Two years ago...“Tell them.”
Hindi malaman ng babae kung ano ang dapat na gawin kung kaya't napailing ito sa takot. Sasabihin ba niya ang totoo o lumayo at kalimutan ang mga nangyari?
“You can't?” Pinasadahan ng kamay ng lalaki ang nanlalamig nitong pisnge sa takot. Hindi magawa ng babae ang gumalaw o magsalita man lang dahil sa takot.
Natatakot siya na baka siya ang isusunod nitong itulak.
“Good.” Dinampian siya ng lalaki ng halik sa labi nito ngunit pagkadiri lamang ang nararamdaman ng babae.
“See you next time, then.” huling sabi ng lalaki bago ito umalis na parang walang masamang ginawa sa isang tao.Gusto na ng babae na ungkatin at sabihin ang totoo sa mga nag-iimbestiga sa kaso ng isang babae na inakala ng lahat na tumalon dahil sa pangloloko ng boyfriend at best friend nito. Ngunit ang hindi alam ng lahat na may nakatagong lihim na tatlo lang ang nakakaalam. Ang babae na ngayo'y nasa hospital, ang masamang lalaki, at siya. Tinulak ng lalaki ang babae para walang makakahadlang sa masama nitong plano sa isang estudyante.
Marahas na napapunas ng luha ang babae at inayos nito ang nagusot na uniporme at lumabas ng building saka pinagmasdan ang lupa na kinababagsakan ng babae na inaasahan niyang makakatulong sa problema niya. Ngunit malaki naman pagkakaiba sa iniisip niya sapagkat siya ngayon ang rason kung bakit na-comatose ngayon ang babae.
Hindi kaya ng konsenysa ng babae na itikom ang bibig niya. Gusto na niyang magsalita kahit na masira pa ang pagkatao at dignidad niya alang-alang sa buhay at kalayaan niya.
Ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita, may isang buhay naman ng tao ang nanganganib. Matatapos nga ang problema niya ngunit may buhay naman ang matatapos.
Kung kaya't para sa ikabubuti nilang dalawa, napagpasyahan niyang lumipat ng University. Naging payapa at tahimik man ang buhay niya ngunit hindi mapagkakaila ng puso't isipan niya na hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin siya.
Binibisita niya ang babae ng apat na beses sa loob ng isang buwan, kinakamusta ito sa pamamagitan ng doktor ngunit parehas lamang ang sagot nito sa kanya,
“No signs of improvement. Ni paggalaw ng kamay wala kaming natanggap. Kaya natatakot kami na baka isang araw tuluyan siyang sumuko.”
She feels sorry. Kung sana hindi na lang niya ito hiningan ng tulong, kung sana hinayaan na lang niya ang sarili niyang bab*yin ng paulit-ulit. Edi sana kasama ngayon ng babae ang mga kaibigan at pamilya nito at higit sa lahat ay malapit na rin sana siyang magtapos ng kolehiyo.
“I'm sorry.”
Dalawang salita na isinulat niya sa isang piraso ng sticky notes, ididikit na sana niya ito sa dingding kasama ang ibang notes ngunit napapaisip siya na sa paggising na lang ng babae siya hihingi ng patawad. Hindi sa pamamagitang ng sulat, kundi sa personal. Ibinulsa na lang niya ang papel ag lumapit sa kinalalagyan ng babae. Habang nakatitig sa babae, mabilis na dumausdos ang mga luha nito.
“I am really sorry. Gumising ka na, pakiusap. May naghihintay pa sa iyo.”
TAHIMIK na nakaupo si Gaella sa ilalim ng puno habang nakatitig sa isang tao na nakaupo sa harap ng puntod niya. Tahimik at nagmumuni. Mula sa malayo, napansin niya ang pagpunas ng babae sa mga mata nito. Umiiyak ito kung kaya ay hindi niya napigilan na tabihan ito ng upo at pakinggan sa bawat salitang binibitawan ng babae.
“Ang hirap magpanggap. Akala ko ayos na, okay na ako, pero nong makita ko ang hay*p niyang pagmumukha... nasusuka at nandidiri ako.” puno ng galit na usal ng babae, “Matatag ako sa mata ng iba pero ang hindi nila alam... ay mahina pala ako. Nanghihina ako sa bangungot na paulit-ulit na nangyayari sa akin. Nasusuklam at nandidiri ako sa sarili ko.”
“Gaella...” napayuko ang babae, humagulhol ng iyak sa ibabaw ng tuhod niya at maya-maya pa ay nagsalita, “Handa na ako...”
Muli siyang tumingala, “Kung noon ay naging duwag ako, ngayon nama'y handa na ako harapin ang hay*p niyang pagmumukha.” nanggagalaiti sa galit ang babae.
“Ipapamukha ko sakanya na kahit wala akong sapat na ebidensiya ay makukulong at pagbabayaran niya ang kahay*pang ginawa niya sa ating dalawa.”
Tumayo na ang babae, “Sa akin nagsimula ang lahat kaya ako rin ang magtatapos.”
Pinunasan ng babae ang luha nito at diretso ang tingin sa puntod ni Gaella. Mayroong maliit na ngiti ang sumilay sa mukha nito kahit na patuloy sa pagpatak ang luha niya at ayaw magpaawat.
Napangiti na lang din si Gaella sa nasaksihan.
“Now I know kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito.” napatango-tango si Gaella, tila naiintindihan na ang lahat na noo'y kinalilituhan niya. “Hindi ako nagsisisi. At lalong wala akong galit o inis na nararamdaman sa iyo. Dahil kahit sa huli kong pagkakataon para mabuhay ulit ay bumalik lamang ako sa dati at tinulungan at tulungan ka pa muli.
Masaya ako kahit tuluyan na akong pat*y ay napamukha ko naman sa iyo na lumaban at isuplong na ang kasamaan niya... ni Sir Richard.”
Malalim na bumuntong hininga si Gaella. Tumayo siya at hinarap ang babae,
“You can do it, Lily.”

BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasíaPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?