Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko pa siyang makasama kahit isang araw man lang. Pero habang nakatitig kami sa isa't isa kahit na nakaharang ang puno sa pagitan naming dalawa, napayuko na lamang ako para pigilan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
She's slowly disappearing. Parang hamog si Gaella sa paningin ko sa mga sandaling ito. Hindi ko pa nakakamit ang hustisya. Hindi pa niya nakikita si Professor Richard na nasa kulungan at pinagbabayaran ang krimen niya.
But there's nothing I can do. Hindi ko na mapipigilan pa na ngayong araw ang huli kong pagkakataon na makasama siya.
Tama bang pati sa huli kong pagkakataon ay ilihim ko ang katotohanang matagal ko na siyang gusto? Na sa loob ng mahigit dalawang buwan naming pagsasama... nahulog na ako sakanya.
Muli ko siyang binalingan ng tingin.
Umiiyak siya sa mga oras na ito na dahilan kung bakit nahihirapan akong pigilan ang pag-iyak.
Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Pinagmasdan ko siya at ngumiti. “Do you want to know why I brought you here?” I asked.
Tila gusto kong hawakan ang puso ko ngayon sa sobrang sikip na nararamdaman. Pakiramdam ko gusto ko ng sumabog.
She nodded.
“I want to introduce myself to you, na hindi ko nagawa dati..” I whispered, inalahad ko ang kanan kong kamay sa kanya.
Napatitig siya sa akin habang lumuluha pero may ngiti sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang inabot ang aking kamay kasabay nang pagbalik ng alaala namin noon sa lugar na ito.
____
“Hi! What's your name?” A short-haired girl sat next to me and cheerfully asked my name while I was sitting on the sand, facing the setting sun.
I turned my gaze to her, “Do I know you?” I asked instead of answering her question. Hindi ko kilala ang babae na tumabi sa akin ngayon kaya bakit ko ibibigay ang pangalan ko sa babaeng hindi ko kilala.
She laughed at me while rolling her eyes. “Err. Kaya nga kita tinatanong, di 'ba? Para magkakilala na tayo.”
Sino ba 'to? At bakit ang kulit?
Inabot ng babae ang kamay niya sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap. Tinitigan ko lamang ito para ipabatid sa babae na hindi ko tatanggapin ang kamay niya.
“So, what's your name?” nakangiting tanong ng babae.
Hindi ba nawawala kahit isang beses ang ngiti niya? Nakakainis kasi. Ayoko ng nginingitian. Plastic 'yung iba kaya masarap itapon sa dagat para malaman kung pini-peke ba ako.
“Suplado...” rinig kong bulong nito, “Hindi nangangagat ang kamay ko, uy.” She snorted.
“So?”
“Edi tanggapin muna. Shake hands lang naman, hindi pa magawa. Ayaw mo ba akong makilala? Sayang.” napailing-iling siya, “Gusto pa naman kitang makilala.”
“Ang hirap mo lapitan! Pero kahit medyo pabebe ka, pipilitin ko pa ring alamin ang pangalan mo. Anong pangalan mo? Nahihiya kabang sabihin? Bakit? Kasi nakakahiya ba ang pangalan mo? Naku! Huwag kang mahiya. Hindi ako tataw—”
Tumayo na ako nang hindi matigil ang babae sa pagsasalita. Nakakarindi ang boses niya. Parang sasakyan na walang preno ang bibig nito. Hindi nauubusan ng salita. Umalis ako at iniwan ang babae na ngayo'y nagsisigaw.
“NAKNAMPUCHA!! HOY!!”
“BAKIT KA NANG-IWAN E HINDI PA TAYO NAGKAKILALA?”
“HOY!!!!!!”
![](https://img.wattpad.com/cover/350418633-288-k288568.jpg)
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasyPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?