CHAPTER 5: 57 Days Left

11 2 0
                                    

Lumabas na nang kwarto si Daryll matapos naming mapirmahan ang ginawa niyang kontrata. Niyaya niya pa akong kumain sa ibaba tila nakalimut na isa akong multo. Nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi ay agad siyang natawa.

“Hindi ka pala nagugutom kasi isa ka ng multo.” huling sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Tumihaya ako sa kanyang kama, nag-iisip ng plano habang hinihintay siya. Hindi ko dapat sayangin ang mga natitirang oras na ibinigay sa akin para alamin ang totoo. Kahit isang segundo, hindi pwede. Dito sa misyon ko nakasalalay ang buhay ko.

I only have 57 days left. At hindi ko kailanman alam kung saan mag-umpisa. Uunahin ko bang alamin ang pagkamat*y ko o unahin kong hanapin ang katawan ko?
Para naman kapag nahanap ko na ang katawan ko, malalaman ko na may pag-asa pa ako.

Hindi dapat ako susuko. May pakiramdam kasi ako na may malaking sekreto ang nakatago sa likod ng pagkamat*y ko. Okay na sa akin ang hindi na bumalik sa katawan ko, mabigyan lamang ng hustisya ang pagkamat*y ko.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Napatitig sa akin si Daryll, bumangon ako at agad siyang tinawag.

“Jay,”

“Yeah?”

“Iguhit mo ang mukha ko.”

Napaurong siya nang marinig ang sinabi ko. Pansin ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha, “Hindi ako maruno—” I cut him off.

“It's okay! As long as may naguhit ka na medyo kamukha ko, ayos na 'yon. Kaysa naman humanap ka pa ng iba na guguhit sa akin, di'ba? Edi magtatanong sila. Tapos anong isasagot mo?” huminga ako ng malalim

“Sasabihin mong multo ako?” sabi ko.

Pasimple siyang napatango sa sinabi ko, “May kwenta ka rin pa lang kausap minsan.” tugon nito. Kumuha siya ng papel at lapis, agad niya akong inutusan na umupo ng maayos.

Pumwesto na siya sa kanyang study table, at nagsimulang iguhit ang mukha ko. Seryoso siya habang ginuguhit ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip na 'kay swerte ko pala sa lalaking ito.

Mabuti na lamang at siya ang nakatakdang tumulong sa akin. Kahit minsan suplado at masungit ang lalaking ito, may tinatago rin pala itong bait.

“Ayusin mo ha.” utos ko. Hindi siya sumagot. Ang seryoso talaga.

Pasimple akong nag-inat ng katawan. Grabe. Ang sakit ng likod ko habang tuwid na nakaupo. Bawal kasi akong gumalaw. Kahit matigas ang ulo ko, e pinagbigyan ko ng 30 minutes. Baka kasi toyoin na naman ito't iwanan ako.

“Gad. Bakit ang tagal?” reklamo ko nang hindi ko na talaga matiis ang pananakit ng likod ko. Tamad niya akong nilingon.

“Puro ka reklamo. E nakaupo ka lang naman d'yan at walang ginagawa.”

“Tatahimik na, Sir.” I said. Inirapan niya ako at muling nagpatuloy sa ginagawa. Maya-maya pa binitawan na niya ang lapis at pinagmasdan ang nagawa.

“Tapos na?”

Hindi ko na siya pinasagot pa at bigla na lamang sumulpot sa tabi niya. Gulat siyang napalingon sa akin samantalang mabilis naman ang pagtakip niya sa papel na ginuhitan niya.

“What the—” tinapik ko ang kanyang ulo nang magsimula na naman siyang magmura. “Stop cursing, please.”

“I'm not done yet!”

“It's okay. Patingin na muna,” hinila ko ang kamay niya ngunit hindi siya nagpatinag. “Alam ko namang maganda ako kaya wag nang mahiya.” sabi ko, at muling hinila ang kamay niya.

“Saang banda ka maganda?” pangbabara niya sa akin.

“Leche. Maganda kaya ako. Sadyang hindi mo lang na-a appreciate itong kagandahan ko.”

Hinila ko ulit ang kamay niyang nakatakip sa papel pero hindi pa rin siya nagpatinag. Napailing-iling ako. May mali e. Pakiramdam kong may masama siyang ginawa. “Ano ba?!”

Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya. “Hindi pa nga tapos e.” saka mabilis na kinuha ang papel at tumayo para itaas ito.

“Porket matangkad ka gaganituhin mo ako?” tanong ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa kamay niya at sa papel na hawak nito.

“Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabi ng hindi pa tapos, kukunin mo na.” nakangising sambit nito. Mas lalo pa niya ako binadtrip sa pamamagitan ng pagtaas pa lalo ng papel na may mukha ko.

Pilit kong inabot ang papel sa pamamagitan ng pagtalon. Hindi namin napansing nagkadikit na pala ang aming katawan.

“Hindi ko sinabing kukunin ko! Ang sabi ko patingin ako!”

Naknampucha. Ang sarap niyang yakapin ng mahigpit sa leeg.

“Kahit na! May privacy ako na dapat mong sundin.”

“Maypa privacy privacy ka pa d'yan e alam ko namang may kalokohan kang ginagawa!”

Para kaming tanga na nag-aagawan sa isang bagay. Pero kung titignan talaga, siya yung mas tanga. Kasi kung may makakita lang sakanya na may kausap na hindi nakikita ng iba, edi aakalain ng iba na nababaliw na siya.

Umatras siya habang patuloy ako sa pag-abot ng kamay niya. Inipon ko pa lahat ng lakas ko para maabot siya pero masyado siyang matangkad. O pandak talaga ako?
Tumalon ulit ako. At sa pagtalon kong 'to aksidente kong naapakan ang isa niyang paa dahilan ng mabilis na pagbagsak namin sa naka-tiles niyang sahig.

“Sh*t!” sabay kaming napamura sa sakit na naramdaman. Ako na bumagsak sa katawan niya samantalang bumagsak naman siya sa sahig.

Pero hindi ko pinansin ang sakit, bagkus ay mabilis kong hinila ang papel mula sa kamay niya at pinagmasdan ito.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko habang nakatitig sa papel. Gusto kong mainis at pagsapaksapakin siya sa kagaguhang ginawa niya.

Huminga ako ng paulit-ulit para pigilan ang sarili kong sapakin siya, pero masyado na talaga akong na-high blood sa lalaking ito kaya hindi ko na napigilan ko ang sariling sapakin siya.

“Naknampucha! Bakit mo ako ginawang unggoy?!”

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon