CHAPTER 12: The note

10 2 0
                                    



34 Days

“Aalis na ako. Kung sakaling gusto mo akong puntahan, nasa University lang ako. Atsaka, try to remember everything. Ako na ang gagawa ng paraan para masigpo ang taong may kinalaman kung bakit ka pa nasa hospital hanggang ngayon.”

Huling bilin ni Jay bago siya pumasok sa school. Sabado ngayon pero may pasok sila. Gusto ko sanang sumama sakanya kaso may kailangan pa akong puntahan. Kailangan ko kasing pumunta sa hospital para sa isang bagay.

Tanda niyo pa yung papel na may sulat? Yung may 'I'm sorry' sa loob. Hahanapin ko kung sino ang nagmamay-ari 'non. Baka sakaling may nalalaman siya.

'Nong araw na nakita na namin kung nasaang hospital ako, 'yun din yung araw na nakita ko ang isang nakalukot na sticky notes sa ilalim ng kama ko. Nagtataka nga ako 'nong araw na 'yon e, kung bakit hindi kasamang nakadikit ang papel na 'yon sa dingding. Iyon din yung araw na nagsimulang umiwas ulit sa akin si Jay noong nalaman niya ang hindi makatotohanang rason kung bakit ako naging multo kaya nawala sa akin ang papel. Pero 'nong hinanap ko, nakita ko sa isang notebook ni Jay, nakaipit lang pala. Napangiti ako. Umakto siyang walang pake pero 'yung totoo interesado rin pala siyang malaman.

Tumagos ako sa dingding ng kwarto ko, naabutan ko pa ang isang nurse na nag-check sa akin. Dumiretso agad ako sa dingding kung saan nakadikit lahat ng pictures at ilang notes. 'Nabasa ko na ang ilan kaso 'yung iba ay hindi pa, natabunan na kasi ng mga bago. Ayoko rin galawin baka kasi may makakita at matakot pa. Pero ngayon, handa na ako.

Hinintay ko muna ang nurse na lumabas bago sinimulan ang plano. Isa-isa kong tinanggal ang mga notes na nabasa ko na. Pati mga pictures ay tinanggal ko para tingnan sa likod kung may sulat ba. Yung iba meron pero simple lang ang mga mensahe. Hindi tulad 'nong isa na nakakapagtaka. Halos tapos na akong tingnan ang lahat kaso wala akong mahanap na kakaiba. Pinaghambing ko pa ang handwriting kaso wala pa rin talaga.

“Hindi kaya para sa iba 'yon?” Bulong ko habang tinutukoy ang isang piraso ng sticky notes na may sulat na 'I'm sorry'.

“Siguro?” pagsang-ayon ko pa sa sarili ko, “kaya siguro nakalukot kasi ligaw lang 'yon.” napatango-tango ako. “Sa iba na nga lang ako maghanap.”

Binalik ko ang ilang notes na hawak ko kaso ayaw ng dumikit kaya nahulog. Yumuko ako, aabutin ko na sana ito ngunit napahinto ako at napalingon sa likod nang may magsalita.

“Oh?”

Isang babae. Nakatitig siya sa mga sticky notes na nasa sahig. “Ah, sabagay ang tagal rin nakadikit ng mga 'yan kaya kumupas na.” Lumapit siya sa kinatatayuan ko at umupo saka isa-isang pinulot ang mga nahulog ko saka muling dinikit kaso ayaw na talaga kaya ipinatong na lang niya sa lamesa.

Binuksan niya ang kurtina at pumasok sa loob. Pinagmasdan niyang mabuti ang katawan ko nang walang kahit anong sinabi.

Alam niyo, napaka-familiar niya. Isa kaya siya sa mga kaibigan ko? Pinagmasdan ko siya ng maigi, iniisip kung saan ko ba siya nakita. Saan nga ba?

“Alam kong wala ako sa position para hilingin ito... pero maaari bang gumising kana?” Nababakas ko ang pagkabasag ng boses niya.

May masayahin siyang aura 'noong una ko siyang nakita pero habang lumilipas ang bawat minuto nakikita ko ang kalungkutan at galit nito.

“Pagod na ako. Ayokong maulit. Pakiusap, gumising kana. Ikaw lang kasi ang taong nakakaintindi sa sitwasyon na meron ako.”

Anong klaseng sitwasyon?

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan.
“A-Are you the girl in my memory?” Napalunok ako sa kaba. Malamig na nga ang aking kaluluwa, mas gramabe pa nang marinig ko ang huli niyang sinabi bago umalis na luhaan.

“Patawad kung ako ang dahilan kung bakit ka tumalon.”

Tumalon ba talaga ako? Pero bakit maraming rason? Sino ba talaga ang may dahilan? Yung best friend at boyfriend ko o 'yung babaeng kakabisita lang sa akin?

***

32 Days

“Gusto mong sumama?”

“Saan?”

“Sa bahay ni Professor Richard. May ipapasa akong papel sakanya.”

“Ay! Akala ko date”

Masama niya akong tiningnan. Ngumiti ako sa kanya saka siya kinindatan. Gumuhit sa mukha nito ang pagkadiri.

“Asa ka naman.”

I pouted. “Malamang minsan ka lang magyaya e. Tapos araw-araw mo pa akong sinusungitan. E sinong taong hindi aasa kapag nagyaya ang taong tulad mo?”

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako gamit ang seryosong mga mata. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Hindi ko alam pero sa sandaling ito wala akong ibang nararamdaman. Wala na 'yung kaba sa tuwing may masama akong nasabi. Wala na 'yung takot ko sa tuwing iniiwasan niya ako.

“Pftt! Tao ka?”

Umirap ako sa sinabi nito. Ako na ang multo. Kainis talaga siya. Akala ko may seryosong sasabihin tapos aasarin lang pala ako?! Waw!

Lumapit ako sa harap niya habang masama ang titig ko. Ganyan nga. Magtitigan kami gamit ang masasama naming mga tingin.

“Fine!” sigaw ko, natawa siya sa naging akto ko. “Akala ko ba hindi mo ako iti-treat na multo?”

“May sinabi ba ako?”

Langya!

'Nasa kontrata natin 'yun pre!'

“Asan ang kontrata?!”

“Nasa bag ko, bakit?”

“Ipapamukha ko lang sayo ang ating mga kasunduan.”

“May kasunduan ba tayo?”

“Wala ba?”

“Wala akong maala—” I cut him off.

Hinila ko ang kanang kamay niya at itinapat ko ito sa tapat ng puso ko. Natigilan siya. Maya-maya pa biglang nanlaki ang mata nito nang marealize ang ginawa ko.

“Naramdaman mo na?”

“Your b**bs aren't big enough for me to feel.”

Napabitaw ako.

'WHAT?'

Anong b**bs?! Yung heartbeat ng puso ko ang pinapakiramdam ko sakanya hindi b**bs ko!

“MANY*K!”

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon