CHAPTER 10: My Close Professor

13 3 0
                                    

May mangyayari. And I knew it the moment I started to fade.

***

Mas mabilis pa sa alas kwarto akong naglaho nang masaksihan ko ang nangyari sa akin kanina. Nagtungo agad ako sa hospital kung saan nanatili ang katawan ko.

Takot na takot ako sa nangyari. Hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyari. Wala naman akong ibang ginawa bukod sa paghila ng buhok ng babaeng may anghel na mukha.

Pinagmasdan kong maigi ang katawan ko sa kama. Kailan kaya matapos ang lahat ng ito? I really want to go back. Pagod na ako. Kahit hindi ko na malaman ang rason kung bakit ako ngayon nakaratay sa kama, basta bumalik sa katawan at magising na lang ako.

Bahagya kong itinaas ang dalawa kong kamay saka pinagmasdan ito. I'm still fading, and I can't help but feel sad. Sa mundong aking pansamantalang ginagalawan,  nababatid kong ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko.

I shouldn't be here, asking help from someone who doesn't want to help me. Hindi na dapat ako naparito sapagkat lahat ng taong kilala ko noon sinasabi ring nagpakamat*y ako ng dahil sa boyfriend. 

Ang babaw ko siguro noong nabubuhay pa ako. Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa dalawa kong kamay. Not now, please. Hindi pa malinaw sa akin ang rason.

***

40 Days

Habang nakaupo ako sa tabi ng katawan ko, hindi ko maiwasan na hindi subukang pumasok. Ginawa ko, ngunit hindi tinanggap ang kaluluwa ko ng mismong katawan ko.

“Bakit ayaw?” mahinang tanong ko, saka muling sinubukan.

Napatigil lang ako nang bumukas ang kurtina, at pumasok si Manang Matilda. Nagtama ang aming mata, pagkatapos ay ibinaling ang atensyon sa katawan kong nakaratay sa kama.

“Kahit subukan mo ng paulit-ulit, wala rin mangyayari. Tapusin mo muna ang misyon mo. Wala ka pa nga sa kalagitnaan, nagsimula ng magpakita ang mga senyales na hindi mo matatapos ang misyon.”

Napalunok ako sa sinabi ni Manang. Alam na niya ang nangyari sa akin. Kung paano ako muntik ng maglaho ng hindi ko naman ginagawa.

“Psh.” naiinis kong usal. Pumunta ako sa bintana para lumanghap ng hangin. Gabi na. Ngunit simula noong araw na 'yon, hindi pa rin siya bumibisita sa akin.

“May mga naaalala kana ba?”

Lumingon ako kay Manang nang tanungin niya ako. Inayos nito ang kumot kapagkuwan ay marahang sinusuklay ang mahaba ko ng buhok.

“Meron kaso malabo.” tipid kong sagot at napangiti sa ginagawa nito. 

Nararamdaman ko ang alaga ng isang ina sakanya. Yun bang inaalagan ka kahit walang kasiguraduhan na magigising ka pa ba.

“Ano?”

“Tumalon ako mula 4th floor dahil sa boyfriend. Pero Manang, 'yung mga malabong naaalala ko at nalaman ko sa iba hindi nagkakatugma. Tumalon raw ako pero sa malabong naalala ko may tumulak daw sa akin.”

Napabuntong hininga si Manang, nilingon niya ako at seryosong tinitigan sa mata. “Ano ang mas pinaniniwalaan mo? Tumalon ka dahil sa boyfriend o may mga tao talagang may kinalaman sa pagkamat*y mo?”

“Yung dalawa?”

“Umayos ka”

Napatawa ako, “Char lang po. Mas naniniwala talaga ako sa una kong nalaman. Yung... tumalon ako dahil sa boyfriend ko. Kaso—”

Natigilan kami nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok sa loob ang dalawang lalaki. Yung isa ay si Jay, yung isa naman ay professor ng University namin dahil sa suot nitong uniform. Hindi ko siya matandaan pero pakiramdam ko close kami dati.

Nagtama ang mata namin ni Jay. Ngumiti ako sakanya at kumindat.

“Yun oh! Bibisita ka rin pala, nag-iinarte lang!” umiwas siya ng tingin sa akin. Heh.

“Nandito siya, Professor.” sambit ni Jay, binuksan ni Jay ang kurtina pagkatapos ay pumasok si Professor. Pinagmasdan niya ang nakaratay kong katawan nang may malungkot na tingin kapagkuwan ay bumaling ang tingin kay Manang na nasa gilid habang seryosong nakatitig kay Prof.

“Ikaw ba ang magulang niya?”

Pasimpleng tumingin sa akin si Manang, “Oo. Simula pagkabata ako na ang nag-aalaga sa batang 'yan kaya parang anak narin ang turing ko sakanya. Nakakalungkot ang nangyari sa anak ko.” tugon ni Manang Matilda.

Nakuha ko kung bakit siya nagsisinungaling. Hindi dapat malaman ng iba na kilala niya ako nang maging multo ako.

“Nalulungkot din ako sa batang ito. Sinayang niya ang kinabukasan niya nang dahil sa boyfriend niya. Hindi niya dapat 'yon ginawa.”

Yumuko ako nang sabihin niya ito. Hays. Bakit ba sinasabi ng lahat na nagpakamat*y ako dahil sa pangchi-cheat ng boyfriend ko? Wala namang sapat na evidence ah? Sigurado ba talaga sila o talagang may taong gustong pagtakpan ang pagkakamat*y ko?

“Sayang talaga. Mabait pa naman ang batang ito. Matalino. Maganda. Kaya sobrang gulat ko talaga nang malaman ko ang ginawa nito.” Mapait na ngumiti ang Professor.

Habang nakikinig sa bawat kwento niya, nararamdaman kong may marami siyang alam tungkol sa pagkatao ko.

“Sa totoo lang, close talaga kaming dalawa pati na ang mga barkada niya. Sa tuwing nagk-krus ang landas naming dalawa agad niya akong binabati ng Good morning/Good afternoon/Hi Sir. Sa tuwing may nahihirapan siya, sa akin siya unang hihingi ng tulong.” Rinig ko ang malalim na buntong hininga nito, “Kaso habang iniisip ko ng paulit-ulit ang ginawa niya... naiisip kong iba na talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon. Hindi nag-oopen up at pinili na lamang sarilihin ang problema.”

Muli nitong pinagmasdan ang nakaratay kong katawan saka puno ng pag-asa na ngumiti, “Sana... Sana gumising kana, Ge.”

Nag-uusap pa sandali sila Manang at ang Professor bago ito umalis. Nagkukwentuhan tungkol sa akin at kung gaano ako kaaktibo sa klase nito.

“Hija, maari ba kitang makausap?” tanong ni Manang habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Jay.

“Iiwan ko muna kayo saglit.” Tumayo at lumabas ng kwarto si Jay matapos itong sabihin. Kaming dalawa na lang ni Manang ang naiwan sa loob.

“Ano pong pag-uusapan natin?”

“Kailangan niyo ng bilisan sa lalong madaling panahon. Kung sana alam mo kung gaano na kalala ang sitwasyon na haharapin mo sa mga susunod na araw, hindi ka sana mahihirapan.”

Napakamot ako sa sinabi ni Manang. Sa dami ng sinabi ni Manang Matilda, isa lang talaga ang pumasok sa isip ko. Maghihirap ako sa mga sumusunod na araw?

“Nawa'y maalala mo na ang lahat sa lalong madaling panahon.”

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon