CHAPTER 6: Montreal Medical Center

10 2 0
                                    


Kanina pa ako bagot na bagot habang nakamasid sa daan na puno ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa bayan para puntahan ang lahat ng hospital sa lugar namin. Nagbabaka-sakaling mahanap ang katawan ko.

Actually, nilibot ko na talaga lahat ng hospital sa bayan namin kaso hindi ko mahanap ang katawan ko kaya sumuko na lamang ako at iniisip na talagang pat*y na ako. At nananatili pa rito para sa isang misyon na kailangan kong tapusin upang sumakabilang buhay na.

I did everything to find my body. Humingi pa ako ng tulong sa kapwa kong multo na hanapin ang katawan ko pero dumaan ang ilang araw, wala pa rin kaming mahanap na kamukha ko na nakahilatay sa kama. Hanggang sa nabalot na lang ako ng inggit nang makabalik sa katawan ang kaibigan kong multo at magising. Kung kaya't napagpasyahan kong tumigil sa paghahanap.  Ngunit makalipas ang ilang buwan nagkrus ang landas namin ni Manang Matilda. Sinabi niya sa akin ang rason kung bakit nanatili pa ako rito sa mundo. Marami akong nalaman mula kay Manang Matilda. Isa na doon ang misyon ko.

Noon pa man, nawawalan na talaga ako ng pag-asa na mabuhay ulit. Ngunit ngayon, may malaking posibilidad na may makaalam na sa akin gayong nakaguhit na ang mukha ko. Sasabihin ko sa inyo ang totoo bago pa kayo mag-isip kung si Jay ba ang gumuhit sa akin. Si Jay? Nope. Walang kwenta kasi siya. Ginawa ba naman akong unggoy. E pano na lang kung 'yon ang ipapakita niya sa mga tao tas pagtatawanan lang siya sa kadahilanang naghahanap siya ng unggoy? So, hindi ko hinayaang magpadrawing ulit sakanya. Mabuti na lamang at may kaibigan siya na magaling gumuhit. Kaya tinawagan agad namin ang kaibigan niya at nagpagawa bago matapos ang araw na ito.

Kahit na maraming tanong ang kaibigan ni Jay nagawan pa rin namin ng palusot. Tinatanong ba naman na sino ba ang babaeng pinapaguhit mo sa akin. Is she your girlfriend?

Girlfriend agad? Hindi ba pwedeng kaibigan?

Tapos alam niyo ang sagot ng gag* kong katabi ngayon sa kotse?

“No. Wala akong girlfriend na bastos.” walang pag-alinlangan niyang sagot sa tanong ng kaibigan niya.

Hindi pa rin ba niya nakakalimutan ang nangyari sa shower room niya?

ANG OA SABING AKSIDENTE LANG E!

“Nandito na tayo.” saad niya habang tinatanggal ang pagkakalabit ng seatbelt samantalang tumagos lamang ako sa pinto ng kotse niya. Baka kasi pag binuksan ko ang pinto ng kotse niya edi magtataka ang makakakita kung bakit bumukas ito ng wala namang tao.

Sumunod siya sa akin. Tumingin ako sa itaas para tingnan kung ano ang pangalan ng hospital.

Montreal Medical Center.

Nauna ng pumasok sa loob si Jay. Hindi niya ako kinakausap tulad ng napag-usapan namin sa bahay kanina. Kapag nasa labas, wala dapat usapan na magaganap. Bakit? Malamang takot mapagmalan na baliw si Jay e.

“Excuse me, Miss. Do you know this girl?” tanong nito sa isang nurse na naglilista ng pangalan ng mga taong labas pasok sa Montreal Medical Center. Kinuha ng nurse ang hawak niyang papel at pinagmasdan.

“No. Is she a patient here?” sagot ng nurse, muli nitong ibinalik ang papel kay Jay. “What's her name?”

“I'm sorry I forgot to ask her name. Pinapabisita kasi ako ng kaibigan niya, tapos 'ito lang ang ibinigay sa akin.” sambit ni Jay, tinutukoy ang drawing.

“Ah, I see.” napatango ang nurse, “I'm sorry. Bago lang kasi ako rito kaya try mong itanong sa iba sir.”

Umalis na si Jay matapos magpasalamat sa nurse.  Pumunta siya sa tabi ko habang pasimple akong kinakausap.

“Maghiwalay tayo ng pupuntahan. Ako na bahala sa 3rd floor tas ikaw na ang bahala sa lahat tutal hindi mo na kailangan pang sumakay ng elevator o maghagdan.” tumango ako. Tama rin naman siya kahit papaano. Isang laho ko lang, nakarating na ako.

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon