CHAPTER 11: Help Me

11 2 0
                                    

37 Days

“HELP ME! HUHUHU”

“SHUT UP! KAHIT ILABAS MO PA LAHAT NG BOSES MO WALANG MAKAKARINIG!”

“P-PLEASE D-DON'T DO T-THIS T-TO... M-ME!”

“WHY NOT?! HAHAHA! YOU'RE SO FVCKING BEAUTIFUL AND  SEXY...”

“I—NOOOOOOOO!”

Malakas akong napasigaw nang may dalawang boses akong narinig at malabong imahe ang sunod-sunod na pumasok sa isip ko. Nagising tuloy mula sa mahimbing na pagtulog si Jay. Binuksan nito ang ilaw at nag-aalalang tumingin sa akin.

“May nangyari ba sa'yo?”

Pilit kong iwinaglit ang mga imahe at boses ngunit hindi ko magawa. Nanginginig ang dalawa kong kamay na mahigpit na kumakapit sa study table ni Jay. Mabilis din ang bawat paghinga ko, tila ba galing ako sa ilalim ng tubig at muntik ng malunod. Sunod-sunod na nagsituluan ang aking mga luha.

Bumaba mula sa kama si Jay at lumapit sa akin. Pansin ko sa bawat galaw nito ang pag-alala. Mahigpit niya akong niyakap, umaasang mapakalma ako at mabalik sa reyalidad.

“Shh. I-It's okay... I'm here.”

Marahan nitong hinaplos ang aking buhok, pinupunasan ang mga luhang ayaw huminto sa pagpatak.

“H-help me...” bigla kong sambit.

Hindi ko matukoy kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Iba ang gusto kong sabihin. Pero 'yung boses kanina ay patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Yung boses na humingi ng tulong at nagmamakaawa ang siyang lumabas mula sa bibig ko.

“Calm down, Gaella.” hindi mapakali ang boses nito habang nakayakap siya sa akin.

Yumakap ako pabalik sa kanya, isinandal ang ulo sa dibdib nito, at sinubukang pakalmahin ang sarili. Pumikit ako ngunit sa pagpikit ko muling bumalik ang mga malabong imahe ngunit sapat na para malaman ko ang mga nangyari.

Hindi ako tanga. Hindi ako inosente. That the girl in my memory was obviously rap*d. Hindi klaro sa akin ang mukha ng babae, hindi rin pamilyar sa akin ang boses at lalong hindi ko iyon boses.

“Someone's asking me for help.” naguguluhan kong sabi. Bumitaw ako mula sa yakap ni Jay, at diresto siyang tiningnan sa mata. Hindi ako nagkakamali. Humihingi siya ng tulong. May kinalaman ba ang pangyayaring 'yon sa akin? Imposible naman na basta-basta lang 'yong pumasok sa isipan ko, di ba?

Nakita ko ang antok sa mga mata ni Jay kaya malalim akong bumuntong hininga. “Matulog ka na ulit. Pasensya na sa disturbo.”

Tumayo ako kaya napaatras siya. Naglakad ako papunta sa kama niya saka pinatay ang ilaw.

“Good mornight, Jay. Usap na lang tayo bukas.”

***

36 Days

“Good morning!” Masiglang bati ko sa kakalabas na Jay mula sa C.R. Wag ibang iniisip ha. Nakabihis na siya. Hindi tulad dati na kailangan niya pang lumabas para kumuha ng damit. Ang awkward kaya kapag nangyari ulit 'yon.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, tinitingnan kung okay na ba ako. Ngumiti ako sakanya.

“Wow! Pamilyar sa akin ang eksenang ito ah?” nakangiti kong sabi. Bigla ko kasing naalala ang una naming pagkikita. Ganito kasi ang eksena 'noong pinapahanap niya ako sa kaibigan niya. Haha! Kaso nga lang in-inpeksiyon niya ako kung may dala ba akong bagay na maaaring ikapahamak niya.

“Perv*rt intruder pala ah!”

“Tsk. Where have you been?”

“Miss mo na agad ako?”

“Miss mo mukha mo. Lagi ko ngang nakikita 'yang pangit mong pagmumukha.”

“Pangit ka d'yan. Mabait, matalino, at higit sa lahat maganda kaya ako.” inirapan ko siya.

“Sinong may sabi? Professor mong close na close sayo noong tao ka pa?” ngumisi siya, “Tama?”

Pinaningkitan ko siya ng mata. Heto na naman siya sa pang-aasar sa akin. Maganda kaya ako. Bulag lang talaga 'tong si Jay e. Hayaan na nga, baka kasi namiss niya lang talaga ako kaya heto't nangtotoo.

“Nga pala, yung nangyari kanina... sasabihin ko pa ba?” nag-aalinlangan kong tanong.

“Later. Kakain muna ako.” sabi nito bago lumabas ng kwarto. Kakasirado pa lang niya ng pinto ngunit muli itong bumukas. Lumabas mula roon ang ulo nito,

“What?”

“May nakalimutan lang akong sabihin.”

“What is it?”

“Na ang pangit mo.” sabi nito saka isinarado ang pinto.

'Lakas mang-asar ha. Mabulunan ka sana.'

***

“Are you sure na hindi ikaw ang babae?” tanong nito matapos kong ikuwenta ang naalala ko kaninang alas 2:00 Am.

“I'm one hundred percent sure. Magkaiba kami ng tono ng boses, Jay.”

“Paano mo naman naalala 'yon? Wala ka bang ibang nakita? Hindi mo ba nakita ang sarili mo doon?” sunod-sunod na tanong nito.

Muli kong binalikan ang pangyayari. Lumipas ang ilang minuto ngunit wala akong makitang kakaiba o makita ang sarili sa pinangyarihan. “Wala e.”

“So bakit nga nasa memorya mo 'yon?” iritadong sambit ni Jay. Hindi siya iritado sa akin kundi sa pasikot-sikot na misyon ko.

“Hindi ko rin alam. Basta ang tanging naalala ko ay humihingi siya ng tulong sa akin.”

Humingi ng tulong sa akin?

'Sandali'

“Posible kayang narinig ko siyang humihingi ng tulong kaya pinuntahan ko siya? Tapos... Tapos nakita ako ng lalaki kaya tinulak niya ako dahil sa paghadlang ko?!”

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon