos na ang bahay at pinaalis ko na ang mga manggagawa. Kami nalang ang natira dito saka si Katrina Flin. Ang anak ni Mr. Flin.
Tinatanong nya sakin ang pamilya nya at hinahayaan ko lang naman sya pag tatawagan nya ang pamilya nya. Hindi ko naman hinayahaan na nagkapera ang Katrina na ito dahil baka ipadala lang nya sa tatay nya. Ang sabi ko sa tata nya ay ipangsusugal lang ito ng ama nya dahil sa tinanggal ko naito sa pwesto.
Alam ko namang hindi gaano naniniwala ang babaeng ito kaya bahala na sya sa buhay jya ang mahalaga ay nasa akin sya at wala sa mga magulang nya.
Nasa loob naman na kami nang may narinig kaming pagparada ng motor sa labas. Sumilip naman ako at bakita kong si Lemuel iton at angkas si Jessa ang bruhang nagpaampon sa akin naka pang summer outfit ito buti nalang at hindi two piece na mag bubulgar sa kutis nya. Bansot naman.
Patakbo itong yumakap sa akin at pilit ko naman itong ikalas pero hinayaan ko nalang din. Napatingin naman ito sa pinsan kong si Christian at inisnaban ito. Anong meron sa babaeng ito?? Inaano daw kaya sya ni Christian.
Nakaikot kami sa lamesa at nakain ng tanghalian. Ako ang nagluto ng adobo na inuulam namin ngayon. Nakain ng tahimik ang lahat.
Pagkatapos naming kumain ay si Jessa na ang nagprisintang magliligpit basta daw pumunta kami ng dagat manaya na tinanguan ko naman. Gusto ko din kase maligo ngayon sa dagat para pampakalma ko.
Napatingin naman kami sa isat-isa nang may nagtaopo sa labas. Baging lang naman ang bakod at di na kailangan ng door bell.
Lumabas naman kaming tatlo nila Christian at Luigi. Napahinto naman ako dahil si Lovely iyon at may hawak itong isang cake na nasa box pa. Binili pa ata nya ito sa Goldilocks.
Lumapit ako at kinuha ang dala nya. Nakatingin lang kami sa isat-isa at ngumiti sya sa akin.
"Matagal tayong hindi nagkita at namiss talaga kita. Maaaring kinalimutan mo na ako pero gusto ko pa ding maging kaibigan mo. Can we be friends again??" natulala naman ako sa mga sinabi nya at napangiti. Nanginginig ang sulok ng mga mata ko. Inabot nya sa akin ang kamay nya. Kita ko ang panginginig nito kaya inabot ko ang kamay ko at nakipag shake hand sa kanya.
YOU ARE READING
Forget to Forgive
Mystery / ThrillerHer name is Lyda. Lumaki sya nang wala ang kanyang mga magulang dahil pinatay ito. Naging bato na ang puso nya at nanirahan ang dimonyo sa kaluluaa nya. Anong pagbabago ang mangyayari kung bigla nalang bumalik ang nakaraan na pilit na nyang kinalimu...