CHAPTER 18: To make something new.

8 1 0
                                    


I didn't regret that I died. Being dead means I saved someone. I made that person realized that we shouldn't let someone abuse us. I woke her up from her nightmare, and that makes me grateful.

Back then, I was so desperate to wake up from the coma. I was desperate to find out who's the person behind my death. And now, I am fvcking desperate to see Professor Richard in prison.

Galit ako sa kanya. Galit ako kasi sinira niya ang buhay ni Lily, malay din natin na baka may sinira na naman siyang iba noong lumayo si Lily. Dati tinuturing ko si Professor Richard na pangalawang ama, ngunit nagsisisi na ako. Isa pala siyang masamang tao. Nakakasuklam.

Anong klase siyang Professor?

Natuto na ako. Hindi na dapat pa ako magtiwala sa isang tao. Kasi katulad ng nangyari sa akin noong buhay pa ako, yung malapit sayo na tao pala ang sisira ng buhay mo. Ang magiging dahilan ng pagkabagsak mo. Kaya sana... sa susunod kong buhay, maalala ko ito.

'Na hindi na dapat pa magtiwala sa isang tao.'

Napasulyap ako sa pinto ng kwarto ni Daryll ng bumukas ito. Pumasok siya sa loob na tila nagmamadali saka tumungo sa closet niya at kumuha ng pamalit.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya napasimangot ako. Ganun? Para lang akong hangin ngayon sakanya ah.
Edi hindi magpansinan.

Muli kong binalik ang tingin ko sa ginagawa ko. Pinapaikot ko ang ballpen niya sa kamay ko.

Saan na nga ulit ako? Nakakainis. Bakit pagdating kay Daryll nawawala ako? Gusto kong magpapansin na dapat sa akin lang siya titingin.

Hindi ko dapat 'to maramdaman. May boyfriend pa ako.

“Naknang!” Napakamot ako sa ulo ko nang may maalala.
Wala na pala akong boyfriend. Tangek naman o. Pero at the same napangiti ako.

'Magbati sana kayong dalawa.'

Sambit ko sa isipan ko. Tinutukoy ang best friend at ex-boyfriend ko. Ewan, kahit may nakaraan kami ni Kuen may parte sa akin na masaya.

'Masaya kasi wala na kayo?' tanong ng utak ko sa akin.

“No!” napalakas kong sigaw kaya nang lingunin ko si Jay nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.

Panirang utak 'to!

“What are you thinking?” nagtatakang tanong ni Daryll.

Ngumisi ako sakanya. “Bakit mo tinatanong?”

“Wala. Para ka lang tanga na sumisigaw diyan mag-isa.”

Natawa ako bigla, “Edi sana sinamahan mo ako!”

“Sasamahan lang kita kapag buhay kana.” sagot nito sa akin.

Napaurong ako sa pagtawa, napansin ko rin na natigilan siya sa sinabi niya. Siguro napagtanto niya na nagkamali siya. Sandali kaming napatitig sa isa't isa. Maya-maya pa ay umiwas siya.

'Kaso pat*y na talaga ako.'

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Pilit akong nag-isip ng ibang topic para ibahin ang usapan. Ayoko ng ganito. Na-miss ko na 'yung dati. Yun bang nagbabardagulan kami kahit anong oras.

Pinagmasdan ko siya na ngayo'y kaharap ang salamin. Nagpapabango siya at naglagay ng kung ano sa buhok niya.

“Sinong maswerteng babae ang pinupurmahan ng Daryll ko?” tanong ko nang makita kong nakaporma ito. Kaya pala siya dumiretso sa closet niya para magbibihis ng bago.

Yay. That's very unusual of him.

Bahagya niya akong sinulyapan mula sa salamin nang nakakunot ang noo. 

“Hindi nga ako naalala,” sambit nito, nagrereklamo. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapatawa ng malakas.

'Ang cute niya talaga kapag nagrereklamo!'

“May girlfriend ka pala?” tanong ko.

“May nakita ka ba?” masungit na tanong niya.

'Ano na namang nangyari sa lalaking 'to? Bakit wala na naman sa mood!'

“Wala? Pero baka lowkey² lang kayo kaya wala akong—” naputol ako sa pagsasalita nang bigla siyang lumapit sa kinatatayuan ko, saka tumigil nang isang hakbang na lang ang kulang para magkalapit kami.

“W-What?”

Ano bang nangyari sa lalaking 'to? Bakit ang hirap niyang asarin ngayon? May problema ba siya? O kinalimutan talaga siya ng girlfriend niya kung sakaling meron?

Pinagmasdan niya ako. Ilang minuto kaming nagtitigan sa isa't isa hanggang sa mapansin ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Dahan-dahan akong napaatras samantalang parang may heart ako ngayon na sunod-sunod ang malakas na pagkabog ng puso ko.

“W-what are you d-doing?” nahihirapan kong usal nang mapasandal ako sa study table niya. Kaunti na lang ang kulang upang tuluyan kaming mapadikit sa isa't isa.

“Inaakit—”

Napapikit na lamang ako ng tuluyan siyang humakbang sa akin, pero hindi nagkadikit ang aming katawan. Naramdaman ko na may inabot siya sa ibabaw ng study table niya, at nanunuot sa tainga ko ang tawa niya.

Nagmulat ako ng mata na dahilan kung bakit nagtama ang aming mga mata.

“Asa ka naman.” sambit nito na tila pinapahiya ako sa naging akto ko. Umayos ako ng tayo at masama siyang tiningnan.

“Tang*na mo.”

Tumawa siya gamit ang nang-aasar niyang tono.

Argh. Heto na naman siya. Paiba-iba ang mood. Sana pala hindi ko na lang siya kinausap! Tuloy napagtripan ako! Naknampucha. 

Tumalikod ako mula sakanya at pasabog na umupo sa upuan. Naririnig ko pa rin ang nang-aasar niyang tawa.

“Come with me,” sabi nito matapos tumawa.

Edi come with me niya mukha niya. Tawanan pa ako kala naman niya mahihiya ako sa naging akto ko. Ako kaya 'to si Gaella, makapal ang mukha.

“No thanks.” mabilis kong sagot, “Ayokong maging third wheel niyo ng girlfriend mo.” saka siya inirapan, “Umalis ka na nga. Nangdidilim paningin ko sayo.”

Nararamdaman ko mula sa likod ko ang ngiti niya. Hindi na nang-aasar.

“Kung makapalayas ka sakin parang pamamahay mo 'to ah?”

Tumayo ako at agad siyang hinarap, saka sarkastikong nagbow sa harap niya, “Ay hala. Nakikitira lang pala ako. Sorry ah? Nakakabwesit kasi 'yang tawa mo kaya alis na!” pagtataboy ko pa sakanya.

Napailing-iling lang siya sa akin. Bahagya niyang itinaas ang kamay niya at tiningnan ang suot na relo. Pagkatapos ay muli akong nilingon.

“Let's go?” yaya ni Jay sa akin.

“Saan at bakit?”

Muli siyang ngumiti, “To that place to fulfill your longtime wish.”

Nakakatunaw talaga ang ngiti niyaaaa! Pero saan nga ba kami pupunta? 

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon